Chapter 6

39 3 0
                                    

"Oh, bakit nandito ka pa?"tanong niya nang makita ako.

"Wala lang, masama ba?"

Nagpunas siya ng kaniyang mga kamay bago lumapit sa pwesto ko.

"Manood ka na lang ng madramang palabas sa tv kung naiinip ka."

"Hindi ako mahilig manood ng ganoon."

"Porn gusto mo?"

"Mortin!"nanlalaki ang mga matang saway ko.

"Biro lang.Pero marami ako non, baka naman gusto mo akong samahang manood."pang-aasar niya sabay taas-baba ng kilay.

"Ewan ko sa'yo!Dyan ka na nga!"

Dinig na dinig ko ang malakas niyang paghalakhak.Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko sa kalokohan niya.Hindi naman sa inosenteng inosente ako, pero sino ba namang hindi mabibigla kung babanat siya ng ganoon?

"Seryoso na, Amanda.Samahan mo ako."

Napairap ako nang maramdamang nakasunod na naman siya sa akin.Binalingan ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Saan naman?"

"Sa langit."

Kita mo na?Ayaw talagang magseryoso!

"Nakakainis ka!"

"Biro nga lang, ito naman."natatawang naupo siya sa sofa habang ako ay nanatiling nakatayo sa gilid ng bintana.

"Marunong ka bang sumayaw?"tanong niya makalipas ang ilang minutong pananahimik.

"Bakit mo naitanong?"

"Sagutin mo na lang."

"Medyo, so bakit nga?"

Sumilay na naman ang nakakainis niyang ngiti kaya alam ko ng kalokohan na naman ang nasa isip ng lalaking 'to.

"Pa-request naman ng sayaw, kahit Careless Whisper lang."

"Mortin!Nakakapikon ka na ha!"binato ko siya ng tsinelas na suot ko.Sayang nga lamang at nakailag siya.

"Ayaw mo non?Sige, Twerk It Like Miley na lang─ aray!"daing niya nang batuhin ko siyang muli ng tsinelas.

Sapul na iyon sa kaniyang ulo.Mabuti naman at nang tumino na ang pag-iisip niya.Nagtaka ako nang tumayo siya bitbit ang pares ng tsinelas ko.Nang nasa tapat na ay lumuhod siya at marahang inangat ang isa kong paa upang isuot ang tsinelas doon, ganoon din ang ginawa niya sa kabila.Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko dahil sa labis na pagkailang.

"T-tumayo ka na nga dyan!Baka kung ano na naman ang isipin nina Mama!"naiilang na umatras ako upang makalayo sa kaniya.Tumayo siya at pumantay sa akin.

"Pero Amanda..."

Lumunok siya kaya napalunok rin ako.Bakit biglang sumeryoso siya?Nakakakaba tuloy.

"Ano 'yon?"kuryoso kong tanong.

"Ayaw mo ba talagang sumayaw ng Careless Whisper?"

"Ewan ko sa'yo!"

Nagmartsa ako papalabas ng bahay nila.Ang lalaking iyon talaga napakabastos!Bakit ko naman siya sasayawan?Dahil wala na rin naman akong mapuntahan ay tinungo ko ang daan patungo sa likuran ng bahay nila.Naglakad ako papalapit sa duyan at naupo doon.Habang nakatingin aa kawalan ay napaisip ako.

Kumusta na kaya si Daddy?

Gustuhin ko man siyang tawagan ay wala akong lakas para gawin iyon.Baka kapag sinubukan ko ay may mabanggit siyang pangalan ng isang tao na talagang iniiwasan ko.Nakatulala lamang ako nang biglang may asong lumapit sa pwesto ko.

"Bakit mo ba ako sinundan?Mang-aaasar ka na naman."walang ganang wika ko kay Mortin.Oo, siya ang asong tinutukoy ko.

"Usod, miss!"utos niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.Sa kanila naman itong duyan.

"Nakita kasi kitang tulala.Oy, 'wag ka namang ma-pressure sa pagpapasayaw ko sa'yo.Kung gusto mo mamaya pumunta ka sa kwarto ko para makita ko kung pasado ka na─ aray ko naman!"daing niya nang kurutin ko siya nang mariin sa braso.

"Ang bastos mo!Isusumbong na talaga kita kay Mama!"

"Bakit mo tinatawag na Mama ang nanay ko?Anak ka ba niya, ha?!Hindi naman kita kapatid."

Ang oa talaga ng nakakainis na 'to.Hindi ko siya sinagot at tanging pag-irap lamang ang ginawa ko.

"Bakit ka ba lapit nang lapit?"

Hindi na ako nakatiis na itanong iyon dahil sa bawat paglayo ko sa kaniya ay lumalapit siya.Nakita ko na naman ang malaki niyang ngisi kaya marahil ay aasarin niya na naman ako.

"Bakit ka ba lapit nang lapit?"panggagaya niya sa akin at inartehan pa ang boses sabay irap.Ngumuso ako upang pigilan ang pagngiti ngunit nauwi lamang iyon sa pagtawa.

"Bakit ka tumatawa?May nakakatawa ba?"maarteng tanong niya na patuloy pa rin sa panggagaya sa akin.

"Sundalo ka bang talaga, Mortin?"

"Syempre naman!Nakakainis ka na ah!"pinapaliit niya pa ang kaniyang boses.

Nakakatawa siya tuwing gagawin niya iyon.Napahinto ako nang mapansing nakatitig siya nang mariin sa akin.

"Oh, bakit?"tanong ko.

"Wala, ang taba pala ng pisngi mo, 'no?"aniya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.Napahawak ako doon nang bitawan na niya.

"Masakit 'yon ah!"nakangusong reklamo ko habang hinahaplos ang aking pisngi.

"Masakit 'yon ah!"panggagaya niya.

"Ewan ko sa'yo!"sabay naming sabi sa isa't-isa.

"Tumigil ka na nga, Mortin!"saway ko.

"Mortin!"

Sabay naming nilingon ang tumawag sa kaniya at nakita ang isang lalaki na nasa labas ng kanilang gate.

"Ano 'yon?Tumuloy ka na.Abala ka, gago!"sigaw ni Mortin kaya kakamot-kamot na nagpatuloy ang lalaki papasok.Tila nagtaka pa ito nang makita ako.

"Hi?"bati ng lalaki kaya tumayo ako upang magpakilala.Mukha naman siyang mabait.

"Hello, ako si Amanda."nakangiting pagpapakilala ko.

"Ako naman si Daniel."

Kung ganoon ay siya pala ang tinutukoy ni Mama Mildred na palaging kasama ni Mortin.

"Kaya naman pala ayaw mong sumama sa amin, may binabantayan ka pala ritong magandang dalaga."pang-aasar ni Daniel kay Mortin.Walang kangiti-ngiti si Mortin na napailing.

"Magandang dalaga?Ulol, walang maganda dito bukod kay Mama."bumaling siya sa akin."Pumasok ka na nga sa loob."kunot noong utos niya.

"Ayaw ko nga.Mas gusto ko dito, mahangin."sagot ko at naupong muli sa duyan.

"Ano na, Mortin?Sasama ka ba?Nandoon na sina Raymond, hinihintay ka na rin ng mga babae mo."biro niya sa kaibigan.

Mga babae talaga?Ganoon ba karami ang nahuhumaling at nalilinlang ng panganay ni Mama Mildred?

"Hindi na muna, baka palayasin na ako ni Mama kapag umalis ako."sagot niya.

Umawang ang labi ni Daniel at hindi makapaniwalang napatitig sa kaibigan.

"Himala at tumanggi ka.Ngayon lang 'to nangyari."humahangang aniya.

"Ulol!Umalis ka na nga!Sabihin mo sa susunod na lang.Marami pa akong ginagawa."

Nakangising tumango si Daniel at pagkakuwan ay nagpaalam na ring umalis.

The Deepest Part of OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon