Chapter 3

56 4 0
                                    

"Tanghali na kaya.Kapag nagising ka dito nang lampas 6 AM ay tanghali na.Magandang umaga, mahal na prinsesa."sarkastikong bati niya.

Ganoon ba 'yon?Nagbago na pala ang oras ng tanghali?

"Oh, maupo ka na at kumain ng umagahan.Nakakahiya naman sa'yo, baka sabihin ng tatay mo ginugutom ka namin."nginuso niya ang mga nakatakip sa hapag.

Binuksan ko iyon at naamoy ko kaagad ang bawang.Mukhang masarap ang sinangag.Sino kayang nagluto nito?Napahinto ako nang makita ang ulam.Bakit mukhang nangayayat ata ang isdang ito?Sinubukan kong tuhugin iyon ng tinidor ngunit ayaw makuha.

"Kamayin mo na lang!"

Napanguso ako bago sinunod ang utos ni Mortin.Ang aga-aga bad mood kaagad siya.

"Nasaan pala sina Monroe?Kumain na ba sila?"

"Kanina pa, nasa karinderya na si Papa, si Monroe ay namamalengke kasama si Mama."

"Si Moreigh?"

Nagsalubong ang kaniyang kilay."Bakit mo siya tinatanong?May gusto ka sa mokong na 'yon?!"

"H-hindi ah!Gusto ko lang malaman."

"Kasama rin nina Monroe."tipid na sagot niya.Akma na akong susubo ng kanin nang may maalala.

"Kumain ka na ba?"

Tumango siya kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagkain.Hindi ko matinidor ang isda kaya kinamay ko na lamang iyon, napangiwi ako nang madama ang isda.Sobrang payat talaga ng isdang 'to.Ganito ba talaga sa probinsiya?

"Tangina!"mura ni Mortin kasunod ng malakas niyang pagtawa.May paghampas-hampas pa siya sa mesa.

"Bakit?"nagtatakang tanong ko.

"Huwag mong kurutin 'yang tuyo, kinakain pati ang tinik niyan!Haays, maganda ka nga kaso tsk!Tsk!"

Ibinaling ko ang mga mata ko sa pagkain.Tuyo pala ang tawag dito, kaya naman pala ganito kapayat.Ang akala ko pa naman may problema ang mga isda nila dito sa probinsya.

"Baka matinik ako at magbara iyon sa throat ko."

"Edi huwag mo ng piliting kainin."

"Pero wala na akong ibang ulam."giit ko.Iyon lang kasi ang ulam na natira.

"Edi magtiis ka!"

Napanguso ako at ipinagpatuloy na lamang ang pagkurot sa kakarampot na laman ng isda.Pinilit kong nguyain iyon kahit napakapait at sobrang alat.Inalis ko rin ang natitirang kaliskis ng isda.Ganito ba talaga ito?Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtayo ni Mortin.Hindi ko na siya nilingon pang tuluyan at inabala na lamang ang sarili sa pag-torture sa kawawang isda.Napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang pagbukas ng kalan.Nakita kong binasag niya ang itlog at inilagay iyon sa kawali.Magluluto siya ulit?Ang akala ko ba kumain na siya kanina?Ilang saglit pa ay natanaw kong nagtimpla naman siya ng kape.Laking gulat ko nang lingunin niya ako, awtomatikong napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring kumakain.

"Oh."sabay lapag niya ng kape at pritong itlog sa lamesa.

"Para sa akin?"nagugulat na tanong ko.

"Oo nga, kanino pa ba?May nakikita ka pa bang ibang tao dito?"

"Thanks, Mortin."

Nginitian ko siya bago tinanggap ang inalok na pagkain.Kaya pala siya tumayo upang ipagprito ako ng ulam at ipagtimpla ng kape.Sumimsim ako sa kape at masasabi kong masarap siyang magtimpla.Ang bait niya ngayon ha.Nakakapanibago.

"Hugasan mo 'yung mga 'yon pagkatapos mong kumain."turo niya sa mga pinggan at iba pang mga utensils na nakatambak sa lababo.

Ako?Maghuhugas?Binabawi ko na ang pagpuri ko sa kaniya kanina.Nagpilit akong tumango dahil baka sumama na naman ang kaniyang timpla.Naupo siyang muli at pinaglaruan ang singsing na hawak.

"May asawa ka na?"wala sa sariling tanong ko.

Napahinto siya sa paglalaro sa singsing at isinuot 'yong muli sa kaniyang daliri.

"Wala pa, may putangina kasing umagaw eh akin naman 'yon."mariing sagot niya bago tumayo at maglakad palabas ng kusina.

Inagaw sa kaniya?Sino naman kaya ang babaeng tinutukoy ni Mortin?

Muntik na akong mapatili nang may biglang nagpatugtog nang malakas.Ano ba namang sounds 'yan, napakalakas!Marahil ay si Mortin iyon, puro kanta pa ng bandang Fall Out Boy kaya sobrang lakas talaga ng beat.Naririnig ko pa nga ang pagsabay ni Mortin.Sinisira niya ang magandang imahe ng banda, dapat hindi na siya sumasabay dahil hindi naman kagandahan ang kaniyang boses.Lihim akong napatawa sa sobrang sama ng kaniyang boses.Paano siya nakakakanta ng ganoon gayong alam niyang nandito ako at naririnig ko siya?

"Aba, Amanda!Balak mo bang ubusin ang baso namin?!"

Nilingon ko ang gawing pintuan at nakita doon si Mortin na nakasandal.Wala siyang suot na pang-itaas habang nakasabit sa kaniyang balikat ang hinubad na t-shirt.Hindi ako nagkamali, mayroon nga siyang abs kagaya ng hula ko.

"Nagulat kasi ako sa lakas ng sounds mo, madulas rin kaya nabitawan ko 'yung iba kaya nabasag.Pasensya na."malumanay na paliwanag ko.

Lumapit siya sa direksyon ko habang walang kangiti-ngiti.Galit na naman kaya siya?Bubulyawan na naman kaya niya ako?Napapikit ako nang iangat niya ang kaniyang kamay.

"Nasugatan ka ba?"malumanay na tanong niya kaya napamulat akong bigla.Inabot niya ang aking mga palad at chineck kung mayroon bang sugat.Agad akong umiling at umatras papalayo.

"Wala, hindi ako nasaktan.Hindi naman ako magkakasugat kung hindi ko hahawakan nang madiin ang mga nabasag na parte ng baso."

Tila malalim ang kaniyang iniisip at may nais pang sabihin ngunit sa huli ay tumango na lamang.

"Ah, okay.Sumunod ka sa akin."utos niya bago ako talikuran.

Kitang-kita ko tuloy ang malapad niyang likuran.Pwedeng-pwede siyang isabak sa modeling sa ganda ng hubog ng kaniyang katawan.Idagdag pa ang napakagwapo niyang mukha at sobrang lakas na sex appeal.Inaamin ko na, malakas talaga ang dating ni Mortin.

"Anong gagawin ko dito?"tanong ko nang iabot niya sa akin ang isang bunot.

"Magbunot ka ng sahig."utos niya.

"Pero tiles ang sahig n'yo, Mortin."

Napaawang ang kaniyang labi bago mabilis na inagaw sa akin ang bunot.

"Sabi ko nga.Uhm, ano pa bang pwede kong ipagawa sa'yo?"tila nag-iisip pa siya habang panay ang paglinga sa loob ng bahay.

"Magwawalis na lang ako."pagpepresinta ko bago dinampot ang nakatumbang walis sa sahig.Bumaling muli sa akin si Mortin.Napakunot ang aking noo nang mapansing namumula ang kaniyang mga tenga.

"Ayos ka lang?"

Nag-iwas siya ng tingin at pagkakuwan ay tumikhim."Huwag mo na ulit gagawin 'yon!"

"Ang alin?"nagtatakang tanong ko.

"Yung ano!Basta!"

"What?Ang alin kasi?"

"H-huwag ka ng yuyuko!"aniya sabay lakad patungo sa nakabukas na bintana.Narinig ko ang marahas niyang paghugot ng hininga.

"Bakit bawal akong yumuko?"

Ano bang ipinupunto niya?Hindi ko siya maintindihan.Anong mali sa pagyuko para maabot ang walis tambo?

"Basta huwag ka ng yumuko!Nakikita ang dibdib mo!"

Oh my god!Napahawak ako sa aking hinaharap at mabilis na inayos ang kasuotan.

The Deepest Part of OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon