"The magnetic field inside the solenoid is strong and uniform along the axis of the coil. This field direction is determined by the right-hand rule: If you curl your fingers in the direction of the current flowing through the solenoid, your thumb points in the direction of the magnetic field inside the solenoid. Outside the solenoid, the magnetic field behaves similarly to that of a straight conductor, forming concentric circles around the coil..."
Bahagyang napapitlag si Suzanne no'ng may naramdaman siyang malamig sa kanyang ulo. Umangat ang kanyang tingin at sinalubong siya ng ngiti ng Archles.
"Don't study too much. Just chill..." Bahagya siyang humagik at inayos ang kanyang salamin bago naupo sa tabi ni Suzanne. Iniiabot naman niya ang hawak niyang yogurt.
"Ginulat mo naman ako," usal ni Suzanne at agad naman niya itong tinanggap.
"Sorry about that," dispensa ni Archles at nanatili ang tingin niya sa dalaga.
Kapansin-pansin ang bahagyang kulubot sa kanyang noo at ang mga kilay na nakataas. Ang kanyang mga mata ay malalim at mapagmasid, patuloy na naghahanap ng mga sagot sa mga tanong sa kanyang mga libro. Parang tila ba'y may bigat na dala sa kanyang balikat.
"Hey."
"Huh?"
"Are you stressing out right now?" sa wakas ay naitanong din ni Archles.
"Huh? Ako? Hindi ah—"
"You can't pull the wool over my eyes. I can see right through you."
Sa pagkakataong iyon ay napa-buntonghininga si Suzanne at binaba ang kanyang ballpen. Bahagya siyang napapikit at napasandal sa upuan.
"I don't need to guess why," ani Achles said. "You feel pressured on this prestige that you're in right now."
"Hindi ko naman kasi lubos maisip na aabot ako sa ganito," sa wakas ay nasabi na rin ni Suzanne ang nais niyang sasabihin. "Ang gusto ko lang naman ay ma-maintain ang grades ko nang maayos para sa scholarship ko. Hindi ko naman alam na magiging Top 1 ako."
"You felt guilty that you dethroned Mark that's why you felt this? But Mark already told you it's fine. You shouldn't feel guilty or pressured about it," anito.
Bahagyang umiling si Suzanne. "Hindi naman iyon ang dahilan." Muli siyang bumuntonghininga. "Pakiramdam ko kasi, simula no'ng naging Top 1 ako, lahat nalang ng mga mata ay nakamasid sa akin. Pakiramdam ko, kapag makagawa ako ng kamalian, magiging rason na iyon para hukuman nila ako at sasabihing hindi ako karapat-dapat."
"You felt pressured that people will judge you because of that?" ilang segundong natahimik si Archles bago siya muling nagsalita. "I am not much of an empath but... what others think of you, whether you achieve perfection or make mistakes, shouldn't hold much weight. Because at the end of the day, you're just doing everything for yourself. Their opinions are inconsequential." Bahagya naman siyang napangiti. "Do what Suzanne Matanguihan usually does—ignore judgments and strive to achieve everything—because that's what matters to her."
Napangiti naman niyon si Suzanne at tumango. "Okay." Muli ay itinuon ni Suzanne ang atensyon niya sa librong kanyang binabasa ngunit kumpara kanina ay maaliwalas na ang kanyang mukha.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Archles at bahagya niyang inangat ang kanyang kamay para sana haplusin ang buhok ni Suzanne ngunit natigil sa ere ang kanyang kamay. Binaba na lamang niya ito at nangalumbaba na lamang siya habang pinagmamasdan si Suzanne.
"It's a prank!"
Napalingon si Suzanne sa tawanang nasaksihan niya sa labas ng kanilang school building. Nakita niya si Veronica na may hawak na camera na nasa monopod. Kasama ang tatlong alipores nito ay nakapaligid sila sa isang lalaki.
BINABASA MO ANG
LA ORIAN ACADEMY (Season II): Moving To The Top
Teen FictionRanked #6 in Wattpad's Hot #SchoolLife (April 18, 2021) ⬛ SEASON TWO OF LA ORIAN ACADEMY ⬛ As the second half of the school year continues, Suzanne Matanguihan will face so many challenges and conflicts in her life and relationship as soon as she be...