CHAPTER 54

40 7 0
                                    

Sean pov 

 dito nalang ako!. sambit niya at tumigil kami sa isang apartment na hindi masyadong kalakihan 

sa apartment ka nakatira?. tanong ko 

oo malapit kas ito sa prosecution office kaya dito muna ako tumutuloy!. sambit niya at inalis na yong seatbelt 

masaya ako dahil magaling kana! sambit niya bago bumaba 

salamat sa pag hatid diretsyohin mo nalang yan at madali nka ng makakabalik sa kalsada!. sambit niya at ngumiti all this time alam niya na pala sinabi na saakin ni cindy ang lahat nong nakabalik nako dito sinabi niya sakin na tinawagan daw siya ni zoey para sabihin ang kalagayan ko at sa loob ng halos limang taon ay alam niya ang nangyayari sakin sa katunayan alam ko kong nasaan talaga yong apartment niya dahil simula nong makabalik ako dito ay palihim ko na siyang sinusundan alam ko na palagi silang kumakain sa savory ng mga katrabaho niya alam ko rin na pupunta sila sa MOA kanina dahil sinundan ko sila saka ko tinawagan si cindy 

ahhh.. zoey!. tawag ko sakaniya bago siya tuluyang umakyat lumingon naman siya 

yon parin ba yong number mo? tanong ko ngumiti naman siya 

oo hindi naman ako basta basta nag papalit ng partner este number!. pag bibiro niya na ikinatawa ko 

sira! sige   sa susunod nalang kita nalang tayo sa trial!. sambit ko at pinaandar na yong kotse paalis 

hindi pa rin siya nag babago palagi parin siyang nakangiti makulit at palabiro 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1 WEEK LATER  

ito na ang pangalawang trial inayos ko na yong mga gamit ko noong mg nakaraang araw ay pinapadalahan ko si zoey ng kape pero hindi ako nag papakilala na ako ang nag papadala non halata kasi na masyado siyang subsob sa kaso ni mrs. reyes

papasok na ako ngayon sa elevator kagabi ay nireview ko ang mga testimony ng mga witness at kinutuban akong parang may mali ei hindi ko lang mapagtanto kong ano 

sandali!!!. sigaw ni zoey habbang hinahabol yong elevator agad ko naman itong pinindot para hindi agad mag sara at makaabot siya pumasok naman na agad siya at himinga ng malalim 

kinakabahan ka?. tanong ko dahil napansin kong medyo nanginginig yong kamay niya 

medyo lang rare case kasi to at parang may mali pa kasi hindi ba nakakapag taka na parang ang perfect ng lahat? lahat ng ebidensya siya ang tinuturo pati narin yong mga witness parang may mali ei!. pag papaliwanag niya 

parehas pala tayo ng iniisip napansin ko din yan may isang nag sisinungaling sa kanila!. sambit ko 

o baka naman may pinag tatakpan sila?. sambit niya bigla naman akong napaisip sa sinabi niya 

oh! pam paalis yan ng kaba!. sabi ko at inabot sakniya yong isang inumin kinuha niya naman ito at sakto namang nag bukas yong elevator kaya sabay na kaming lumabas at pumunta sa kaniya kaniya naming corner 

inayos ko na yong mga gamit ko at inayos niya na rin yopng mga gamit niya at tumigin sa dako ko ngumiti naman ako at ngumiti rin siya dumating na ang judge kaya nag si tayo na kaming lahat 

mag si upo na kayo!. sambit ni judge santiago 

prosecution! mag simula na!. sambit ni judge kaya naman tumayo na si zoey 

narito ang mga line up ng witness ang una naming witness ay ang kapitbahay ng nasasakdal papasukin na ang witness!. sabi ni zoey at pumasok na ang isang babae na hindi mga nasa 40s na ang tanda at hindi masyadong matangkad 

tinignan ko ang line up ng witness niya at nag iba ito bakit niya binago?

manumpa kana!. sabi naman i judge santiago at nag simula na ngang manumpa ang witness at ilang saglit pa ay tapos na itong mamunpa at umupo na sa upuan 

mag simula ng mag tanong!. sabi ni judge santiago kaya naman nag simula ng mag tanong si zoey 

sabi mo sa testimony mo ay kapitbahay ka ng nasasakdal tama ba? maari mo bang ilahad saamin ang buong nangyari nong gabing iyon?. tanong ni zoey 

opo kapitbahay po nila ako palagi na po silang nag aaway matagal na halos gabi gabi nga po ay nag aaway sila tungkol sa pera dahil sa maraming pinag kakautangan ang asawa niya ngunit ng gabing iyon kakaiba po ang pag aaway nila!. pag papaliwanag ng witness

maari mo bang ilahad kong anong pinag kaiba ng away nila nong gabing iyon sa mga away nila gabi gabi?. tanong ni zoey 

kapag po kasi nag aaway sila gabi gabi ay nag sisigawan lamang sila at walang ingay na may mga nababasag tapos maya maya ay mawawala na pero nong gabing yon bukod sa sigawan ay may mga narinig rin po kaming nababasag na mga babasagin na para bang nag babatuhan sila!. pag papaliwanag ng witness 

yon lamang po your honor!. sambit ni zoey at bumalik na sa upuan niya 

defendant may gusto ba kayong itanong?. tanong saamin 

meron po!. s ambit ko at tumayo na 

witness maari mo bang sabihin saakin kong anong eksaktong oras mo narinig  na nag sisimula na  silang mag away?. tanong ko

kakarating lang po ni mr. reyes non galing trabaho kaya tantiya ko nasa mga alas otso po ng gabi iyon!> pag papaliwanag niya 

your honor ang sinasabi pong oras ng witness ay ang oras kong saan ang nasasakdal ay umalis upang bumili sa isang tindahan sa hindi kalayuan mula sa kanila narito po ang kuha ng cctv sa tapat at loob ng tindahan makikita rin po natin dito ang oras at petsa kaya naman po napaka imposibleng makarating siya agad sa bahay nila sa loob ng isang oras kakailanganin niya ng sampung oras papuntang tindahan at sampung oras pabalik sa bahay nila kaya naman ng makarating na siya sa bahay nila ay 8:20 na ng gabi tatanongin kita ulit witness sigurado kabang alam mo kong anong oras talaga nag simula ang kanilang pag aaway?. pag papaliwanag ko 

ang totoo niyan hindi ko talaga alam kong anong oras!. sambit niya 

yon lamang po your honor!. sambit ko at bumalik na sa kinauupuan ko 1 down 2 up pero bakita niya inunahan yong witness nayon? hindi b dpat siya yong huli? hindi kaya ginagawa niya yon para mag karoon kami ng hope kahit papaano ? ano ba talagang plano mo zoey?

prosecution ipasok na ang susunod na witness!. sabi naman ni judge santiago 

ang ikawalang witness ay ang isa pa nitong kapitbahay na mas malapit sa kanila!. sambit ni zoey at pumasok ang isang witness na nasa 50s na nanumpa na ito at bag simula ng mag tanong si zoey 

witness sinabi mo sa iyong testimonya na may napansin kang kakaiba sa mag asawa nong gabing iyon tama ba? maari mo bang ipaliwanag saamin kong ano yong napansin mong iyon?. tanong niya 

nong gabing po iyon lumabas po ako para mag pakain ng aso ng sakto namang kakarating lamang ni mr. reyes galing trabaho at sinalubong siya ni mrs. reyes at pinag sisisigawan at pinag hahampas!. pag papaliwanag ng witness

maari mo bang ilahad kong ano yong mga sinabi niya at kong anong oras iyon sa tingin ?. tanong ni zoey at tumigin saakin teka bakit nag tatanong siya ng oras dito e hindi naman siya nag tanong ng oras sa unag witness 

kadalasan kasi kapag nag aaway sila hinihintay muna niyang makapasok ang mister niya bago niya ito sigawan pero nong gabing yon sinalubong niya ito ng sigaw at pinag hahampas tapos narinig ko pang sinabi niya na "wala nan ga tayong pera nakuha mo pang mang babae" yon po yong narinig ko at kong anong oras naman po palabas na po non yong paborito naming palabas na palaging pinapalabas tuwing gabi kaya alam na alam ko po ang oras non mga alas nuwebe na po ng gabi yon nag taka nga po ako at bakit ganong oras na umuwi si mr. reyes dahil kadalasan alas otso ito umuuwi!. pag papaliwanag ng witness ahh yon pala yong gusto niyang palabasin hinayaan niya kaming itake down yong unang witness dahil taliwas ang oras ng sinasabi nito sa ikalawang witness kaya pala inunahan niya ito imbis na ihulihan 

bukod paroon may iba kapa bang narinig?. tanong niya 

meron papo mga tunog na parang may mga nababasag at sigawan !. sagot ng witness

yon lamang po your honor!. sambit ni zoey saka tumigin sakin at ngumiti at umupo na sa upuan niya kaya naman tumayo nako at pumunta sa tapat ng witness 


THE TIME I LOVED YOU (MOON SERIES:1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now