Chapter 21

37 2 0
                                    

"Ma'am Amanda! May flowers ka po ulit!"

Mariing ipinikit ko ang aking mga mata nang marinig ang matinis na boses ng assistant kong si Mae. Nang magmulat akong muli ay nasa harapan ko na siya at may malawak pang ngiti. She handed me the flowers at wala akong nagawa kundi tanggapin iyon. I checked the card at hindi ako nagkamali na galing iyon kay Torvas.

It's been two months and a week nang makabalik ako sa dati kong buhay at wala siyang palya sa pagpapadala ng bulaklak sa akin. Hindi na rin iilang beses na nagpakita siya sa akin ngunit palagi akong umiiwas dahil ayaw ko siyang makita, lalo pa at boyfriend ko na si Mortin. Pakiramdam ko isang kamalian sa sandaling i-entertain ko ang mga paglapit ni Torvas ngunit hindi ko rin maiwasang hindi makaramdam ng kung ano sa kaniyang mga ipinapakita.

Pinigilan ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso at namumuong ngiti sa labi dahil sa letter na nakapaloob sa bouquet. Torvas was asking me to be his date on their company's anniversary.

"Ayieee! Feeling ko malapit na po kayong magkabalikan, Ma'am! Ang gwapo po ni Sir Torvas kahit na may pagkamasungit! Bagay na bagay po kayo!"tumitiling sabi ni Mae.

Magsasalita na sana ako nang makatanggap ng mensahe mula kay Mortin. Bigla ay rumagasa ang konsensya sa aking dibdib dahil sa sandaling pagkalimot sa kaniya. Simula nang umalis ako ay hindi ko pa siya muling nakikita ng personal ngunit madalas siyang tumawag at karamihan doon ay hindi ko nasasagot dahil sa sobrang busy ng schedule ko.

Mabait at pasensyoso si Mortin. Kailanman ay hindi siya nag-demand, kung kailan ako libre ay saka ko lamang siya nakakausap. Hindi pa kami muling nagkikita ng personal dahil hindi pa ito nakakadalaw sa bahay, ganoon din ako sa kanila.

Papauwi na sana ako nang sabihin sa akin ni Mae na naghihintay si Torvas sa lobby. Gusto ko mang umiwas ngunit huli na dahil nakita niya na ako. Walang kangiti-ngiting pinagmasdan ko siyang lumapit.

"Amanda,"aniya at yumuko upang halikan ako sa labi ngunit nakaiwas ako kaya dumampi iyon sa aking pisngi.

"Move away, Torvas. You have no right to kiss me."mariing aniko ngunit hindi siya natinag.

"I have no rights? Really? Why? Was it because of Alvarez?"nakangising aniya.

"Seems like you are aware of our relationship, so to answer your question, yes, it's because of him. I am not a cheater, Torvas. Mortin is my boyfriend."

"You do not have to cheat, baby. You can just break up with that guy and be with me."hinapit niya ako papalapit.

"Torvas!"tinangka kong lumayo ngunit masyadong mabilis ang pangyayari nang hawakan niya ang aking batok upang mahalikan. Hindi ako nakaiwas habang malaya siyang inilalapat ang labi sa akin. Napahawak ako sa kaniyang balikat upang itulak siya ngunit masyadong malakas si Torvas. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang mapapikit dahil sa pag-flash ng camera na nagmula sa kung saan. Awtomatikong lumayo si Torvas at sinamaan ng tingin ang gumawa non.

"Get the fuck out of here, motherfucker!"sigaw niya at halos madapa na sa pagtakbo papalayo ang lalaki.

Tila wala ako sa aking sarili at nakatulala lamang kung saan. Naramdaman ko ang paghawak sa aking kamay ni Torvas at paghila patungo sa kaniyang sasakyan.

"What you did earlier was a mistake, Torvas."pagbasag ko sa katahamikan.

"It was not, Amanda. I kissed you because I like it and I love you. You didn't kiss me back, but I felt you almost did kung hindi lang dahil sa pagkuha ng picture ng estrangherong 'yon"

Kumuyom ang aking mga palad dahil hindi ko magawang tumanggi. Tama siya, muntik na. Muntik na akong madala. Hindi na ako nagsalita pa at walang imik na lumabas mula sa kaniyang sasakyan nang makarating sa bahay. Ang akala ko ay tulog na si Daddy ngunit laking gulat ko nang makita siyang naghihintay sa sala, seryoso ang kaniyang ekspresyon at tila galit.

"Good evening, Dad."ngumiti ako ng tipid at humalik sa kaniyang pisngi.

"Why, Amanda?"

"What do you mean why, Dad?"

"Why are you with Torvas again?"mariing aniya.

Hindi ako nakasagot at napalunok na lamang. Napahilot siya sa kaniyang batok at tila na-i-stress sa kung ano man ang iniisip.

"Ano, magpapaloko ka na naman? Mortin called me earlier at hindi ka niya raw ma-contact. What do you want me to tell him? Na ang anak ko ay kasama ang ex-fiancee niya?"

"Dad, wala a-akong ginagawang masama. Si Torvas ang lumalapit sa akin kahit na ano pa ang pagtutulak ko na lumayo siya."

"Wala? Sigurado ka?"mapanuyang aniya at inilapag ang kaniyang cellphone. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang litrato namin ni Torvas kanina noong hinalikan niya ako.

"Torvas kissed me, D-Dad! Wala po akong kasalanan. Iniiwasan ko siya pero siya ang lumalapit sa akin."giit ko at hindi na malaman kung papaano magpapaliwanag.

"Do you still love him?"

"Si Mortin po ang boyfriend ko."

"Do you still love Torvas, Amanda?"mariing aniya.

"D-dad, si M-Mortin ang boyfriend ko–"

"Answer my question! Mahal mo pa rin ba si Torvas?! Siya pa rin ba?!"

Napapikit ako kasunod ng paghikbi ko. Halo-halo ang nararamdaman ko dahil sa kaniyang ipinapakitang galit.

"Amanda, yes or no. Answer the question."

Nanatili akong tahimik.

"Amanda, please..."

"Y-yes, Dad."sumusukong pag-amin ko. Dinig ko ang paghinga niya ng malalim at nang magmulat ako ay kitang kita ko ang disappointment sa kaniyang mga mata.

"How could you be in a relationship with Mortin gayong si Torvas pa rin pala? Hindi ka na nahiya kayna Mildred. Alam mong mahal na mahal ka ng anak nila kaya ginamit mo siya habang wala si Torvas sa tabi mo."

"N-no, Dad. I like Mortin, but Torvas....I still love him. I a-am sorry."tinangka ko siyang lapitan ngunit tumayo ito at lumayo.

"I am so disappointed, Amanda. I am a man, and I know how it will hurt Mortin kapag nalaman niya ito. Break up with him kung hindi naman pala siya. Pinili mo nga pero hindi naman siya ang gusto mong makasama. He deserve someone better, someone who can love him wholeheartedly."aniya bago ako iniwanan doon.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig at hindi na naikubli ang pag-iyak sa mga sinabi ng aking ama. Bukod pa roon ay ayaw kong nagagalit siya sa akin dahil simula pagkabata ay siya ang kasama ko. I know na ako naman ang mali, pero hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil gusto ko sa akin pa rin ang kaniyang simpatya dahil anak niya ako.

The Deepest Part of OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon