CHAPTER FORTY-FOUR:
A Day with a Commoner
[PART I]
Shall I close those gaps by getting closer to you?
"'Nay, ba't ang dami po n'yan?"
"Shh! Hinaan n'yo ang mga boses ninyo baka magising natin s'ya."
"Baka maistorbo natin s'ya dahil sa ingay natin hindi pa tayo tapos."
Naalimpungatan si Mark no'ng may narinig s'yang mga kaluskos at ingay sa labas ng silid. Inis na ungol ang pinakawalan n'ya at napahawak s'ya ng kanyang ulo. "Mā ya, nǔyōng men zěnme zhème chǎo? Hey! Tone that down or else I will fire all of you!" (*Shit, why are the maids so loud?)
Tuluy-tuloy pa rin ang mga ingay na naririnig n'ya sa labas kaya inis s'yang napaupo sa kanyang hinihigaan. Bahagya s'yang napatingin sa kanyang hinihigaan at sa kumot na nakabalot sa kanya tsaka s'ya napatingin sa kanyang paligid. Napabuntong-hininga s'ya.
"Right, I'm at Suzanne's house." Tahimik s'yang tumayo mula sa kanyang kinahihigaan at nagligpit ng kanyang pinagtulugan tsaka s'ya nagdesisyon na lumabas ng kwarto.
Pagkabukas n'yang ng pinto ay agad bumungad si Suzanne na nakaangat sa hangin ng kamay. Mukhang kakatok pa sana ito.
"O, gi-gising ka na pala..." anito. "Gigisingin kasi kita kasi nakahanda na ang agahan—"
Tahimik na napasinghap si Suzanne no'ng dumapo sa noo n'ya ang palad ni Mark.
"Hmm... you're not feverish anymore. That's good to know." Binaba naman ni Mark ang kanyang kamay para tignan si Suzanne. "You don't look pale anymore."
"Hmph! Ako pa! Ang lakas ko kaya!" Isang malaking ngiti ang iginawad ni Suzanne sa kanya ngunit hindi na n'ya ito makita dahil humihikab pa s'ya. "Bagong gising ka nga."
"Wǒ kàn qǐlái hǎoxiàng gang qǐchuáng,dàn hái shì hěn kùn," anito at muling napahikab.
"Ha? Ano'ng sabi mo?"
"I am still sleepy," pagtatapat ni Mark at bahagyan n'yang nahilamos ang kanyang mukha para maibsan ang kanyang antok. "Your temperature rose up last night and I don't want to wake your mom up so I need to wipe you off with a wet towel I also managed to change the water, and the towel as well, and look after you until your temperature stabilized. I'm glad that you're okay now. Honestly."
"Oh..." usal ni Suzanne at bahagya s'yang napakamot ng kanyang ulo. "Sorry..." Pinitik ni Mark ang kanyang noo kaya agad n'ya itong sinamaan ng tingin. "Ano ba?"
"I'm hungry," sagot n'ya. "You said about breakfast, right? Take me to your dining area then."
"Oo na. Iyon naman talaga ipinunta ko rito eh." Napaismid si Suzanne. "Ang bossy mo. Tara na nga."
"O, hijo. Gising ka na pala. Tamang-tama, nakahanda na ang almusal."
Dumako ang tingin ni Mark sa mga pagkaing hindi naman n'ya alam kung ano ang tawag maliban sa lechong manok at kanin na nasa gitna at tahimik na pinagmasdan ang pamilya Matanguihan.
"Pagpasensyahan mo na ang mga pagkain anak, ah? Eto lang talaga ang nakayanan namin pero sana ay magustuhan mo. Mga luto iyan ni Sylvia," wika ng tatay ni Suzanne.
BINABASA MO ANG
LA ORIAN ACADEMY (Season II): Moving To The Top
Teen FictionRanked #6 in Wattpad's Hot #SchoolLife (April 18, 2021) ⬛ SEASON TWO OF LA ORIAN ACADEMY ⬛ As the second half of the school year continues, Suzanne Matanguihan will face so many challenges and conflicts in her life and relationship as soon as she be...