Kabanata 8

206 7 1
                                    


The next day ay balik trabaho na ulit ako sa shop. Wala namang bagong ganap sa buhay ko maliban ang i-search ang buong pangalan ni Eros. Nagulat ako sa mga lumabas sa google.

He's a famous football player. I already know that. Obviously! Ilang beses ba naman siyang pinagkaguluhan ng mga tao.

He was suspended for the entire season last year. Because...

"He assaulted someone!" gulat na pagbabasa ko sa article. Nabanggit din ng dalawang babae noon ang tungkol daw sa assault. This must be it. Naka-attach pa mismo ang litrato ng bugbog saradong mukha nung coach nila. Totoo ba 'to? Binasa ko iyong buong article at hindi ako makapaniwalang napatakip sa bibig ko.

Totoo nga!

"Eros Sullivan admitted that he physically assault his coach," pagbabasa ko ulit.

Kinilabutan pa ako nang mapanood ko sa YouTube ang press conference niya. Nakatutok lang ako sa kaniya buong video, he was wearing a suit at ang gwapo niya habang sumasagot. Heck! Pinupuri ko pa talaga siya matapos kung malaman na may binugbog siya.

There was no guilt or regret in his eyes while admitting to the media of what he had done. Hindi nga rin siya nag-sorry sa ginawa niya. Nagbasa ako ng mga comments. Madaming pinagsasalitaan siya ng masasama.

bobongnilalang • 2mo ago
sikat lang amp mayabang na

masterputo • 5mo ago
durog mukha ng coach niya e

princessvina • 3w ago
kinakahiya ka ng pilipinas!

kamekameweb • 1y ago
quit football you psycho!

Grabe! Do they even know what psycho means?

Kaunti lang ang nabasa kong hindi naniniwala na may binugbog siya. May nababasa rin akong nagsabing may dahilan daw siya kung bakit niya ginawa iyon. May iba ring dumidipensa sa kaniya sa social media.

Naghanap ako ng mga clips at articles tungkol sa kung ano nga ba ang totoong nangyari, kung bakit sinuntok ni Eros 'yong coach niya, ngunit wala akong mahanap. Hindi ba dapat nilalagay din nila 'yon sa mga output nila bago nila i-published 'yong mga newspapers at articles? Tinuloy ko pa rin ang paghahanap pero wala talagang lumalabas. Puro mga assumptions lang ng mga tao sa internet ang nandito. Kung gano'n naman pala, hindi talaga malabong madaming nagagalit kay Eros. Hindi kasi nilagay ng mga writers 'yong dahilan ng assault. Kaya mas naniniwala ang mga nagpo-post sa hate comments na sinaktan niya lang 'yong coach niya dahil mayabang siya at kung ano-ano pa.

I clicked the website named www.aboutsportsceleb.com on google. Mukhang reliable naman 'yong website. May search icon doon kaya sinearch ko ang pangalan ni Eros. Pagka-enter ko ay lumabas agad ang biography niya kaya nagsimula na akong magbasa. Siya pala ang pinakabatang napasali sa Keepers at the age of 16. May mga pictures din siya and he looked so good with his football uniform.

"Miss."

"Putcha!"

Tinawanan ako ni Mich. Hindi ko alam na nasa office ko siya. Nagpaalam siya na uuwi na pala siya kaya tumango nalang ako. Nagligpit na rin ako ng mga gamit ko at umuwi sa bahay ko. Hindi na ako kumain. Napagod akong i-sink in sa utak ko ang mga nalaman ko tungkol kay Eros. Lalo pa't inamin talaga niyang binasag niya 'yong mukha ng coach niya. He must have done it for a reason right? Sa tingin ko naman hindi siya basta-basta nalang manununtok ng walang dahilan. He was aware that his name was known by about half of the world's population. Doing such things carries a huge level of consequences. I even read that because of what happened, they turned down all of his sponsorships and endorsements.

OFFSIDE (Suspire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon