Kinabukasan ay nagising ako na walang nadatnan na Mortin sa kusina.Kadalasan kasi ay nandoon siya at hinihintay akong kumain pagkatapos ay mang-aasar kaagad.Nasaan naman kaya ang lalaking 'yon?
"Ate, sinong hinahanap mo?"tanong ni Monroe sa akin.Nakataas pa ang kaniyang mga paa habang nanonood ng palabas sa tv.
"Nasaan ang kuya mo?"
"Sinong kuya?"
"Si Mortin."nahihiyang sagot ko.
Lumitaw ang ngiti sa kaniyang labi.Naalala ko tuloy si Mortin dahil doon.Kamukhang-kamukha niya talaga ang kaniyang kapatid.
"May pinupuntahan lang, maya-maya babalik rin 'yon.Ay!Oo nga pala, kumain ka na ba?Pasensya na ha kasi hindi tayo nagkakasabay-sabay sa umaga, sina Mama kasi maagang kumakain kaya nakikisabay na ako.Tulog ka pa naman tsaka ayaw ka naming maabala kaya hindi ka na namin ginigising."mahabang paliwanag niya na ikinatameme ko.Ang bilis niya kasing magsalita.As in.
"Oo, nakapag-almusal na ako.Magtitimpla lang ako ng kape.Gusto mo rin ba?"tumango siya habang nanatili ang atensyon sa pinapanood.
Pero saan naman kaya nagpunta si Mortin?Hindi kaya nakipag-date siya?Eh ano naman sa akin kung nakikipag-date nga siya?Pero sana naman ay hindi.Haays.Napanguso ako sa naiisip.Nang makapagtimpla ay bumalik ako sa sala at ibinigay kay Monroe ang isang tasa ng kape.Nakatanaw lamang ako sa labas habang hinihintay ang pagdating ni Mortin.
Ewan ko ba, parang hindi na ako sanay na hindi siya nakikita.Napatayo ako sa aking kinauupuan nang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay.Bababa na sana ako nang matanaw si Mortin na may kasamang isang babae.At talagang napataas ang aking kilay nang makita kung gaano sila kalapit sa isa't-isa.Halos sumayad na nga ang hinaharap ng babae doon sa braso ni Mortin.Ang abnormal na 'to tuwang-tuwa naman!
"Nandyan na pala si Mortin, aba at kasama pa talaga si Serene."wika ni Mama Mildred habang nakatanaw rin sa tabi ko.
Serene?That's her name?Sino naman kaya siya sa buhay nila?
"Mano po."magalang na bati nina Mortin kay Mama Mildred.
Nagtama ang paningin namin kaya automatic na napairap ako.Hinawi ko ang aking buhok at tinalikuran sila.
"Amanda, nandito na ako."
Napahinto ako sa pagtawag sa akin ni Mortin.Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan iyon at talagang nabigla ako.
"Anong paki ko?"mataray na wika ko bago nagtungo papasok sa kwarto ni Monroe.Naabutan ko siyang kakalabas lamang sa banyo.
"Nandyan na ba si Kuya?Narinig ko ang tunog ng sasakyan."
Tamad akong tumango at kinuha ang aking tuwalya para maligo muli.Nakaligo na ako kaninang umaga pero naiinitan ako kaya maliligo ako ulit.Inabot pa talaga sila ng tanghali, huh?Ano naman kayang ginawa nila?Nag-date?Kumain sa labas?Nanood ng sine?Tipikal na gawain!Boring!Nakakainis.
Hindi ako lumabas at nanatiling nasa loob ng kwarto.Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pag-ugong ng palayong sasakyan kaya sumilip ako mula sa bintana.Umalis na kaya 'yung babae?Nagmamadali akong lumabas at tinungo ang sala.
"Ate, maraming pasalubong si Kuya sa'yo."bungad kaagad sa akin ni Monroe na tila kanina pa naghihintay sa paglabas ko.Inginuso niya ang isang direksyon at nakita ko ang isang paper bag na naglalaman ng maraming pagkain.Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa aking labi nang mapagtantong ang lahat ng nasa loob ay mga paborito ko.
"Nasaan na siya?"nakangiting tanong ko kay Monroe.
"Ah, umalis ulit.Ihahatid si Ate Serene sa bahay nila.Hindi ka kasi lumabas kanina, hinahanap ka pa naman para maipakilala kay Ate Serene."
BINABASA MO ANG
The Deepest Part of Ocean
RomanceAmanda Ventura is deeply in love with Torvas.They've been in a relationship for three years, and she wants to settle down with him. He's the man she wants to grow old with, but Torvas fell out of love. Will their relationship survive? Or it will be...