CHAPTER FORTY-EIGHT: Light night, dark stars

352 16 3
                                    

Hello everyone! I hope you have a great weekend ~

I wasn't able to do my usual updates since super busy talaga ako sa pag-te-train ng mga campus journalist ko and I also got really busy with our school paper for the Division Schools Press Conference (as well as just workplace and school stuff because yeah, that's how adult life works *sniff sniff* o(TヘTo)).

We are competing in the upcoming Regional Schools Press Conference so I'll be busier than ever but I will try dropping updates from time to time.

Anyway, here's a quick update, everyone! Enjoy reading ~ 我爱你们所有人 (⺣◡⺣)♡*

Dedicated to my campus journalists in SPNHS. I love you and I am always proud of you~ ღゝ◡╹)ノ♡


-----


Ilang araw ang nakalipas matapos ng pangyayaring iyon ay ni anino ni Mark ay hindi nakita ni Suzanne. Sa una ay hindi niya ito pinapansin. Pero isang linggo nang wala si Mark kaya hindi niya maiwasang mabahala.

Pakiramdam tuloy niya'y guilty siya sa nangyayari.

Umiling-iling si Suzanne. "Wala ka namang kasalanan, Suzanne. Bakit ka magi-guilty? Para namang hindi ka nasanay na may tama ang utak no'ng Gosiengfiao na iyon." Huminga siya nang malalim. "Ang dapat gawin mo ngayon, mag-focus ka dahil may sasalihan kang contest sa makalawa. 'Wag mong isipin ang kumag na intsik na iyon. Magfocus ka sa contest, Suzanne. Magfocus ka. Tama."

"Sino ba naman kasing nagsabi sa kanya na tulungan ang Grab driver kung wala naman pala siyang sasabihing maganda. Bahala na nga siya. Wala na akong pakialam sa kanya. Kung iyon ang tingin niya sa aming mahihirap, eh 'di bahala siya."

Pero batid niyang hindi mawala-wala sa isip niya ang mga nangyari no'ng araw na iyon, lalong-lalo na ang mga sinabi ni Mark.



"Body shaming, a pervasive form of bullying, inflicts deep wounds that can result in discrimination and profound humiliation. Its detrimental effects extend beyond the surface, impacting individuals physically, emotionally, and mentally, often leaving lasting scars of insecurity and diminished self-esteem. According to News Medical and Life Sciences in 2022, parents of teenagers are more likely to report their child feeling insecure about their appearance (73% of teen girls and 69% of teen boys) compared to parents of younger children (57% of girls and 49% of boys).

One of the significant contributors to body image issues is social media. perpetuates unrealistic beauty standards, exerting immense pressure on individuals to conform. In today's society, deviation from these prescribed norms often renders one susceptible to relentless criticism and scrutiny."

Natigilan sa pagsusulat si Suzanne no'ng pakiramdam niya ay kumakalam ang kanyang sikmura. Nag-e-ensayo siya para sa paparating na Division Schools Press Conference kung saan isa siya sa mga lalahok sa Editorial Writing English category. Malapit na iyon kaya dapat niyang pag-igihin ang pag-e-ensayo. Kailangan niyang matapos ang ginagawang artikulo dahil kukunin iyon ng kanilang school paper adviser para i-diagnose siya kung handa na ba siya sa nasabing patimpalak.

Alas nuebe na ng gabi at alam naman niyang nakapaghapunan na siya pero alam niya ring magugutom at magugutom siya sa kalagitnaan ng pag-aaral. Napatingin naman siya sa bintana at doon niya napagtantong walang mga bituin at ningning ng buwan sa labas kaya paniguradong madilim ang paligid.

Agad niyang binuksan ang drawer ng kanyang mesa ngunit wala siyang nakita roon. "Nakalimutan kong bumili ulit ng biscuit..." Napakamot ng ulo si Suzanne at agad kinuha ang kanyang pitaka at lumabas ng kwarto. Nakita naman niya ang kanyang nanay na naghahabi habang ang tatay naman niya'y tila kakauwi lang din galing sa bago nitong napasukang trabaho.

LA ORIAN ACADEMY (Season II): Moving To The TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon