"Ano na naman?"tanong ni Mortin nang samaan ko siya ng tingin. Inangat ko ang remote at sumenyas na umusod siya.
"Alis, pwesto ko 'yan."utos ko.
"Ayaw ko, ako ang may ari nito kaya kung saan ko gustuhing umupo ay doon ako uupo."
Inirapan ko siya bago naupo sa single sofa. Binuhay kong muli ang tv at itinodo ang sounds, saktong nasa action part na ang pelikula. Sobrang lakas ng mga putukan ng baril at pagsabog ng mga bomba at granada. Gusto ko tuloy matawa habang iniisip ang nakakunot na mukha ni Mortin. Alam kong rinding-rindi na siya.
"Nasaan ang kalaban?! Putangina, Kuya nasaan ang mga rebelde?! Bakit mo dinala dito?!"nagpapanic na sigaw ni Moreigh.
"Gago! Pelikula lang 'yon!"binato niya ang kapatid ng kaniyang tsinelas. Napakamot si Moreigh bago lumapit sa aming pwesto.
"Ang lakas naman ng sounds! Akala ko sinugod na tayo ng mga rebelde."nakasimangot na bumalik siya sa kaniyang kwarto.
"Hoy, pahinaan mo nga!"utos ni Mortin ngunit hindi ko siya pinakinggan. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa pinapanood.
Ang lakas kasi nito mang-asar noong mga nakaraang araw kaya bumabawi lang ako. As usual ay wala ang mga magulang niya at kami lamang ulit apat ang nasa bahay. Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang aking cellphone at nakitang tumatawag si Andromeda Perez, my bestfriend. Napatingin rin doon si Mortin kaya sinenyasan niya akong sagutin. If I know gusto niya lang akong paalisin para mapahinaan niya ang volume ng palabas.
Lumabas ako bitbit ang aking phone at tinawagan pabalik si Rome dahil hindi ko iyon nasagot kanina.
"Thank God at sinagot mo for how many months, Amanda!"
Bungad niya at halata ang galit sa boses. She's always been calm and kapag ganito na ang tono niya ay paniguradong galit na ito.
"I miss you too, Rome."
"Miss my ass, where are you? Ni hindi ka man lang nagsabi nang nangyari sa inyo ni Torvas. Sa kaniya ko pa talaga nalaman."
Napahinto ako at muling dumaan ang sakit sa aking puso nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon.
"Nakausap mo siya?"
"Hmm, yeah. Huwag kang mag-alala dahil naisampal na kita. He's a type A asshole for letting you go. By the way, he's also asking you, kumusta ka na daw? But hey! Huwag kang kikiligin agad, okay?"
Halos hindi ko malaman ang magiging reaction ko sa kaniyang mga sinabi. Nakita niya si Torvas and the guts of that heartbreaker para ikuwento sa kaibigan ko ang ginawa niya at para na rin kumustahin ako na animo'y walang ginawang masama.
"Anong sinabi niya sa'yo? That he fell out of love kaya nakipaghiwalay siya sa akin?"
"He just said that it was his fault why you went away nang mapagtanto niyang wala pala akong alam sa nangyari. He looks a little bit bothered and worried though, but knowing that he's a Mallari, it will never be hard for him to find you. Just like the famous quote of all time, if he wanted, he would, Amanda."
"I know, Rome. Hindi na rin naman ako umaasa. I am happy living with Mama Mildred and her family in a province. Do you still remember her? Nabanggit ko siya noon sa'yo."
"Of course, I remembered her. That's good to know that you're not that miserable. Ang akala ko kung nasaan ka na at sinisira ang buhay mo."narinig ko ang marahan niyang pagtawa kaya napangiti na lamang ako.
"Why would I waste my life over a man? Lalaki lang 'yon, maraming iba dyan."
"Kasali ba ako sa ibang tinutukoy mo?"
"Fuck!"halos mapatalon ako nang marinig ang boses ni Mortin.
"Oh, who's that, Amanda?"
"No one, I'll call you back later."wika ko bago inend ang call.
"Ginulat mo ako!"
Hawak ang sikmurang nahiga si Mortin sa duyan dahil sa katatawa.
"Paanong gulat ba? Like this?"nanlaki pa ang mga mata nito at napahawak sa kaniyang bandang dibdib. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa sa kaniyang hitsura.
"Kung hindi ko nakita ang pictures mo noong grumaduate ka ay hindi ko aakalaing sundalo ka."
"Sus! Alangan namang gawin ko dito ang ginagawa ko sa kampo? Baka magulat ka na naman dyan. Isa pa, leave na ako."
"Ha? Bakit?"
Usually kapag nasa edad na ang mga humihinto sa pagsusundalo ah.
"Sobrang hirap ba? Hindi mo na kinaya?"
"Hindi kinaya nina Mama kaya pinili kong huminto. Hindi ko matiis na marinig siyang umiiyak sa tuwing tatawagan niya ako dahil may nababalitaan siyang mga namamatay mula sa lugar kung saan ako nakadestino, pero kapag kakailanganin nila ay pwede akong bumalik."
Oh, kaya pala. Kung sabagay ay ganoon rin naman ang magiging reaction ko kung ako ang nasa lugar nina Mama.
"Edi wala kang trabaho ngayon?"
"Meron ah."
"At ano naman? Halos madalas kang nasa bahay ah."
"Macho dancer ako sa gabi."
"What?!"buong lakas na sigaw ko at nang matawa siya ay doon ko na-realize na niloloko na naman ako ng lalaking 'to.
God! Kailan ba 'to magseseryoso?!
"Joke lang, hindi na mabiro."
"Ano nga kasi?"
"Ang bantayan ka, iyon ang bago kong trabaho."
"Don't tell me you worked for my Dad?"
"Okay, hindi ko sasabihin. Sabi mo don't tell me eh."
"Mortin naman! Fine, sabihin mo sa akin."
Hindi talaga umuubra ang pagsusungit ko sa pang-aasar niya. Wala atang makakatalo sa lalaking 'to.
"Okay, madali ako kausap. Hindi ako inutusan ni Dad este ni Mr. Ventura. Si Mama ang nag-utos sa akin kasi kailangan daw mo daw ng gwapo at mabait na tagabantay."
Napaupo na lamang ako sa dulong bahagi ng duyan dahil suko na ako sa kaniya. Wala akong makukuhang matinong sagot kapag siya ang kausap ko. Awtomatikong napataas ang kilay ko nang idantay niya sa aking mga hita ang kaniyang mga paa.
"The hell, alisin mo nga 'yan."
"Okay, saglit."umalis siya sa pagkakahiga at laking gulat ko nang umunan siya sa aking mga hita.
"Mortin! Nakakahiya sa makakakita, baka akalain nila kung anong ginagawa natin."
"Walang nakakahiya kapag ako ang kasama mo. Tsaka walang makakakita at wala rin naman tayong ginagawang masama ah. Para nakaupo ka lang dyan at nakahiga ako dito."
"Kahit na! Kapag hindi ka umalis itutulak kita."
"Subukan mo at hahalikan kita."pananakot din niya na ikinahinto ko. Laking gulat ko nang abutin niya ang aking kamay at ihaplos iyon sa kaniyang pisngi.
"Amanda,"namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin at ramdam ko ang pamumula ng aking buong mukha.
"B-bakit?"
"Kung ako lang ang lalaking unang minahal mo hinding hindi kita sasaktan."
Halos hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko lalo pa nang biglang umangat si Mortin at dampian nang marahang halik ang aking labi. Napapikit ako kasabay nang malakas na pagtibok ng aking puso. Ilang saglit pa ay naupo siya at pilit akong ipinaharap sa kaniya. Nang magmulat ay sumalubong sa akin ang seryoso niyang ekspresyon.
"Magsimula ka ng kalimutan siya dahil hindi ako makapapayag na babalik ka pa sa lalaking 'yon."
BINABASA MO ANG
The Deepest Part of Ocean
RomantikAmanda Ventura is deeply in love with Torvas.They've been in a relationship for three years, and she wants to settle down with him. He's the man she wants to grow old with, but Torvas fell out of love. Will their relationship survive? Or it will be...