CHAPTER 31

33 10 0
                                    

Sean pov

Habbang nag lilinis si zoey ay nag lalaba naman ako atleast may nakakatulong akong mag linis medyo hindi kasi ako nakapag linis noong mga nakaraang araw inabot ko yong vacuum sakaniya para hindi na siya mahirapan mag walis

Pati mga sofa ivacuum mo huh!. Utos ko sakaniya

Oo alam ko!. Sambit niya

Anong sabi mo?. Pang aasar ko sakaniya

Opo master!. Medyo inis niyang sabi at ngumiti

Sinabihan ko kasi siyang master ang itawag sakin sa totoo lang nakakatuwang pag tripan si zoey malapit narin akong matapos sa pag lalaba at sa tingin ko malapit narin siyang matapos sa pag vavacuum ng buong condo 2pm narin pala at hindi pa kami nag tatanghalian kaya naman pag katapos kong mag sampay ay nag luto nako

Gusto mo tulungan narin kita jan?. Tanong niya habbang nililinis yong vacuum na ginamit niya

Sige tulungan mokong mag hiwa alas dos na pala hindi pa tayo kumakain ng tanghalian gusto mo ba mag pa deliver nalang ako kesa sa mag luto pa tayo?. Tanong ko

Wag na mag luto nalang tayo mas maganda kasi yon mas mahubusog kasi ako kapag lutong bahay!. Sabi niya at hinugasan yong mga gulay

Habbang nag sasaing ako ay nag hihiwa naman siya ng mga gulay balak ko sanang mag luto ng adobo at chopsuy

Aray!. Sambit niya dali dali naman akong lumapit sakaniya

Oh! Anong nangyari?. Tanong ko

Masyado palang matalas yong kutsilyo!. Sabi niya habbang nag dudugo yong hintuturo niya

Ano kaba naman kasi sabi ko yong gulay yong hiwain mo hindi yong darili mo!. Sabi ko at agad na kinuha yong first aid kit

Hinugasan niya naman ito agad

Huwag na huhugasan ko nalang !. Sabi niya

Amina gagamutin natin umupo ka muna dito!. Sabi ko at sumunod naman siya umupo siya sa harap ko

Kinuha ko naman yong band aid at yong alcohol para linisin yong sugat

Aray naman dahan dahan!. Sabi niya

Dapat kasi nag iingat ka nakalimutan kong sabihin sayo kanina na matalas yong kutsilyo pasensya na!. Sabi ko at nilagyan ng band aid yong sugat niya

Okay lang hindi naman masyadong malalim hindi lang tumitihil yong pag durugo!. Sabi niya

Sige na mag pahinga kana muna don ako nalang ang mag luluto!. Sabi ko at tumayo saka iniligpit yong kit

Huh? Hindi okay lang ano kaba!. Sabi niya

Okay lang sige na mag pahinga kana muna mukhang pagod kanarin kasi!. Sabi ko at nag luto na umupo naman siya sa sofa

Maya maya pa ay natapos narin akong mag luto hinain ko na ito 3:00pm na pala medyo late na ang tanghalian namin hinubad ko na yong apron at nilapitan siya sa sofa pero napansin kong natutulog pala siya at pinag masdan

Ang cute niya talaga matulog tinapik ko siya ng bahagya para gisingin

Zoey! Kakain na!. Bulong ko

Huh?. Tanong niya at nag inat inat

Sabi ko kakain na ! Sabi ko

Nakatulog na pala ako pasensya na hindi na kita natulungan mag luto!. Sabi niya

Okay lang tara na kumain na tayo!. Sabi ko at ngumiti naman siya

Yehey! Nagugutom narin kasi ako e!. Sabi niya at nag madaling pumunta sa kusina at kumain na

THE TIME I LOVED YOU (MOON SERIES:1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now