Chapter 12

16K 126 25
                                    

Erin’s POV

Nagising ako dahil sa boses at pangyuyugyog sakin ni Erick. I slowly opened my eyes. Ngumiti siya sakin . Nakakatunaw… haist. Kahit matagal na kaming magkasama, minsan hindi ko pa din mabasa yung mga mata niya tulad ngayon. Ngumiti lang siya bago tumayo at umupo sa silya doon sa dining. Sumunod naman ako.

‘’Kamusta first day mo sa trabaho Rick?’’ tanong ko sa kanya. He looks happy pero may something sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Kumuha siya ng kanin at ulam. Nilagyan niya din yung plate ko.

‘’Ayos naman. Bukas daw yung regular day ko.’’ Sagot naman niya habang nakatingin sakin. That eyes. He’s half smiling. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Inilapit niya ang mukha niya sakin.Confusion is written all over my face. Hindi na ako makahinga sa bilis ng heartbeat ko. His smile turn into a grin.

‘’Baby’’ bulong niya sakin. His breath fanning my face. Kumakalabog na ang dibdib ko. 1 inch apart nalang siguro ang distance ng mga mukha namin. Napapikit ako dahil nakakaduling na.

‘’hahaha’’ Minulat ko ang mga mata ko nang marinig siyang tumawa. Umayos na din siya ng pwesto. Problema nito? Ang lakas naman ng trip niyang patibukin ng ganon kabilis ang puso ko. Pinagsalubong ko ang mga kilay ko at hinampas siya sa balikat.

‘’Ano nanaman bang trip mo ha Erick?? Nakakainis ka na ha!’’ naiinis na sabi ko sa kanya at hinigit ang t-shirt niya palapit sakin. Tumawa nanaman siya. Aish bakit ganito? Kahit lagi niya akong pinagtitripan natutuwa pa din ako?

‘’Eh kasi may muta ka pa!’’tumawa ulit siya. Binitawan ko ang kanyang t shirt at pinunasan ko yung gilid ng mata ko. Ano ba yan! Kainis naman. Nagpatuloy kami sa pagkain habang nakangiti siya ng malapad.

Sabado na. Ngayon ang kuhaan ng card namin at ang paghahanap ko ng trabaho. Hindi ko pala nasabi kay Erick. 11:30 na kanina pa siya nakaalis dahil ngayon ang regular day niya. Naligo na ako at heto ako ngayon sa harap ng aking cabinet. Hmmm ano kayang pwede kong suotin? Medyo mainit ngayon eh. Makapagshorts nalang na color white then simpleng shirt na color blue tapos yung highcut converse ko na kulay blue din. Sa buhok naman… hmm isang simpleng lahatan na ponytail nalang ang ginawa ko then I wore a white headband na ribbon ang design. Powder at lipgloss nalang ang nilagay ko sa mukha ko dahil mainit nga. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Im ready! Kinuha ko na yung backpack kong kulay pink at sinukbit iyon sa isang balikat.

Paglabas ko sa bahay ay naiharang ko agad ang mata ko sa sinag ng araw. Kinuha ko yung shades kong kulay itim sa backpack at nilock ang pinto bago umalis papunta sa school.

‘’Erin! Dito!’’ narinig kong sigaw ni Claire na nakaupo ngayon sa may lilim habang kinakaway ang kamay niya sakin.Lumapit naman ako agad.

‘’oh? Asan si Erick?’’ tanong niya. Hinahanap niya kasi dapat may kasama kaming nakakatanda na kukuha ng card namin. Kayalang may work nga si Erick so gumawa nalang siya ng letter na ibibigay ko sa adviser namin para makuha ko yung card ko.

‘’Nasa work eh. Gumawa nalang siya ng letter’’ sagot ko naman sa kanya. Napatango nalang siya. Hmmm parang blooming siya ngayon ah. Anong nangyari dito? She’s wearing a floral dress na above the knee. Kulay light yellow and pink iyon. Nakaflats naman siya na color pink. May clip naman sa buhok niya at medyo curl iyon sa baba. Mukhang may date siya.

‘’Si mommy nandun sa loob ng room natin getting my report card. Magpapaalam nalang ako na kasabay kitang maglulunch sa school canteen’’ nakangiting sabi niya. Tumango naman ako buti naman at may kasama akong maglalunch ngayon. Nagpaalam ako sa kanya na kukunin ko lang yung card ko. Nakasalubong ko din ang mom niya. Nagbatian din kami.Itinaas ko yung shades ko saaking buhok. Pagpasok ko sa room ay inabot ko na kay Sir Rodri yung later ni kuya.

‘’Sir sorry po wala po kasi dito si mommy ngayon and may trabaho po si Erick’’ pagpapaliwanag ko habang binabasa ni sir yung letter. Inabot niya saakin ang card ko.

‘’Thank you po sir’’ palabas na ako ng room pero napahinto ako nang magsalita siya.

‘’Erin Delevina sana magkasundo na kayo ulit ni Mr. Fuentes’’ napalingon ako kay sir. Tumango nalang ako at lumabas ng room. Haayy pati si sir nabobother na sa hindi pagpansin sakin ni Mark. Nabasa niya na kaya yung sorry letter ko?

‘’Tara na Erin’’ hinigit ako ni Claire papasok sa canteen buti wala masyadong tao. Pumunta na kami sa counter. Namili naman si Claire ng ulam. Kinapa ko ang bulsa ko to get my wallet. Hala asan na yun? Tinignan ko din sa backpack ko pero wala rin. Naku naiwan ko pala.

‘’Ano sayo bespren?’’ tanong sakin ni Claire. Pano ba to? Hihiram nga muna ako ng pera kay Claire.

‘’Ahh Claire naiwan ko kasi yung wallet ko eh pwede bang pahiram muna ng pera?’’ ngumiti naman sya agad.

‘’Libre ko na!’’ wew. Sinapian ba to? Hindi naman siya mahilig manlibre eh. Tinuro ko nalang yung sinigang tapos umupo kami sa may gilid. As usual. Tuwing wala akong maisip, si Mark ang pumapasok sa utak ko bukod kay Erick. Malamang hindi niya iyon nabasa kahapon kaya baka ngayon pa niya nabasa.

‘’Bespren musta na pala si tita?’’ Claire asked bago uminom ng pine apple juice. Oo nga. Anon a kayang nangyari kay mommy? Hindi naman niya kami tinatawagan. Kung sabagay, hindi na din naming siya nacocontact. Haiist. Matawagan nga siya mamaya. Nagkibit balikat nalang ako kay Claire.

‘’Eh kamusta naman kayo ni fafa---‘’ hindi na naituloy ni Claire yung sasabihin niya dahil may biglang naglagay ng binayukot na papel sa ulam kong sinigang. Napatingin kami sa kanya.

‘’Kainin mo yang sorry mo’’ malamig na sabi ni Mark. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan at naiinis ako sa kanya ngayon. Bakit ba hindi niya ako mapatawad? Bakit ang cold niya sakin? Ano pa bang kasalanan ko sa kanya? Naramdaman kong tumulo yung luha ko. Tumayo ako at kinuha ang backpack ko bago humarap sa nanlalaki niyang mata.

‘’Erin’’ narinig kong tawag ni Claire pero hindi ko pinansin iyon. Tinignan ko ng masama si Mark habang lumuluha ako. Ramdam ko din ang tingin ng ibang tao.

‘’Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sayo bukod sa ginawa ko sayo noon sa classroom pero I just realized something.’’ Humihikbing sabi ko sa kanya. Nakita kong lumunok siya at tinignan lang ako. Inihakbang ko pa ang paa ko palapit sa kanya.

‘’You don’t deserve my apologies’’ madiin na sabi ko sa kanya bago ako tumakbo palabas doon.  

A Brother's Love (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon