Chapter 5

46 3 0
                                    

"Eww!"nandidiring tumayo ako nang makakita ng bulate sa lupa.Dahil doon ay hindi ko na ipinagpatuloy pa ang pagbubunot at nagdilig na lamang ng mga halaman.

"Amanda, "

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakitang si Mama Mildred iyon kasama si Monroe.May mga supot silang dala kaya nagmadali akong lumapit upang tumulong sa pagbubuhat.

"Nasaan si Mortin?Tsaka bakit nagdidilig ka?Mortin!Punyeta kang bata ka!Bumaba ka dyan at tulungan mo kami!"sigaw ni Mama Mildred.

"Wala po si Mortin.Kaaalis niya lang po."sagot ko.

"Saan naman kaya pupunta si Kuya, Ate?"tanong ni Monroe habang inilalapag ang mga pinamili sa mesa.

"Sa kaibigan niya daw."

"Kumain ka na ba, hija?"

Tumango ako.

"Ang aga mo namang nagising.Ang sabi naman ng Daddy mo sa akin ay halos alas dose ka na raw ng tanghali bumabangon."

Ginising ho kasi ako ng panganay n'yo at walang ginawa kundi ang awayin ako.

"Hindi ata siya komportable sa kwarto ko, Mama.Palipatin kaya natin siya sa kwarto ni Kuya Mortin?"suhestyon ni Monroe.

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.

"Ay susmaryosep kang bata ka!Monroe!"natatawang saway ni Mama Mildred.

"Hindi po sa hindi ako komportable kaya maaga akong nagising.Kapag pagod po talaga ako ay napapahaba ang pamamahinga ko."

"Sure ka, Ate?"paniniguro ni Monroe.

"Oo naman, komportable ako sa kwarto mo.Maaliwalas doon."

Mas gugustuhin ko pang katabi si Monroe kaysa kay Mortin, 'no!

"Oh, siya sige at ihahatid pa namin ito sa asawa ko.Dito ka muna Anda ha.Mabilis lang naman kami doon."paalam ni Mama Mildred kaya tumango ako.

"Teka, marunong ka bang magluto?"

"Uh, medyo po?"nag-aalangan pa ako sa aking isinagot dahil tsumatsamba lamang ang luto ko, madalas pa na hindi masarap.

"Pakigayat na lang nitong mga karne at gulay para pagbalik namin ay magluluto na tayo."nakangiting bilin niya.

"Sige po, ingat po kayo."

Naupo akong muli sa silya bago nagsimulang gayatin ang karne at mga gulay.Hindi ko napansin ang oras, halos magtatanghali na pala.Siguro ay uuwi silang lahat para kumain dito.Makalipas ang ilang mga minuto ay bumalik rin kaagad sina Mama Mildred.Si Monroe ay nagtungo sa kwarto upang maligo kaya ako lamang mag-isa ang natira sa kusina dahil nagpaalam rin si Mama na magbibihis muna.

"Anong niluluto ng misis ko?"

Napataas ang kilay ko nang marinig ang boses ng lalaking kinabubwisitan ko.Nilingon ko ang pintuan at nakitang nakasandal doon si Mortin.Katulad kanina ay wala na naman siyang pang-itaas.Sasagot na sana ako nang matanaw si Mama Mildred sa kaniyang likuran.

"Aray ko, Ma!"reklamo ni Mortin nang kurutin siya ng kaniyang nanay.

"Misis ka dyan!Bakit mo iniwan mag-isa si Amanda, ha!"

"Mama naman, malaki na 'yan.Nagbilin rin akong huwag siyang makikipag-usap sa ibang tao.Isa pa,  nagpaalam naman po ako sa kaniya na pupunta ako kina Daniel."

"Puro ka Daniel!Huwag ko lang talagang malalaman na binabae ka, Mortin!Naku ka talaga!"

Natatawang tinalikuran ko sila upang haluin ang nilulutong sinigang na baboy.Mukhang sinuwerte na naman ako dahil tila masarap ang pagkakaluto ko ngayon.

The Deepest Part of OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon