CHAPTER 32

35 9 0
                                    

Sean pov

Hi tito!. Bati ko kay tito John tatay ni mark

Iho! Kumusta na ang tagal narin nating hindi nag kita!. Bati niya sakin at niyakap ako

Okay lang naman po ako kayo po?. Tanong ko

Okay lang rin nga pala dala mo naba yong kotse?. Tanong niya

Opo gusto mo po ba itest drive?. Tanong ko at inabot sakaniya ang susi

Syempre naman *laugh* nga pala alam kong mahirap saying ibenta to kaya naman nag papasalamat ako dahil sakin mo ibenta!. Nakangiti niyang sabi at tinapik ako

Kailangan narin po kasi para mabawasan na rin yong pangungulila!. Sabi ko at ngumiti rin sakaniya

Tama yan! Halos nag dadalawang taon na ring wala si janna kaya naman sigurado akong matagal na niyang iniintay na may maipakilala ka sakaniya!. Pabirong sabi ni tito at sumakay sa kotse sumakay narin ako

Oww!! Gusto ko yong tunog ng engine gusto ko to bibilhin ko na itratransfer ko nalang sa bank account mo yong pera okay lang ba?. Tanong niya at ngumiti

Okay lang po!. Sabi ko pinaandar na niya ito

Ah! Nga pala sean busy kaba ngayon?. Tanong niya

Hindi naman po tito bakit?. Tanong ko

20th anniversary na kasi namin ng mama ni mark ang kaso wala pakong maireregalo sakaniya gusto ko sanang bigyan siya ng necklace dahil mahilig yang tita janneth mo sa necklace ang kaso hindi ko alam kong anong desenyo maari mo bakong samahan?. Tanong niya

Sige po tito sasamahan kita! Nakangiti kong sabi

Si tito talaga napaka romantic hindi nako mag tataka kong bakit hanggang ngayon inlove na inlove parin sainyo si tita!. Pabiro kong sabi tumawa naman siya at tumawa rin ako

Nga pala nakwekwento saakin ni mark na nag kakamabutihan na kayo ni zoey totoo bayon?. Tanong niya nabigla naman ako dahil kilala niya si zoey

Paano niyo po nakilala si zoey?. Tanong ko

Yong pinsan kasi niya ex ni mark yon din yong unang babae na pinakilala samin ni mark at pag katapos non wala na siyang ibang pinakilala kaya naman kilala ko na rin si zoey!. Pag papaliwanag niya

Ahh! Siguro nga seryoso si mark kay trisha dati nagawa niya pang ipakilala sainyo!. Natatawa kong sabi

Kaya nga e namumuti na nga mata namin sa kakaintay na may ipakilala siya ulit! Nga pala kumusta kayo ni zoey?. Tanong niya ngumiti naman at tumingin sa bintana

Okay naman po kami tito napaka kulit lang niya minsan!. Natatawa kong sabi

Siya naba yong ipapakilals mo kay janna?. Tanong niya dahilan para mapatingin ako

Opo mukhang siya na ang ipapakilala ko kay janna!. Nakangiti kong sabi ngumiti narin naman siya

Halata sayong gustong gusto mo siya ah! Napag tapat mo naba yon sakaniya?. Tanong niya

Hindi pa nga po e humahanap pako ng tiyempo siguro pag katapos nalang ng exam niya para makapag focus pa siya!. Sambit ko

Tama yan! ..... Nandito na tayo !. Sabi niya at nag park na bumaba na kami ng kotse at nag lakad papasok ng mall pumunta kami sa isang jewelry store

Goodmorning sir !. Bati ng sales lady samin

Puwede bang patingin nito , ito saka ito!. Sabi ni tito at tinuro yong tatlong kwintas na naka display nag tingin tingin rin ako maraming accessories dito kagaya ng singsing , kwintas, key chain, hikaw, at iba pa

Hey!,. Sean!. Tawag sakin ni tito dahilan para lumapit ako

Ano sa tingin mo ang bagay sa tita mo?. Tanong niya

Masyado tong malaki para kay tita!. Sabi ko sabay turo ng unang kwintas

Simple lang si tita pero elegante siya kong manamit at mahinhin mag lakad kaya naman siguro babagay sakaniya yong maliit lang yong pendant pero madaling mapapansin kagaya nito!. Sabi ko sabay turo don sa naka display na neck lase na korteng puso at may diamond sa gitna

Wow! I like it! Bagay na bagay to sa tita mo sige kukunin nanamin yan!,. Sabi niya sa saleslady

Bakit hindi ka pumili para ibigay kay Zoey!,. Sambit niya na ikinagulat ko

P-po?. Tanong ko

Sige na pumili kana ng babagay kay zoey at ibigay mo sakaniya kapag nag tapat kana ng nararamdaman mo para romantic hindi ba! Huwag kang mag alala ako na ang mag babayad treat ko nayan sayo!. Nakangiting sabi niya at tinapik ang braso ko

Kanina ko pa titiningnan tong necklace na half moon yong pendat kulay gold din siya at mukhang bagay na bagay kay zoey

Ayan ba ang napili mo?. tanong niya

Opo sa tingin ko bagay sakaniya yan!. Naka ngiti kong sabi

Ahm... Miss kukunin narin namin to mag kano lahat?. Tanong niya sa sales lady

Dito nalang po sa counter sir!. Sabi naman ng isa pang sales lady kaya naman pumunta na kami sa counter para mag bayad

5,500 po lahat card po ba or cash?. Tanong ng sales lady

Card!. Sagot niya pinag hiwalay naman yong balot nong isa pang sales lady at inabot sakin to kinuha ko naman at ng makapag bayad na ay umalis na kami inabot ko kay tito yong kwintas na binili niya

May dala kabang extrang kotse?. Tanong niya

Wala po e pero kong may gagawin papo kayo sige mo mauna na po kayo mag tataxi nalang po ako!. Nakangiti kong sabi

Sige pasensya na iho ah! Nag text kasi yong secretary ko may meeting daw ako in 30, mins kaya naman hindi na kita maihahatid ipapadala ko nalang sa bank account mo yong pera mag iingat ka!. Nakangiting sabi ni tito at umalis na nag paalam narin ako at nag hiwalay na kami ng landas

Lumabas nako ng mall at nag para ng taxi tinanggal ko naman yong paper bag at binuksan yong kahon ng necklace bagay kaya to sakaniya? Sana bumagay isinara ko na yong kahon at ipinasok sa buksa ko pahaba na medyo square yong kahon kaya namsn kasiya sa pantalon ng bulsa ko

Kinuha ko naman yong phone ko at tinawagan si zoey

Hello?

Oh! Sean napatawag ka?

Kumusta na kayo jan? Pabalik nako

Okay naman gusto mo ba ipag luto kita?

Sige sabay narin tayong kumain 6pm na rin pala may dadaanan lang ako tapos didiretsyo nako jan

Sige bye!

END CALL*

Pumara ako sa isang tindahan ng mochi malapit nalang naman yong condo dito kaya naman lalakadin ko nalang bumili ako ng isang box ng mochi at saka nag lakad na papunta sa condo ng makarating ako ay pumasok na agad ako at dumiretsyo sa unit ko

Nandito nako!. Sigaw ko agad naman akong sinalubong ni leslie

Hi baby! Pinahirapan mo ba si ate zoey mo huh!. Sabi ko at nilaro yong balahibo niya

Arf! Arf!. Tahol niya na ikinangiti ko

Nga pala zoey salamat sa pag aalaga kay leslie a para sayo!. Sabi ko at inabot sakaniya yong mochi

Oy! Paano mo nalaman na ito yong paborito ko huh! E hindi ko naman nabanggit sayo!. Sabi niya at kinuha sakin yong box

Nakita ko sa Instagram acc mo!. Sabi ko

Ahh! Ganon ba gusto mo bang manood ng movie nag luto ako ng popcorn e !. Sabi niya at ngumiti

Sige mag bibihis lang ako!. Sabi ko at ngumiti saka pumasok sa kwarto at nag bihis

THE TIME I LOVED YOU (MOON SERIES:1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now