Chapter 12

43 3 0
                                    

"Anong gusto mong kainin?"

"Ayon, mukhang fresh at masarap."wika ko habang nakatakip ang panyo sa aking ilong at bibig. Masyadong malansa ang paligid dahil nandito kami sa tindahan ng mga karne at isda. Ni hindi man lang nagtatakip si Mortin, marahil ay sanay na siya.

"Ako? Gusto mo akong kainin? Sigurado ka dyan?"nakangising aniya sabay kindat na ikinairap ko.

"Huwag ka ngang feeling, Mortin. Alam kong kamukha mo 'yung mga isda pero wala akong balak na tikman ka."

"Hindi ka sure dyan, Miss. Baka mamaya ikaw pa gumapang sa akin."

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatinag sa paghila niya patungo sa isang tindera. Nakipagtawaran pa siya, inaawat ko nga dahil nakakaawa naman 'yung tindera pero hindi niya naman ako hinahayaang magsalita. Napakakuripot talaga ng lalaking 'to.

"Dinadaya mo 'yung mga tindera. Hindi ka na naawa, Mortin."kunot noong reklamo ko habang nauunang maglakad patungo sa tindahan ng mga gulay.

"Hindi 'yon pandadaya, baby. Pagtitipid ang tawag do'n, saka pumayag naman sila. You know the word discount naman, 'no?"

Ayaw ko siyang makasabay pero dahil malalaki ang kaniyang paghakbang ay naabutan niya ako. Siya ang may dala ng mga pinamili namin habang ako ay tanging pamaypay lamang ang hawak. Sobrang init rin kasi.

"Kahit pa, they are poor. Ano pa ang kikitain nila kung palaging ganoon?".

"Haays, hindi mo pa kasi alam ang kalakaran sa probinsiya at palengke. Palibhasa hindi ka pa nakakapamalengke. Tama ako, 'di ba?"

Tatanggi na sana ako pero hindi naman ako nakapagsalita dahil tama naman siya, never pa akong nakapamalengke pero may sapat naman kaming budget para sa mga kailangan.

"Galit ka na naman niyan? Sorry na, nag-iipon lang ako para sa future natin."

Doon ko siya nilingon at sinamaan ng tingin.

"Asa ka."

"Hindi masamang umasa. Malay ba natin? Tara na nga dito."kahit marami pa siyang dala ay sinikap niyang bitbitin iyon gamit ang isang kamay bago inabot ang aking kaliwang braso upang alalayan sa paglalakad. Masyado kasing siksikan at napasikip ng daan.

"Mortin, nauuhaw ako."

"Eh anong paki ko?"

"Mortin, isa!"pinaningkitan ko siya kaya tatawa-tawa ito. Bwibiwisitin pa ako gayong sobrang init na nga.

"Chill lang, misis! Ito talaga hindi na mabiro, wala pa nga tayong panganay nagme-menopause ka na dyan."

Ang dami-dami niyang endearment. Palibhasa puro ganoon ang ginagamit niya sa mga babae niya. Inabot niya sa akin ang biniling bottled water kaya huminto muna ako sa pagpapaypay at kaagad na uminom. Mabuti na lamang at malamig iyon kaya kahit papaano ay nabawasan ang init.

"Ano? Okay ka na? Oh baka naman gusto mo pa ng kiss ko para kumalma?"

Narinig ko ang paghalakhak ng babaeng tindera sa nakarinig sa sinabi ni Mortin.

"Girlfriend mo ba 'yan, Mortin? Ang ganda ha, taga-syudad?"

"Hindi ko ho girlfriend 'yan. Manliligaw ko po."malawak ang ngiting sagot niya.

"Hey! Kanina ka pa ha."konti na lang talaga at iiwan ko na ang lalaking 'to.

"Oo na-oo na, uuwi na tayo para kumalma ka na."inakay niya ako palayo bago ko pa maipalawanag sa ginang na hindi kami ni Mortin.

"Lumayo ka nga! Ang init-init!"

Hindi ko alam pero inis na inis talaga ako kapag mainit ang panahon. Gusto ko na lamang umuwi at magbabad sa tub ang kaso ay wala sina Mama Mildred non. Nang makarating sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa kwarto ni Monroe upang magpahinga saglit bago naligo. Pagkalabas ko sa sala ay nadatnan ko si Mortin na nakakunot ang noo habang marahang hinihilot ang kaniyang sentido. Mukhang naligo rin siya at nagpalit rin ng kasuota.

"Masama ang pakiramdam mo?"tanong ko nang makalapit.

"Medyo, ikuha mo nga akong tubig."

Dahil tila may iniinda siya ay hindi na ako nagreklamo at ikinuha siya ng tubig.

"Nakainom ka na ba ng gamot? O baka naman gutom lang 'yan? Kumain ka na?"tumabi ako sa kaniya at indinampi ang palad sa kaniyang noo. Tila nagulat pa siya ngunit hindi naman lumayo. Concern lang naman ako dahil marami rin siyang binuhat kanina at sobrang mainit talaga ang panahon pero hindi naman siya nilalagnat, wala ring sinat.

"Kulang lang sa yakap at halik."nadinig kong aniya bago siya sumandal sa kinauupuan. Nakita ko tuloy ang makinis niyang leeg at bakat rin Adam's apple.

"May sakit ka na nga, lumalandi ka pa. Ano pang masakit sa'yo?"

"Hulaan mo."

Damn this asshole! Nagwo-worry na nga ako sa kaniya dahil anak siya nina Mama Mildred tapos ginaganito pa ako.

"Bahala ka nga dyan."naiinis na wika ko ngunit hindi naman siya iniwan doon. Napansin kong lumalim ang kaniyang paghinga, don't tell me tulog na siya?

"Mortin, huwag kang matulog dyan. Doon ka sa kwarto."bahagya kong tinapik ang kaniyang braso ngunit hindi siya natinag.

"Hey, doon ka na magpahinga sa kwarto mo."this time ay medyo malakas.

"Hmm?"ungot niya ngunit hindi naman kumibo.

"Doon ka na matulog sa kwarto sabi."

"Dito na lang."sagot niya sabay ayos ng upo at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang gawin niyang unan ang aking mga hita.

'"Mortin, ano ba?! Ang sabi ko sa kwarto, hindi sa akin."

Nakapikit pa rin siya ngunit medyo nakakunot ang noo na tila may iniinda.

"Hayaan mo muna akong magpahinga, Amanda. Please?"halos inaantok na aniya kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan siya. Maya-maya pa ay tila nakatulog na siya ng tuluyan, wala sa sariling hinaplos ko ang kaniyang buhok. Marahang pinaglalaruan ko ang kaniyang malambot at makapal na buhok. Hindi ko alam pero ilang minuto pa at nakaramdam na rin ako ng antok. Hindi ko na lamang ginising si Mortin at sumandal na lamang sa upuan upang makapagpahinga rin.

"Ganiyan pala ang epekto kapag sabay namalengke."

"Sshhh! Baka magising si Amanda."

"Aba, Mortin. Baka gusto mo nang bumangon dyan."

"Tulog pa ako, Ma."

"Tinamaan ka! Tulog pero sumasagot?!"

Napakamot ako sa aking leeg dahil sa ingay na nadidinig. Akmang isasandal ko ang aking ulo ngunit nawala ako sa balanse kaya awtomatikong napamulat ako. Nawala ang antok na aking nararamdaman nang mapagtantong nasa harapan ko sina Mama Mildred at nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa aking hita at nakitang nandoon pa si Mortin.

"Thanks, baby. Ang sarap ng tulog ko."aniya bago bumangon. Halos hindi ko na maramdaman ang mga hita ko, namanhid na ata.

"Oh, anong problema, 'nak?"tanong ni Papa nang mapansing hindi ako makatayo.

"Ayan, namanhid na ata mga hita ni Ate, lagot ka Kuya!"pananakot ni Monroe.

"Sorry, kiss na lang kita."bago pa ako makaangal ay naramdaman ko na ang paghalik sa akin ni Mortin, sa pisngi lamang iyon ngunit bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"What the?!"bago ko pa siya malapitan ay tatawa-tawa na itong lumayo sa akin. Ni hindi nga ako makaayos ng kilos dahil sa pangangalay.

"Shit, masakit ba talaga?"bumalik si Mortin at yumuko sa aking harapan.

"Patingin nga at nang mahilot ko- aray, Pa!"

"Mortin, ikaw talaga! Layuan mo nga si Amanda."

"I am just worried, Pa."

"Kasalanan mo, gawin mo ba namang unan. Ang mabuti pa ay buhatin mo si Amanda papunta sa kwarto ni Monroe nang sa ganoon ay mahilot siya ni Mildred."

Wala pang isang segundo at agad akong binuhat ni Mortin. Hindi ko alam ngunit hindi ko magawang makapagreklamo.

"Amanda,"

Napatingin ako kay Mortin nang tawagin niya ako, seryoso siya habang naglalakad patungo sa kwarto.

"What?"

Wala sa sariling napalunok ako nang lingunin niya rin ako, sobrang seryoso niya ngayon, as in!

"Ang bigat mo, anong kilo mo?"

What the fuck?!

The Deepest Part of OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon