CHAPTER FORTY-FIVE: A Day with a Commoner [PT. II]

968 40 8
                                    

“Sige po, Nay, Tay, alis na po kami ni Mark!”

“O, sige, anak. Ingat kayong dalawa, ‘wag magpapagabi.”

“Ayieee, magde-date sina Ate Suzy at si Kuya Mark!”

“Hindi kami magde-date! Kakain lang kami at may pupuntahan lang din kami! Isasama ko lang s’ya baka mabagot at maligaw siya.”

“Pareho lang ‘yun! Basta, pasalubong ko ha??”

“Hey, hey, hey, calm down, you little tiger and stop dragging me first.” Natigilan agad si Suzanne sa paglalakad at agad nilingon si Mark na kunot-noong napatingin sa kanya. Nakasuot na ito ng isang gray hoodie jacket na may puting t-shirt sa loob at jeans na hiniram lang n’ya mula sa Tatay ni Suzanne na sadyang pinagsama at binagay lang niya. Bahagya n’yang tinuro ang ibang daan. “I parked my car there yesterday. We should go there first.”

Umiling si Suzanne. “ 'Di ba, sabi ko sa'yo kanina, sa araw na ito, hindi ikaw si Mayamang may kumikinang na kotseng Mark Gosiengfiao. Ngayon, isa kang commoner na Mark Gosiengfiao. Kaya, hindi ka magdadrive ng kotse.”

“How are we supposed to go to our destination if I will not drive my car?”

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Suzanne bago n’ya muling hinila si Mark paalis ng kanilang bahay.


“Usog pa sa kaliwa! May dalawang bakante pa!”

Sinamaan ng tingin ni Mark ang konduktor ng jeep na sinasakyan nila ni Suzanne. “Fucking bullshit. What the fuck is wrong with that bastard?! I can’t even breathe here there’s no fucking space!”

“Usog ka, boy!” muling sigaw ng konduktor ng jeep at agad naman s’yang siniko ni Suzanne para umusog.

“We don’t have space here anymore! Ang sikip at ang init na! Fuck it!” nanggagalait na bulong ni Mark. “And I felt like this guy on my side got spiked or something. I don’t know what I’m smelling anymore.”

Parang pagod pa s’yang tinignan ni Suzanne at tahimik s’yang napasinghap dahil sa lapit ng mukha nila sa isa’t isa. “Usog ka na, Mark. Mabilis lang byahe natin. Bababa rin tayo agad kaya tiis-tiis ka muna, hmm?”

Napakurap naman si Mark dahil tila ba’y nakikiusap pa si Suzanne sa kanya. Tumikhim na lamang s’ya at umusog hanggang sa tuluyan nang nakaupo ang dalawa pang pasahero at umandar na rin ang jeep.

Napangiti naman niyon si Suzanne. “Salamat, Mark.”

“You-You don’t have to really ask me that. Uusog naman ako. Tss.”

“Bayad po,” wika ng isa sa mga pasahero at inabot ito kay Suzanne na s’ya namang tinanggap n’ya. Nilingon n’ya ang driver para iabot ang bayad ngunit hindi naman n’ya maabot ang isa pang pasahero para ipasa ang bayad.

“Give me that, you have short arm,” untag ni Mark at kinuha ang mga barya mula kay Suzanne. “What should I say and to whom should I give this one?”

“Bayad ‘yan ng ale. Ibigay mo ‘yan sa driver sabihin mo, ‘bayad po, manong’. Ganoon lang.”

“Okay.” Nilingon ni Mark ang driver at inangat ang mga barya para ibigay sa driver. “Bayad po, manong.”

Matapos tanggapin ng driver ang bayad ay nilingon ni Mark si Suzanne. “I only brought my card. Is he accepting card payment?”

Bahagya namang natawa niyon si Suzanne at umiling. “Ako na magbabayad. Libre kita sa araw na ito.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Mark. “Libre like… treat? But aren’t you like broke? How are you supposed to treat me?”

Pinagdilatan naman s’ya ng mga mata ni Suzanne. “Grabe ka naman, Mark. Uso mag-ipon kaya may pera ako.”

“Well, I don’t do such since you know, I have money. More money.”

Napairap naman niyon si Suzanne. “E ‘di sana all maraming pera.”

“And… it’s my first time someone’s treating me. I’m kinda excited and looking forward to it.”

Napatingin naman si Suzanne sa kanya at hindi nito maiwasang mapangiti dahilan para tumungon din s’ya ng ngiti rito.

“Where are we going?”

“Makikita mo rin.”


“Park?” agad na naging tanong ni Mark pagkababang-pagkababa nila ng jeep at nakita kung saan s’ya dinala ni Suzanne. “So, those people are right when they say commoners usually date on parks.”

“Kahit sino naman talaga pwedeng mamasyal sa parke. Mag-jowa, mag-asawa, pamilya, magkaibigqn, pwedeng pumunta rito para mamasyal. Tsaka, teka nga muna, ano’ng sabi mo? Date? Hindi to date, uy! Pinapasyal lang kita!” paliwanag ni Suzanne.

Napatingin naman si Mark sa kanya. “It’s still a date. A date with friends. Friendly date. Why…?” bahagya s’yang yumuko palapit kay Suzanne at bahagya namang  napaatras niyon ang dalaga. “Are you thinking of something different?”

“E-Ewan ko sa’yo! Kung anu-ano sinasabi mo eh. Tara na nga!” Agad naunang lumakad si Suzanne sa isa sa mga food stall na naroon. Napahimulsa muna si Mark at bahagyang ngumiti bago sinundan si Suzanne.

“Pabili po ako dalawa!” wika ni Suzanne sa tindera pagkarating n’ya sa isa sa mga food stall ng parke.

“Sampung piso po,” tugon naman ng tindera at agad s’yang binigyan ng dalawang supot.

Nilingon naman ni Suzanne si Mark para ibigay ang isang supot na hawak n’ya.

“What is that?” tanong ni Mark.

“Cotton candy,” sagot ni Suzanne at hinawakan ang kamay ni Mark para ipahawak ang nasabing supot.

“Cotton Candy…” ulit ni Mark at agad tinignan ang nasabing supot. “I’ve heard this thing but I don’t know if this is food. Is this edible?”

Bahagya namang umirap si Suzanne. “Bibilhin ko ba ‘yan kung hindi. ‘Wag ka na ngang mag-side comment at kumain na nalang.”

“O-Okay…” tahimik na lumunok si Mark at kumurot nang kaunti sa cotton candy para ito’y kainin. Ilang segundo rin n’yang ninamnam ang nasabing pagkain at napatingin kay Suzanne. “It’s sweet… I can’t tell if this is delicious but this is definitely sweet.”

“Paborito ko kasi ito kaya gusto kong masubukan mo.” Napangiti naman niyon si Suzanne. “Alam mo ba… no’ng bata pa ako, madalas itong binibili ni Tatay kapag nalulungkot ako. Sabi n’ya, kapag kakain daw ako ng Cotton Candy, makakalimutan ko ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko.”

Bahagya namang napahagikhik niyon si Mark. “Eating a cotton candy to remove the sadness that you’re feeling. What a wishful thinking. Yāo shì nàme jiǎndān jiù hǎo le.”

“Habang lumalaki tayo, narerealize natin na hindi naman ganoon kadali ang buhay. Pero kahit gano’n…” napatingin si Suzanne at bahagyang napangiti kay Mark. “Alam nating maraming paraan para maibsan ang kalungkutan.  Na… maraming paraan para sumaya.”

“You’re such an idiot sometimes. xiǎng zhīdào wèishénme wo xǐhuān ..." bahagyang napailing si Mark at mulimg kumain ng cotton candy.

“Huh? May sinasabi ka?”

“Nothing. I said you’re an idiot.”

“Tss…” Inirapan na lamang ni Suzanne si Mark at nagpatuloy na kumain ng nasabing cotton candy.

“Say… where are we going next?”

Muli s’yang napalingon sa binata. “Hmm?”

“We have all day, right? You are my sole appointment today. Take me to your places, Suzanne Matanguihan.”

LA ORIAN ACADEMY (Season II): Moving To The TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon