Chapter 7

18.4K 195 72
                                    

Erick's POV

I opened my eyes and found Erin sleeping peacefully beside me. She really looks like an angel. Hinahaplos ko yung buhok niya habang natutulog siya.Hindi ko mapigiling mapatawa ng bahagya tuwing naalala ko yung pagkanta niya kahapon. Sayang talaga hindi ko navideo-han! Tsss.

I gently touched her face. Sobrang kinis pero I know hindi naman siya naglalagay ng kung anu-ano sa muka niya tulad ng ponds or something . Dove lang yata ginagamit niya tuwing pagkagising at bago matulog. Gumalaw siya kaya naman tinanggal ko agad ang kamay ko.

''Erick?'' tanong niya habang kinukusot ang mata at umunat. Hinalikan ko yung tuktok ng ulo niya bago.

''Good morning sleepyhead'' Tumayo na ako. I need to cook our breakfast dahil may pasok pa kami.

‘’ Erick anong gagawin mo?’’ dinig kong tanong ni Erin nung binuksan ko yung pinto.

‘’Tatae sama ka?’’ Nakatalikod na sabi ko sa kanya. Naramdaman ko yung unan na tumama sa likod ko.

‘’yuck! Dun ka na nga! Ang baho mo’’  sigaw niya sakin at nagtakip pa ng ilong. Talagang naniwala siya sakin ah? Umiling nalang ako at lumabas ng kwarto. I checked our ref kung anong pwedeng lutuin. I decied to just cook eggs and bacon.  Im in the middle of cooking ng tumabi sakin si Erin.

‘’Wow sarap naman niyan. Bilisan mo Erick gutom na ako eh’’ Minadali pa talaga ako. Tsk tsk. Nagpatuloy nalang ako sa pagluto. After  kumain, naligo na ako at nag-ayos dahil may pasok nga kami. Pinagbihis ko na din si Erin. Oo nga pala sila mom at dad tulog pa. 7 kasi pasok naming ni Erin. 8 naman ang pasok nila sa trabaho.  

Pagkatapos naming mag-ayos, sabay na kaming naglakad ni Erin papunta sa school.

Erin’s POV

‘’Erinnnn!’’ napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Agad akong napangisi at sinalubong ng yakap yung bestfriend ko!

‘’Clairee!! Bruha ka! Bakit dalawang araw kang absent? Namiss kita hindi ka man lang nagpaalam!’’ Kunwaring nagtatampong sabi ko sa kanya. Nandito na kami ngayon sa loob ng room namin. Tumawa naman siya.

‘’Sorry bestfriend nag-out of town ang lola mo!’’ maharot na sabi niya. Haayy kakaiba din itong si Claire eh. Out of town? Hindi pa naman bakasyon ah. Siya nga pala si Claire Desteen bestfriend ko simula nung nagfirstyear ako dito. They own 3 canteens sa loob ng iba’t ibang factories. Meron din silang salon & spa. Negosyante kasi ang pamilya nila. Mabait din si Claire at hindi plastic sakin.

‘’Ang sosyal mo naman teh!’’ natatawang sabi ko naman at hinampas siya sa balikat. Ngumiti lang siya at umiling iling. Napaupo kami dahil pumasok na yung adviser namin. Napatingin ako kay Claire at ngumiti yung tinging You-owe-me-a-story look. Napatawa naman siya ng bahagya at tumango. Namiss ko din yung girl bestfriend ko. She’s sitting on my left side. Sa right naman ay si Mark na nakatingin lang sa adviser naming si Mr. Rodri. Seryoso ang muka niya. Oo na namimiss ko yung pangungulit niya pero ako naman ang may kasalanan. Nahihiya akong magsorry sa kanya.  

Lunchbreak na. Syempre sabay kaming pumunta ni Claire sa canteen. Oo nga pala, halfday kami nung Monday due to some meetings ng mga teachers namin. Buti nalang talaga halfday nung nagkared alert ako. Pumasok kami ni Claire sa canteen at umorder. Dun kami umupo sa hindi crowded.

‘’Huy Claire ano? San ka ba talaga galing?’’ pang-uusisa ko sa kanya habang hinahati yung sili sa toyo na sawsawan ko. Nakatingin lang siya sa pagkain niya. I can see sadness sa muka niya.

‘’My lolo died’’ mahinang tugon nito. Agad nanlaki ang mga mata ko. Whatt?? Namatay ang lolo niya pero nakingiti siya kanina? Ang galing talaga ng mga babaeng magpanggap na hindi sila naaapektuhan.

‘’Condolence. Bakit hindi moa gad sinabi? Ang harot harot mo kanina’’ medyo pabiro kong sinabi iyon to lighten up the mood. Tumingin siya sakin at ngumiti.

‘’It’s like lahat ng pagluluksa ko nawala kasi nakita ko yung taong kasama ko sa kalokohan at happy moments. Ikaw yun Erin’’ ngiting ngiting sabi niya. Sheeettt nakakatouch lang! Naiiyak ako. Gusto ko siyang yakapin kayalang baka mapagkamalan kaming baliw.

‘’Thank you bestfriend kung nasan man ang lolo mo ngayon Im sure binabantayan ka niya’’ I said while smiling too. Nagpatuloy nalang kami sa pagkain.

‘’Hey’’ Napatingin ako kay Erick na nakaupo na ngayon sa tabi ko. May dala rin siyang lunch. Halos sabay lang kasi ang lunchbreak namin. Tumingin siya kay Claire at nagngitian lang. Sa almost 3 years na pagkakaibigan namin ni Claire ay medyo nagiging close na rin naman sila ni Erick.

‘’How are you Desteen?’’ tanong niya kay Claire habang nakangisi. Sumubo naman si Claire bago tumingin kay Erick at ngumiti.

‘’Im good DeLevina’’ she answered then continued eating. Hindi nga pala alam ni Erick na sumakabilang buhay na ang lolo ni Claire. Hinigit ko yung uniform niya para mapalapit siya sakin. Nagulat naman siya. Hahahaha nakakatawa yung itsura niya.

‘’Erin naman baka masira uniform ko’’ parang nagmamakaawang sabi niya. Nilapit ko yung bibig ko sa tainga niya para ibulong na Claire’s lolo just died. Tumango naman siya ng dahan dahan at sabay kaming tumingin kay Claire na tahimik na kumakain.

‘’Condolence Claire’’ Sabi ni Rick sa kanya. Tumango lang siya at ngumiti. Ang alam ko kasi ay bawal magthank you kapag ganon.

‘’Bakit nga pala absent kayo kahapon?’’ Tanong samin ni Claire habang palipat lipat ang titig niya samin ni Erick. Okay? Pano naman niya nalaman eh ang alam ko absent din siya kahapon.

‘’Pano mo naman nalaman teh?’’ tinaasan niya ako ng kilay. Problema nito? Nagkatinginan kami ni Erick. He looks like as if he doesn’t care. Ngumisi siya at tumingin kay Claire.

‘’Nagkalagnat si Erin kaya I decided to just stay at home para alagaan siya.’’ Paliwanag niya. Tumango tango naman si Claire na seryoso. Ano ba kasing problema talaga niya saming dalawa?

‘’Why?’’ She asked Erick. Nakatingin lang sila sa isat-isa.

‘’Because I love her’’ sagot ni Erick at lumingon sakin. I don’t why pero ang bilis ng tibok ng puso ko. He looked at me with his captivating eyes and dazzling smile. Narinig naming ang pag-usod ng silya sa harap. Nakatayo si Claire ngayon at nakatungo.

‘’Cr lang’’ mahinang paalam niya bago tumakbo papunta sa cr. Anong nangyari dun?

A Brother's Love (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon