Sean pov
Halos isang linggo akong tinest at hindi pinayagang makapag phone kaya naman hindi ko natawagan si zoey simula nong makapasok ako sa hospital kong ano anong nitest nila saakin at may mga pag kakataon na inaatake ako habbang nag sasagawa ng test
Maraming salamat sa koooperasyon mo!. Sabi ni doc nandito kami ngayon sa opisina niya para pag usapan ang mga resulta
Ano na pong results doc?. Tanong ko
Masasabi kong kailangan mo ng mag pa opera sa lalong madaling panahon!. Sabi niya
Lumalala na kasi at naapektuhan na rin yong ibang ugat kaya naman napapadalas na yong atake mo!. Sabi niya at pina kita sakin yong results ng mga test
Kong ganon po kelan po tayo mag oopera?. Tanong ko
Ayun na nga ang problema matatagalan pa yong donor na hinihintay natin at kong hihintayin pa natin yon ay baka hindi mo na maabutan kaya naman tumawag ako sa mga magulang mo para sabihin ang kundisyon mo at tumawag rin ako sa kakilala kong doktor sa america sakto namang meron sila ng hinahanap natin kaya naman ipapadala ka na sa america sa lalong madaling panahon!. Pag papaliwanag niya tumungo naman ako
Ilang percent nalang ba ang tiyansa ngayon?. Tanong ko habbang hindi tumitingin sakaniya
20% nalang!. Sambit niya at nag smirk naman ako
Dati 40% pa ngayon 20% nalang kelan ang alis ko?. Tanong ko at tumingin sakaniya
Mamayang madaling araw!. Sabi niya na ikinagulat ko
Huwag kang mag alala bibigyan kita ng oras para mag paalam sakaniya!. Sabi niya at inabot yong phone ko
Agad ko tong kinuha at dali daling lumabas papunta sa kotse ko dali dali ko namang tinawagan si mark
Hello tol?
Hello mark kasama mo ba ngayon si zoey?
Hindi ei! Pero sabi niya nasa condo niya siya ngayon!
Condo niya?
Oo namimiss ka daw kasi niya kapag nasa condo niyo siya kaya don muna siya sa condo niya bakit ba kasi ngayon kalang ilang araw kana niyang hinihintay nag aalala na siya sayo!
Pumunta ka mamaya sa condo ko ng 3 pm okay!
Huh? Pero bakit?
Basta!
END CALL*
Nag madali nako papunta sa condo ni zoey hindi ko alam pero gusto ko siyang yakapin pero ng makarating nako ay natigil ako saglit baka masaktan lang siya kapag iniwan ko siya ng biglaan paano kapag hindi nag tagumpay yong surgery edi habbang buhay siya aasa? Tatapusin ko naba?
Sumakay nako sa elevator at nag door bell sa pintuan niya binuksan niya naman ito at gustong gusto ko siyang yakapin nong mga oras na yon kaso ayaw gumalaw ng katawan ko parang may pumipigil na gawin yon ng biglang lumabas si kyle na naka hubad hindi ko alam kong maiinis bako o magagalit na hindi ko maintindihan
Nandito ako ngayon sa parking lot at nakasandal sa kotse ko hinihintay bumaba si zoey at iniisip kong anong gagawin ko kapag kinausap niya na ko
Ilang minuto pa ay nakita ko na siyang papalapit sakin Huminga ako ng malalim at tumingin sakaniya ng diretsyo nakangiti siyang lumapit sakin
San kaba galing namiss kita!. Sabi niya at nag pa cute
Zoey.... Hindi ko na natapos yong sasabihin ko dahil bigla siyang nag salita
Ah! Yong kay kyle ba? Natapunan ko kasi siya ng juice bumisita kasi siya dahil nag aalala siya pano ba naman kasi wala kang tawag simula nong umalis ka kaya naman lahat sila nag aalala sakin tapos ayun natapunan ko siya ng juice!. Pag papaliwanag niya medyo lumuwag yong pakiramdam ko ng marinig yon
Si leslie? Nasan siya?. Tanong ko
Ah? Si leslie ba? Nasa vet parlor siya mamaya ko pa siya pupuntahan panigurado matutuwa yon kapag nakita niya yong daddy niya na nakarating na!. Sabi niya at lalapit sana sakin ng bigla akong mag salita
Zoey! Mag hiwalay na tayo!. Sabi ko at tumingin sakaniya halata namang nagulat siya sa sinabi ko
Sean naman wag kanaman mag biro ng ganyan! Alam ko..... Hindi niya na natuloy yong sasabihin niya dahil nag salita ulit ako
Mag hiwalay na tayo seryoso ako at hindi ako nag bibiro!. Sambit ko bigla siyang nanghina at nabitawan yong hawak hawak niya
Sean naman! P-pero b-bakit?... Naiiyak niyang tanong
Yong about ba kay kyle sinabi ko ng hi.... Sambit niya at hinawakan yong bibig niya para hindi humagulgol sa pag iyak pinipigilan ko ang sarili kong maiyak rin kaya naman umiwas ako ng tingin napakasakit sa puso na makita siyang umiiyak
Hindi ito dahil kay kyle! . Sambit ko
P-pero b-bakit?. Tanong niya at pinunasan yong luha sa pisnge niya
One day i woke up and realized that i dont love you anymore and i can't see my future with you!. Sambit ko habbang garalgar yong boses ko
Pinipigil ko ang sarili kong huwag bawiin yong mga sinabi ko dahil kapag binawi ko yon panigurado mas lalo siyang masasaktan kapag nalaman niyang may sakit ako kakaawaan niya lang ako
Hindi na siya makapag salita dahil nakatakip lang siya sa bibig niya habbang nakapikit
Pumunta lang ako para sunduin si leslie pero mukhang wala siya rito kaya naman aalis nako huwag kang mag alala hindi nako muling mag papakita sayo!. Sabi ko at tumalikod aalis na sana ako ng may maramdaman akong nakayakap sakin
Aalisin ko sana yong mga kamay niya sa pag kakayakap sakin ng bigla siyang mag salita
Pakiusap kahit 5 minutes lang!. Nahihirapan niyang sabi kaya naman hinayaan ko nalang
Alam mo ba nong una tayong nag kita sa bar nalove at first sight ako sayo non!. Sabi niya at tumawa
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at hinayaan nalang itong tumulo at pinipigil na hindi gumawa ng ingay
Napansin ko kasi masyado kang iba sa lahat kaya naman ikaw yong tinarget ko hindi mo rin ako masyadong pinapansin kaya na challenge ako sayo!. Pag papatuloy niya
Napakasakit tuwing naririnig ko yong mga sinasabi niya para akong sinasaksak ng paulit ulit ayukong mawala siya hindi ko kaya pero mas masakit ang katotohanan kapag pinag patuloy pa namin to
At yong oras na sinabi mong mag sama na tayo sa iisang bahay napaka saya ko non dahil sabi ko sisimulan ko na ang future ko ng kasama ka dahil nangako tayo sa isat isa na tayo ang future ng isat isa!. Sabi niya at umiyak lalong humigpit ang yakap niya
Maraming salamat sa lahat zoey paalam!. Sabi ko at binitaw na yong mga kamay niya sa pag kakayakap sakin
Napaluhod naman siya at humagolgol na sa pag iyak sumakay naman na ako sa kotse at pinaandar ito papalayo saka itinigil sa isang tabi at humagolgol ng iyak
Mahal kita zoey mahal na mahal!. Sigaw ko at pinag susuntok yong manibela huminga ako ng malalim at pinatawagan si jonas
Oh! Men! Nasan ka?
Men pakikuha si leslie sa condo ni zoey bukas huh!
Huh? E bakit ako dapat ikaw mag pakita ka na sa kaniya miss na miss kana niya alam mo ba yon halos mabaliw na siya kakaintay ng text at tawag mo
Hiwalay na kami!
A-ano?
Sige na kunin mo na si leslie sa condo ni zoey! At alagaan mo muna habbang wala ako
Pero sean!....
END CALL*
Dumiretsyo ako sa condo ko at kinuha yong maleta sa kwarto at nag simulang i pack yong mga gamit ng makita ko yong camera ni zoey kinuha ko ito at kinuha yong memory card at sinalpak sa laptop ko at pinanood

YOU ARE READING
THE TIME I LOVED YOU (MOON SERIES:1) COMPLETED
Romancehe said " you are my once upon a time, but not my happy ending he said " meeting you was a dream , and i need to wake up he said " i would love to stay but i guess my free trial end here he said "isn't sunset so beautiful? alam ko namang sa dami n...