CHAPTER 17

42 16 0
                                    

Liam pov

Nakita ko si zoey na naka upo sa isang upuan sa Qpark kaya naman nilapitan ko siya para sana gulatin siya ng biglang may lumapit kaniya na isang lalaki kaya naman agad akong nag tago at pinakinggan ang pag uusapan nila

Ilang saglit pa ay natapos na sila totoo ba tong narinig ko? Ako ang first love ni zoey?

Ng makaalis na yong lalaki ay lumapit ako sakaniya at niyaya siyang makipag usap

L-liam kanina kapa ba jan?. Tanong niya

Oo at kong tatanongin mo kong narinig ko ang lahat oo narinig ko ang lahat totoo ba.... Lahat ng sinabi mo kay kyle o baka sinabi mo lang yon para magaanin yong loob ni kyle ?. Tanong ko sakaniya at tumingin naman siya sakin

Parehas lahat ng sinabi ko ay totoo kaya ko lang rin sinabi yon para pagaanin yong loob ni kyle!. Sabi niya

Hanggang ngayon ba ako parin?. Tanong ko

Pasensya na liam pero matagal nakong tumigil mahalin ka !. Seryoso niyang sabi

Kelan pa?. Nanghihina kong tanong

Nong 4th year high school tayo!. Sabi niya at yumuko

Lately lang pala bakit..... Hindi mo tinuloy?. Tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya

Paulit ulit kitang tinatanong kong sa tingin mo puwede kayang magging tayo pero paulit ulit lang rin ang sagot mo na sabi mo hindi babae ang turing mo sakin kaya naman itinigil ko na!. Sabi niya at humarap sakin

Ang hina mo naman !. Natatawa kong sabi at seryosong tumingin sa kaniya

Anong sinabi mo? Ako mahina? Ang sabihin mo manhid kalang nong araw na pinapunta moko sa tambayan natin don ko na sana ipag tatapat yong nararamdaman ko pero pinakilala mo naman si wendy na girlfriend mo alam mo yong sakit na naramdaman ko non liam sobrang sakit parang nadudurog yong puso ko pero hindi parin ako tumigil sa pag mamahal ko sayo nong araw din na tinanong kita kong puwede bang magging tayo sinabi mo hindi mo yon maimagine at hindi babae ang tingin mo sakin kaya naman malabo yon alam mo ba yong naramdaman ko non masakit yon at tandaan mo hindi lang isang beses kitang tinanong kong baka namn puwedeng magging tayo at inaasahan ko non na mag babago na yong sagot mo pero hindi nag bago kaya naman nong nalaman ko na may gusto na sayo si ella itinigil ko na ayuko ng ipag pilitan pa yong nararamdaman ko sayo wala ka namang feelings sakin diba? Kaya naman tama yong nagging desisyon ko ..... Tama naman diba?. Pag papaliwanag niya at tumingin ng seryoso sakin

Pinipilit kong hindi tumula yong luha ko sa harap niya kong alam ko lang edi sana oo na yong sinagot ko nong araw nayon kong alam ko lang na may nararamdaman siya sakin edi sana ipinadama ko narin sakaniya kong ano yong nararamdaman ko

Oo tama yong nagging desisyon mo hanggang ngayon hindi ko pa nga naiimagine na magging tayo e kaya naman tama lang na nag let go kana !. Sabi ko at pinilit na ngumiti sa harap niya

Akala ko mali yong desisyon ko!. Sabi niya at umupo

Yong naramdaman mo sakin non nararamdaman mo parin ba ngayon?. Tanong ko at tumingin sakaniya napa tingin naman siya sakin at ngumiti

Oo... Maikli niyang sabi at dahan dahang nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi

Pero sa pag kakataong to hindi na sayo kundi kay sean!. Dag dag niya at tumingin sa langit

Edi okay! Mas makakahinga nako ng maluwag!. Sabi ko at tumabi sa kaniya

Yong mga narinig mo kanina wag mo nalang intindihin nakaraan nanaman yon e at hindi na mababalik pa kaya naman hayaan mo nalang at kalimutan!. Sabi niya at ngumiti

THE TIME I LOVED YOU (MOON SERIES:1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now