For the readers who were wondering why I started at Chapter 40, this is a continuation of LOASOTP Book 1 but a new season. So even though I started a new season, this is still a continuation of the last chapter of Book 1 (which was Chapter 39) so I hope you understand what I meant here. So yes, here's the new chapter update. Enjoy reading~
----------
CHAPTER FORTY-ONE:
In the House of a Commoner
Mark's footsteps were fast as he walked towards their school's parking lot. He kept on glancing at Suzanne as the latter kept on panting faster. Agad pinindot ni Mark ang unlock button ng kanyang car key at automatic na bumukas ang pintuan ng backseat ng kanyang Tesla. Agad n'yang ihiniga sa backseat si Suzanne at nung makita na n'yang kumportable ang dalaga ay agad n'yang sinara ang pintuan ng kotse at dumiretso na s'ya sa driver's seat.
"Saan-Saan mo ako dadalhin?" mahinang tanong ni Suzanne. Mas binalot pa n'ya ang kanyang sarili sa overcoat ni Mark.
Sinara muna ni Mark ang pintuan ng driver's seat. "I'll take you to the hospital. Why didn't you tell me you're having a high fever?"
"O-Ospital..." sinikap ni Suzanne na maupo sa backseat ngunit masyadong mabigat ang pakiramdam n'ya para bumangon. "A-Ayoko..."
Agad lumingon si Mark sa kanya. "Are you insane?! Do you have a grudge on yourself that you don't want to go to the hospital?! You're absolutely not feeling well and your body is telling you that right now! You're making it hard for yourself!"
"Please, Mark..." usal ni Suzanne sa pagitan ng kanyang paghinga. "'Wag... 'wag mo na akong dalhin sa ospital. I-Iuwi mo ako sa bahay... please..."
Pumikit nang mariin si Mark at kasabay ng pagtingin ni Suzanne sa rear-view mirror ay agad n'yang pinasibad ang kotse palabas ng parking lot.
Napatingin si Emmanuel sa bintana pagkatapos n'yang magsulat ng kanyang learner's module. Kumunot naman ang noo n'ya nung may narinig s'yang katok sa pintuan nila. Umuulan nang malakas sa labas at nagtataka s'ya kung sino ang kumakatok sa labas ng kanilang bahay.
"Emman, tignan mo nga kung sino ang kumakatok," tawag ni Sylvia sa kanya.
"Wala naman tayong inaasahang bisita at umuulan pa..." wika ni Rico pagkababang-pagkababa n'ya ng hagdanan matapos n'yang palitan ang bumbilya ng kanilang bahay.
"Opo, 'Nay," agad tumayo si Emman at tumungo sa pintuan para buksan. "Sino po iyan—?"
Isang manghang tingin ang ipinukol ni Emman sa lalaking nasa harap n'ya na ngayon ay nakasuot ng itim na sombrero, overcoat at karga ang ate n'yang walang malay.
"'Nay! 'Tay! Si ate walang malay!" agad na nasigaw ni Emman at tumakbo palapit kay Sylvia na nasa kusina.
"Ha?! Bakit?!"
"May-May malay pa ako. Batang 'to..." bulong ni Suzanne habang nakayakap parin s'ya sa leeg ni Mark.
Narinig agad nilang dalawa ang mga yabag na papalapit sa kanila.
"Asa'n na—?" natigilan agad si Aling Sylvia, Mang Rico at Emman nung makita nila si Mark na karga si Suzanne.
"Good... good noon, Mr. and Mrs. Matanguihan," bati ni Mark sa kanila. "Sorry for barging here in your house. Hinatid ko lang po si Suzanne."
"Ibaba mo na ako, Mark," bulong ni Suzanne sa kanya.
Muling napatingin si Mark sa kanya. "Not yet. You can't even stand properly."
"O-Oh," nausal na lamang ni Aling Sylvia nung mahimasmasan na s'ya sa panic at gulat na naramdaman n'ya kanina. "Tuloy-Tuloy ka iho! Umuulan sa labas mababasa kayong dalawa."
"Thank you, ma'am," tumango naman si Mark at inalalayan naman s'ya ni Mang Rico para dalhin s'ya sa kwarto n'ya. Nung maihiga na nila si Suzanne ay agad tumabi si Aling Sylvia.
"Ano'ng nangyari kay Suzanne?" tanong ni Mang Rico.
"Nahimatay po s'ya pagkatapos po ng reporting sa Calculus class namin. Do'n na po namin nalaman na nilalagnat po pala s'ya. I tried to bring her to the hospital but she declined," sagot ni Mark.
Nakita naman n'ya kung paano hinipo ni Aling Sylvia ang noo ni Suzanne. "Anak, ano ang pakiramdam mo?"
"Okay na po ako, Nay. Kailangan ko lang po talaga ng konting pahinga," ngumiti naman si Suzanne sa kanya.
From her peripheral vision, she could see Mark looking away with obvious sadness in his eyes.
"Ipaghahanda kita ng sopas."
"Ah, Mr. and Mrs. Matanguihan, I have to go now," ani Mark. Agad namang lumingon ang mag-asawa sa kanya. "Hinatid ko lang po talaga si Suzanne."
"Sobrang lakas ng buhos ng ulan, iho. Mukhang may bagyo nga ayon do'n sa narinig ko sa radyo. Dumito ka na muna pansamantala. Kapag humupa na, tsaka ka na umuwi.
Napatingin na lamang si Mark sa mag-asawa at mistulang nagulat s'ya sa alok ng mag-asawa.
"It's really raining cats and dogs..." nakatingin lang si Mark sa bintana at kitang-kita n'ya ang lakas ng buhos ng ulan. "Maybe I could just go home later. I'll just wait for the rain to stop..."
"Iho, magkape ka muna," agad napatingin si Mark kay Mang Rico na ngayon ay inaalok na s'ya ng isang tasang kape.
"Umm... thank you, sir," tumango si Mark at marahang tinanggap ang tasang kape. Matapos n'yang amuyin ang kape ay hinipan muna n'ya ito bago inumin.
Ah, instant commoner coffee. This just felt so nostalgic. I just remember her...
"Pagpasensyahan mo na 'tong lugar namin, iho ha? Medyo maliit talaga," bahagyang tumawa si Mang Rico para hindi masyadong awkward ang espasyo sa pagitan nila ni Mark.
Ngumiti naman si Mark sa kanya. "It's okay, sir. I don't really mind."
"Kaklase ka ni Suzanne, tama?"
Tumango naman si Mark sa kanila. "Yes, sir."
"Ang batang iyan, palagi n'yang iniisip muna ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili n'ya. Kaya kahit may dinaramdam s'ya o may problema s'ya, hindi n'ya sinasabi sa ibang tao o sa amin. Kaya naman, sa totoo lang, hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya."
"I..." napatingin naman si Mang Rico kay Mark. "I will definitely protect and support her no matter what."
Natahimik silang dalawa. Nanlaki agad ang mga mata ni Mark nung ma-realize n'ya ang nasabi n'ya sa ama ni Suzanne.
Shit, did I subconsciously say that?! Oh, fuck!
We're rivals! It's not like I'm her guardian or something!
In panic, Mark immediately turned his head to Rico. "I-I mean, sir, I..."
Rico chuckled as he took a sip on his cup of coffee. "Panghahawakan ko 'yang pangako mo, iho."
Mark was staring in silence at Suzanne who's sleeping soundly. He gently touched Suzanne's head and felt that the towel is now cold so he took it from her forehead and re-warming it again and put it onto her head again.
As he placed the towel on her forehead, he subconsciously caressed her face, gently rubbing his thumb on her cheek when he noticed that the droplet from the towel rolled down her cheek.
Suzanne slowly opened her eyes and Mark said something as he was about to let go of her face but Suzanne just nodded and hold Mark's hand saying the word...
"Stay."
BINABASA MO ANG
LA ORIAN ACADEMY (Season II): Moving To The Top
Teen FictionRanked #6 in Wattpad's Hot #SchoolLife (April 18, 2021) ⬛ SEASON TWO OF LA ORIAN ACADEMY ⬛ As the second half of the school year continues, Suzanne Matanguihan will face so many challenges and conflicts in her life and relationship as soon as she be...