Kabanata 1

541 12 2
                                    


Nasa kusina kami at kumakain ng breakfast kasama ang kapatid kong si Ate Lissa at ang kaisa-isang pamangkin ko na si Lexa. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi ng kapatid ko dahil alam ko namang hanggang ngayon ay pinagpipilitan niya pa rin na sumipot ako sa mga blind date na sini-set up niya para sa akin.

Sa totoo lang ay minsan nagpapakita naman ako sa mga nirereto niya, pero wala talaga akong interes sa pakikipag-date. At least not for now. Nangako ako na hindi muna ako papasok sa isang relasyon. Hindi pa ako handa.

Hindi na naubusan ng sasabihin si Ate dahil tuwing nandito ako sa mansion nila ay wala siyang ibang bukambibig kundi ang mga pangalan ng lalake na hindi ko naman pinagkakainteresan, pero kusa niyang pinagpipilitan.

Sullivan wants to save!

"Hindi ka ba nagsasawa sa pinapanood mo?" usal ko kay Lexa, mga highlight na naman sa football game ang pinapanood nito. Sumabay siya sa akin dahil madadaanan ko 'yong pinapasukan niyang Unibersidad.

Kumunot ang noo ko nang biglang tumigil 'yong kotse ko. Luma na rin kasi kaya siguro nagkaganito.

"What happen?" masungit na tanong ng pamangkin ko sa backseat. Natigil na rin siya sa pinapanood niya.

"Ewan ko. Bigla nalang huminto," sagot ko. "Dito ka lang, wag kang lalabas," utos ko sa kaniya. Tinanggal ko ang aking seatbelt. Lumabas ako at inikot ang aking sasakyan para tingnan kung ano ang problema. Hindi naman flat 'yong mga gulong.

"Is there a problem, Miss?"

Napalingon ako sa nagsalita, at saktong sinarado niya ang pintuan ng kotse niya. I pursed my lips dahil halatang hindi siya makausad dahil nakaharang 'tong sasakyan ko. Masyado nang masikip ang kalsada para sa dalawang kotse.

"Ah, bigla nalang kasing tumigil itong kotse ko," nahihiyang sagot ko. Lumapit sa akin 'yong lalake kaya mas lalong naging klaro ang mukha niya sa akin.

He was familiar. Parang nakita ko na siya sa mga TV. Siguro dahil mukha siyang celebrity.

Sinubukan kong buksan 'yong hood ng kotse ko, hindi ko alam na mainit pala iyon kaya napasigaw ako sa hapdi. The heated metal, burnt my skin. Ang sakit! Sa palagay ko nga may luhang namuo sa gilid ng mata ko.

"Easy," the guy said calmly. "Are you okay?" Tumango ako. "Wait here," he said, bago tumakbo patungo sa kotse niya. May dala-dala na siyang isang tool box at makapal na tela pagbalik niya. He was dressed casually in a grey jersey sweater, chino pants, and leather sneakers. Mukhang hindi naman siya nagmamadali.

Gamit ang makapal na tela ay hinayaan kong buksan niya iyong mainit na hood ng kotse ko. Napaubo ako nang sumingaw ang usok mula roon. Pinaypayan ng lalake iyong mga usok gamit ang kamay niya hanggang sa mawala ito.

Napakunot ang noo ko nang magsuot siya ng gloves. May kung ano siyang kinalikot sa loob ng sasakyan. Seryoso siya sa ginagawa niya habang nakayuko.

"Your motor is too old, that's why its overheated," saad niya sa akin.

"Paano mo nalaman? Mekaniko ka ba?" nagtatakang tanong ko. If I'm going to judge him right now, which I'm already doing. He doesn't look like a mechanic. Pwede siyang basketball player o model dahil matangkad siya; streotypically.

Napansin kong napaisip siya sa naging tanong ko. "Starting today, yes," sagot niya. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong napaso bago muling bumalik ang tingin sa akin. "Take care of your hands. I'll fix your car," utos niya.

OFFSIDE (Suspire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon