"Hoy bukas dapat on time ang praktis natin ha? Alas otso para maaga tayong matapos at makauwi. Lagot kayo sa akin kapag na-late kayo. 'Wag ninyo akong gamitan ng Filipino time marami rin akong gagawin."
Napailing-iling na lamang si Abby matapos siyang sagutin ng kanyang mga kagrupo ng 'Oo, pramis pupunta kami on time!'. "Kapag hindi talaga kayo pumunta on time, uuwi ako. Bahala kayong mag-praktis ng speech choir na kayo lang."
"Ano nga iyon na piece papraktisan natin, Abby? 'Yong nabunot mo."
"Ah, The Seven Ages of Man ni William Shakespeare."
"Okay, okay."
"'Yong wala pang kopya, pa-photocopy kayo kay Isabel."
"Bye, bye, Abby! Una na kami."
Kumaway at ngumiti naman si Abby sa kanyang mga kaklase habang papalabas silang lahat sa gate. Agad namang naglakad si Abby papunta sa waiting shed kung saan madalas siyang sinusundo ng kanyang ama roon."
Napaigtad si Abby matapos niyang marinig ang isang busina ng kotse. Nakita niya agad ang isang itim na kotseng tila ba'y sumusunod ito sa kanya.
Naku po, baka kidnapper itong sumusunod sa akin. Hindi ako pwedeng ma-kidnap! Marami pa akong pangarap sa buhay! Napahigpit ng hawak si Abby sa kanyang bag at dali-daling tumakbo.
"Abby Ghayle Cruz."
Napahinto si Abby sa kanyang pagtakbo at dahan-dahang napalingon. Nanlaki ang kanyang mga mata no'ng makita niya ang isang lalaking lumabas mula sa isang marangyang itim na kotse at sumandal pa ito.
"T-Teka..." usal ni Abby at bahagya itong tinuro. "I-Ikaw 'yong..."
"Abby Ghayle Cruz, a Grade 10 student of Manuel National High School and currently the Top 3 of the student ranking of the said year level. Her mother, Mrs. Geraldine Dejaño-Cruz, is an employee in the City Hall while her father, Mr. Alberto Amores Cruz is a taxi driver. You have a sibling and currently a 7th grader. Did I make any mistakes with the information I got?"
Napakurap sa gulat si Abby at umiling, senyales na walang mali sa sinabi ng lalaki.
The guy smirked at her. "I told you, I'll find you." And he walked towards her. "And you told me that once I find you, I'll take you out for a coffee."
Maang siyang napatingin sa lalaki at mas ngumiti pa ito sa kanya. "I'm Clyde Justin Dela Vega of La Orian Academy and you, Abby Ghayle Cruz, since I already found you, I'll take you out on a coffee date."
Humingang malalim si Suzanne matapos niyang maupo at tumingin sa dalawang puting papel sa kanyang harapan. Parang kailan lang ay nag-eensayo pa siya at kamakailan ay lumahok sila sa patimpalak na pan-Dibisyon pero ngayon ay nasa Nasyonal na sila—isang bagay na talaga namang ikinatutuwa niya. Ngunit, kahit tatlo silang taga-La Orian Academy'ng kalahok ay ni isa sa mga estudyanteng naroon ay hindi niya kilala.
Tila ba'y nag-iisa siya sa mga sandaling iyon.
Muli siyang bumuntonghininga matapos niyang makitang pumunta na sa harap ang facilitator ng nasabing patimpalak.
"Good morning young campus journalists who will participate in the contest for Editorial Writing. Before we start the competition, please remember the codes that you're going to write on your sheet." Napatingin ang facilitator sa kanilang lahat. "I will read first the guidelines for the Editorial Writing competition."
Napatingin ang facilitator sa hawak niyang papel. "The competition in the Individual Writing Contest is designed to showcase the competencies of campus journalists, demonstrate their holistic journalistic skills and proficiency through media exposure, immersion, and press conferences, and promote free and responsible journalism.
BINABASA MO ANG
LA ORIAN ACADEMY (Season II): Moving To The Top
Novela JuvenilRanked #6 in Wattpad's Hot #SchoolLife (April 18, 2021) ⬛ SEASON TWO OF LA ORIAN ACADEMY ⬛ As the second half of the school year continues, Suzanne Matanguihan will face so many challenges and conflicts in her life and relationship as soon as she be...