Liam pov
Nag lalakad ako ngayon papunta sa carpark dahil sabi ni zoey sa carpark daw kami mag kita nakita ko naman agad siya kaya agad ko siyang nilapitan
Hoy!. Tawag ko sakaniya agad naman siyang lumapit sakin
Bakit ba ang tagal mo kanina pa siya nandon oh!. Sabi niya sabay turo don sa Starbucks
Sige dito kanalang at usapanv lalaki to mag hintay kanalang jan maliwanag!. Sabi ko at pumunta na sa kinuupuan ni sean
Pasensya na kanina kapa ba? . Panimula ko sakaniya
Hindi naman kakarating ko lang!. Sagot niya
Nga pala umorder kana?huwag kang mag alala sagot ko!. Sabi ko
Nag mamadali ako kaya wag na bakit mo ba ko pinapunta dito?. Tanong niya
About don sa libro pasensya na talaga hindi ko yon mapapalitan kasi sabi ni zoey bigay daw yon ng ex mo kaya naman pasensya na talaga!. Pag papaliwanag ko
Meron lang akong gustong malaman!. Sambit niya
Ano yon?. Tanong ko
Bakit ka sumama samin kahapon ni zoey? Imposible namang dahil lang sa gusto mong matuto ng pinag aaralan namin e hindi ka nga nag basa so ano bang tunay na dahilan?. Tanong niya at tumingin ng seryoso sakin
Tama ka! Hindi yon dahil don...... Kaya ako sumama ay dahil gusto kong bantayan si zoey mula sayo!. Sagot ko
Ano? Sino kaba para pakialaman yong personal niya?. Tanong niya at tinaasan ako ng kilay
Oo wala ako sa lugar para gawin yon pero ito lang yong paraan ko para maprotektahan siya at hindi siya masaktan bilang first love niya at best friend niya dapat ko lang gawin yon!. Sambit ko tinaasan niya naman ako ng kilay
Ahh! So yon pala yong pinag mamalaki mo na first love ka niya kaya ba lahat nalang ng nanliligaw kay zoey ay hinaharang mo? Para ano manatili si zoey na mahalin ka?. Sarcastic niyang sabi
Kong hindi mo siya gusto layuan mo nalang siya dahil kahit kelan hindi kayo bagay at saka baka masaktan lang siya!. Medyo inis kong sabi
Bakit? Sino ba nag sabi na hindi ko gusto si zoey? Porke hindi ko lang sinasabi na gusto ko siya pero ibig bang sabihin non wala nakong nararamdaman para sakaniya? At saka sino ba sa tingin mong bagay kay zoey ikaw? At gaano ka kasigurado na hindi mo nasaktan si zoey huh!. Medyo inis niya ring sabi
Kaya naman medyo nilapitan ko siya at inangat yong kwelyo niya
Easy kalang nakatingin siya gusto mo bang malaman niya yong pinag uusapan natin huh!. Mahinahon niyang sabi kaya naman tumingin ako sa bintana at nakita ko ngang sumisenyas sakin si zoey kaya naman nag kunwari lang akong pinapag pagan yong damit niya
Layuan mo na siya kong wala kang balak na magustuhan siya mahina si zoey! At madali siyang madala kaya naman ikaw nalang ang lumayo!. Sabi ko at tumingin sakaniya ng diretsyo
Ganyan ba ang tingin mo sakaniya? Mahina? Madaling maloko? Hindi nako nag tataka kong bakit ginawa sainyo yan ng tadhana hinayaan niyang hindi niyo malaman kong ano yong nararamdaman niyo sa isat isa dahil hindi mo pa talaga kilala si zoey kong inaakala mong mahina siya nag kakamali ka kong inaakala mong madali siyang maloko nag kakamali ka rin alam niya lahat ng nangyayari pero mas pinipili niyang hindi nalang yon pansinin dahil baka may masaktan pa !. Pag papaliwanag niya at tumayo
Nga pala yong about sa libro okay na yon wag mo ng isipin yon kailangan ko ng umalis may klase pako.... Ah! Isa papala hindi gamit si zoey na puwede mong angkinin at hayaan nalang kahit kelan mo gusto siya lang ang puwedeng mag may ari sa sarili niya wala ng iba kaya wag kang umasta na akala mo kilala mo na siya dahil hindi naman talaga nice to meet you mr. Sanchez!. Sabi niya at umalis na
Tumingin naman ako sakaniya ng makalabas siya naka kuyom ang aking mga palad dahil sa inis ng aking nararamdaman
Ng makalabas na siya ay nilapitan niya si zoey at tinatap yong buhok niya siguro nga tama siya nag iba na si zoey hindi na siya yong zoey na nakilala kong mahina
Tumayo nako ng masiguro kong nakaalis na nga si sean
Hoy! Liam salamat ah! Alam ko naman na hindi ka nag sosorry pero ginawa ko parin dahil jan ililibre kita ano bang gusto mo?. Nakangiting tanong niya
Wala! Mauuna nako huh!. Sabi ko at ginulo yong buhok niya at ngumiti saka umalis na
Habbang papunta ako sa bgpop ay nakasalubong ko si sam
Hoy! Sabay na tayo umuwi mamaya huh! Para iwas pamasahe narin binabudget ko na kasi pera ko e!. Sambit niya
Sige! I chat mo nalang ako kong aalis na tayo!. Sabi ko ng hindi tumitingin sakaniya
Teka anong nangyari sayo?. Tanong niya
Sam.... Anong tingin mo kay zoey?. Tanong ko
Maganda siya!. Sabi niya
Hindi yon yong ugali ba!. Sambit ko
Ah! Mabait siya kinakaya yong lahat teka nga ngayon ko lang napansin ni minsan hindi pa nag sasabi sakin ng problema yon bukod sa problema sa love life para sakin malakas siya kasi kinakaya niya lahat kahit pa pinag tatabuyan mo siya non tinuloy niya parin siguro napagod nalang siya nong nalaman niyang may gusto na sayo non si ella don lang siya tumigil!. Pag papaliwanag niya
So ako lang pala yong nakakakitang mahina siya halos pala lahat kayo nakikitang malakas siya!. Sabi ko at tumungo
Hayss! Iba iba naman kasi yong pinapakita satin ni zoey kong sayo pinapakita niyang mahina siya dahil gusto niyang tulungan mo siya dahil nga may gusto siya sayo non kaya ganon habbang samin naman pinapakita niyang malakas siya dahil ayaw niyang nakikita naming mahina at umiiyak siya !. Pag papaliwanag niya at tumingkayad saka inakbayan ako
Wag ka na ngang malungkot jan! Sabi ko naman kasi sayo wag kana mangialam sakanila huh! Hayaan mo nalang si zoey kong masaktan siya edi i comfort natin wala e nag mahal siya kaya hindi maiiwasan yon !,. Sabi niya at ngumiti
Sabagay!. Sabi ko at tumingkayad pa para hindi ako maabot ni sam
Hayss! Ayos kana no!. Inis na sabi niya at inalis yong kamay niya sa balikat ko
Bakit naman?. Tanong ko
Nang aasar ka nanaman kasi ei!. Sabi niya at pinalo ako
Aray! Naman!. Sigaw ko at hinawakan yong pinalo niya saka siya tumakbo dahilan para habulin ko

YOU ARE READING
THE TIME I LOVED YOU (MOON SERIES:1) COMPLETED
Romancehe said " you are my once upon a time, but not my happy ending he said " meeting you was a dream , and i need to wake up he said " i would love to stay but i guess my free trial end here he said "isn't sunset so beautiful? alam ko namang sa dami n...