CHAPTER 15

52 27 0
                                    

Zoey pov

Hayss sino ba siya sa akala niya huh! Ako? Mag seselos? Bakit naman ako mag seselos huh? Hayss!nakakainis

Nakakainis!. Sigaw ko at sinamaan ng tingin yong main library

At nag lakad na papunta sa bgpop

Hoy!zoey!. Tawag sakin kaya naman nilingon ko yon

Sam? Hayss bakit ba ngayon kalang nag pakita sabi mo kwekwentuhan moko tapos hindi naman kita mahagilap!. Inis kong sabi sakaniya at binatukan siya

Hayss ang sakit huh! Ikaw kaya yong hindi ko mahagilap alam mo ba yon at saka ikaw yong nag sabi na kwentuhan kita pero palagi kang busy kakahabol jan sa sean nayan!. Sabi niya at nag cross arms

Huh? Hindi kaya hindi ko siya hinahabol no!. Sabi ko at inirapan siya

Kita moto hoy! Inutusan ako ni liam na bantayan ka kaya naman alam kong wala kang ginawa kundi habulin ng habulin yang si sean alam mo naaawa na nga ako minsan sayo e hayss!. Sabi niya at umupo sa may upuan umupo naman ako sa tabi niya

Ganon ba talaga ako ka obvious?. Tanong ko

Nag tanong kapa halatang halata ka kaya!. Sabi niya at inambahan ako

Tapos kong kani kanino mo pa siya tinatanong tapos palagi mo pa siyang kinukulit mag pabebe kanaman minsan yong pakipot ba!. Sabi niya at sinamaan ako ng tingin

E kasi naman may nag kakagusto rin sa kaniya na ibang babae mahinhin siya tapos hindi makabasag pingan tapos sabi nila matalino pa at maganda siya sexy din at malapit pa sila kaya naman natatakot ako na baka magustuhan siya ni sean!. Pag papaliwanag ko at tumungo

Hayss zoey! Sa tingin ko naman hindi yon yong mga tipo ni sean no! Hindi niya tipo yong mga mahinhin na hindi makabasag pingan sa tingin kong tipo niya yong makukulit at matatapang at nalaman ko rin na yong mga tipong babae na gusto niya ay yong pasaway sabi niya yon daw yong masasarap alagaan kaya naman nasisiguro akong hindi niya matitipuhan yong babae nayon!. Pag papaliwanag niya

At san mo naman nalaman yan huh!. Singhal ko

Hoy Zoey minsan lang tayo mag usap pero sisiguraduhin ko naman na lahat ng sasabihin ko sayo ay may mga source yon at totoo kaya makinig ka huh!. Sabi niya at tumingin sakin

So ano namang mga nalaman mo hah!. Sabi ko

Nalaman ko na yong ex girlfriend ni sean matapang siya , maganda, matalino, at walang inuurungan!. Pag papaliwanag niya

Hayss sinasabi mo bayan para insultuhin ako hah!. Inis kong sabi

Balita ko pa nga sumuntok siya ng isang prof dahil nalaman niyang bumabastos yon ng mga kapwa niya students at dahil lalong nainlove si sean sa kaniya!. Pag papaliwanag pa niya

So sa tingin mo kailangan ko rin sumuntok ng prof para magustuhan niya ko?. Tanong ko natawa naman siya at tinapik ako

Ang sinasabi ko lang mag paka totoo ka lang ipakita mo lang kong ano ka huwag kang gumaya don sa babaeng nag papanggap na mahinhin tapos kapag nakilala mo baliw pala tandaan mo makukuha mo ang puso ng isang lalaki kong nag papakatotoo ka mas nagugustuhan nila yong ganon !. Sabi niya at ngumiti

Talaga ba?. Tanong ko

Hayss oo naman at saka nga pala puwede bang mag pakipot ka manlang yong mag dalawang isip ba sa bawat desisyon mo at saka wag mo rin siyang tatanungin kong kani kanino naiitindihan mo ba? Lumalabas kasi na patay na patay ka sa kaniya puwede bang hayaan mo nalang siya na lapitan ka niya at please lang huwag kang gagawa parati ng first move !. Pag sesermon niya sakin

Hindi naman ah!. Sagot ko sakaniya at nag pout

Hindi daw e parati mo nga siyang tinatanong kay kyle at sa mga barkada niya alam mo bang nasasaktan mo si kyle sa ginagawa mong yon huh!. Sigaw niya

Nasasaktan bang?. Naguguluhan kong tanong

Kitams! Hindi mo na napapansin yong nasa paligid mo dahil parati kalang nakatuon sa kaniya ni hindi mo nga alam na nasasaktan mo na si kyle sa palagi mong pag tatanong sakaniya tungkol kay sean ni hindi mo nga alam na may gusto sayo si kyle e manhid kaba huh!. Sabi niya at binatukan ako

Aray naman! Pano ko naman mararamdaman yon wala naman siyang sign na pinapakita!. Singhal ko

Marami siyang pinapakitang sign ang problema lang ayaw mo yon pansinin kasi naka tuon kalang kay sean at sa tingin ko may gusto sayo si sean ang problema lang!. Sabi niya at tumingin sakin

Anong problema?. Tanong ko

Hindi pa siguro siya sure sa nararamdaman niya kaya naman tulungan mo siya mag pakipot ka huwag ka agad agad sasagot sa mga tawag niya ni sa text niya tulungan mo siyang mahanap yong sagot sa nararamdaman niya jan kasi sa ginagawa mo lalo mo lang pinapagulo yong isip niya kaya naman nalilito parin siya sa nararamdaman niya naiintindihan mo ba mag pakipot ka o di kaya umiwas ka ng onti tulungan mo siya para malaman yong sagot !. Pag papaliwanag niya

Paano kong yong sagot na hinahanap niya hindi pala makakatulong sakin anong gagawin ko?. Tanong ko

Edi tanggapin mo kong ano man ang magiging resulta ng sagot nayon at kausapin mo siya yon lang yong paraan para mag kaliwanagan kayo sa ngayon tulungan mo muna siya!. Sabi niya

San mo naman nalaman lahat ng to manghuhula kaba? Tanong ko at tumingin sakaniya

Sabihin nalang natin na ako ang guardian angel ninyo mapag masid kasi akong tao kaya naman alam ko ang mga nangyayari sainyo!. Sabi niya at ngumiti

Ang sabihin mo chismosa ka!. Sabi ko dahilan para pitikin niya yong noo ko

Chismosa ka jan! Ano na palang balak mo kay kyle?. Tanong niya at tumingala

Ano bang sinasabi mo?. Tanong ko

Kilala kita zoey! Ayaw mong may nasasaktan ka kaya naman sigurado akong haharapin mo si kyle at sasabihin kaniya ang lahat ng nalalaman mo tama ba?. Sabi niya at tumingin sakin saka ngumiti

Ayuko kong nakakasakit ako at alam ko ang pakiramdam ng one sided love kaya naman sasabihin kong tumigil nalang siya sa nararamdaman niya!. Sabi ko at tumingin sakaniya

Akala mo ba Ganon ganon lang kadali mawala yong nararamdaman niyang yon?. Tanong niya at nag cross arms

Alam kong hindi madali yon pero atleast sinabi ko na sa kaniya ng maaga pa para hindi na lumala pa!. Sabi ko at tumingala

Ang ganda ng langit no asul na asul!. Sabi ko at ngumiti

Bakit ba hindi moko ginagalang mas matanda ako sayo ah!. Sabi niya dahilan para mapatingin ako sakaniya

Komportable kasi ko sayo kaya hindi kita ginagalang!. Sabi ko

Kahit na 3, years ang tanda ko sayo no kaya naman tawagin mokong ate sam naiintindihan moba!. Sabi niya at ngumiti

Ate sam? Nakakasukang pakinggan ! Sige na mauuna nako may klase pa kami !. Sabi ko at tumayo na

Sundin mo yong mga sinabi ko sayo ah! At wag mong kakalimutan yong mga payo ko sayo naiintindihan moba!. Bilin niya bago ako umalis nag okay sign lang ako at umalis na

THE TIME I LOVED YOU (MOON SERIES:1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now