[!!!] TRIGGER WARNING: Mentions of s̶e̶x̶u̶a̶l̶ ̶a̶s̶s̶a̶u̶l̶t̶ involving m̶i̶n̶o̶r̶s̶, g̶r̶o̶o̶m̶i̶n̶g̶ (subjected to p̶e̶d̶o̶p̶h̶i̶l̶i̶a̶). Reader discretion is advised. [!!!]
Your mental health matters.
Isang maluwag na buntonghininga ang pinakawalan ni Mark pagkapasok na pagkapasok niya sa LRT. Matapos ng ilang pasyal pa nila ni Suzanne ay napagpasyahan ng dalaga na sumakay sila ng LRT.
"Thank goodness," usal ni Mark pagkaupong-pagkaupo niya sa tabi ni Suzanne.
Bahagyang napahagikhik si Suzanne. "Nakita mo sana ang mukha mo no'ng sumakay tayo ng jeep. Parang sasabog ka na sa konsimisyon do'n sa katabi mo eh."
"Who wouldn't? I almost ate her crusty hair, you know?" Napairap si Mark sa inis.
"Grabe 'yong disgusto mo sa jeep ah? I mean, sabagay, hindi talaga siya kumportableng sakyan lalo pa't maraming tao ngayon kasi Sabado. Siksikan talaga kaya naman naiintindihan kita. Eh kesyo, mas matipid kasing sumakay sa jeep kaysa mag-taxi na de-metro."
"It's not that I dislike jeep or anything like that..." bulong ni Mark at napatingin siya sa kanyang kamay. "I usually sit in front with this guy and look at the road as he sings these old songs from the 50s or probably 70s. I barely remember what it feels like."
Alam ni Suzanne kung ano ang tinutukoy ni Mark pero mas pinili na lamang niyang manahimik. Wala rin siya sa lugar para usisain pa si Mark at ang nakaraan niya—bagay na hindi niya talaga dapat malaman sa simula palang.
After all, silence is what Mark needed at that very moment.
Tumikhim naman si Suzanne at nag-iba ng paksa. "Nga pala Mark, curious lang ako tungkol kay Clyde..."
Napalingon naman agad ang binata kay Suzanne. "Why? Do you have a crush on him? Ni gǎibiàn le nǐ de xīn, dàn bù shì wǒ ma? "
"'Wag mo nga akong kausapin 'pag nagi-intsik ka wala akong naiintindihan eh tsaka oy, hindi ah? Mabait at guwapo naman siya pero hinding-hindi ako magkakagusto ro'n," sagot naman niya. "Ano lang, curious lang ako kasi 'di ba madalas sinasabi ninyo na kapag late siyang pumasok ibig sabihin no'n buong gabi siyang nasa bar tapos alam mo na..."
Mark immediately gave her a knowing look. "Why are you so interested about his life? What are you, a newsmonger?"
"Oy, hindi ah! Tsk, bahala ka nga diyan. Kung ayaw mo akong sabihan, e 'di 'wag!"
The latter chuckled. "You mean when he goes to the bar and then he'll have his 'one-night stands'?"
Tumango naman si Suzanne bilang tugon. "Oo. Hindi ko kasi maiwasang mapaisip. E 'di ba sa bar, bawal kang pumasok kapag hindi ka pa 18 years old? 16 pa si Clyde, 'di ba? Magka-edad lang tayo."
"Your brain is that busy, huh?"
Agad naming inalis ni Suzanne ang kamay ni Mark na panaya ng pagtapik nito na para ba siyang bata. "Seryoso nga, Mark!"
"Dāng nǐ fùyǒushí,nǐ keyǐ zuò rènhé shìqing jíshǐ zhè shì wéifǎn guīzé de." (*When you're rich, you can just do everything, even if it's against the rules.)
BINABASA MO ANG
LA ORIAN ACADEMY (Season II): Moving To The Top
Teen FictionRanked #6 in Wattpad's Hot #SchoolLife (April 18, 2021) ⬛ SEASON TWO OF LA ORIAN ACADEMY ⬛ As the second half of the school year continues, Suzanne Matanguihan will face so many challenges and conflicts in her life and relationship as soon as she be...