Kabanata 3

266 10 0
                                    


Pinasok ko sa isang auto repair shop ang aking kotse. Hinaplos ko ang leeg ko dahil nabigla sa malakas na impact. Akala ko nga matatanggal na ang ulo ko kanina.

Inasikaso ng mga empleyado dito ang sasakyan ko. Napaiwas ako ng tingin nang sabay na napalingon sa akin iyong dalawang lalake na nasa harapan ng kotse. Medyo malayo sila sa kinatatayuan ko pero halata na ako ang pinagbubulungan nila sabay lingon sa sasakyan ko.

Alam kong halata ang tupi at gasgas sa kotse pero nakakailang din ang tingin nila sa akin na animo'y ang weird ko sa paningin nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng sasakyang may sira? Hindi ba dapat sanay na sila, kasi iyon ang trabaho nila?

Umakto akong walang alam habang nakaupo sa inalok nila sa aking silya. Nagkunwari akong may ka-text sa phone nang bigla ngang tumunog 'to.

From: Caneles
Club on Saturday, G?

To: Caneles
G.

Minsan lang mag-aya si Caneles na gumala kaya pumayag na ako agad. Madalang na talaga kaming magkita. Katulad ko, madami rin sigurong nagpapagawa ng wedding gown at suit sa kaniya habang ako ay abala sa mga catering services.

Umangat ang tingin ko nang mapansin ang dalawang pares ng sapatos sa aking harapan. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Eros.

"Dito ka nagtratrabaho?" hindi ko namalayang lumabas sa bibig ko. Tinanguan lang niya ako. Ibig sabihin mekaniko talaga siya? Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi siya naka-uniform katulad ng mga empleyado dito. 

He's wearing jeans and a navy blue shirt. Simple lang pero bakit ang bango at ang gwapo niyang tingnan. Napansin ko na nakasuot pa siya ng gloves at mukhang katatapos lang niyang mag-ayos ng ibang sasakyan. Hindi man lang siya pinagpawisan? O kahit grasa lang sa braso o damit.

"What's the problem?" he snapped. Kumurap ako. Hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa kaniya.

Para akong tangang tumawa. "Wala, nagulat lang ako." Hindi ko inaasahan na magkikita kami at malalaman ko pa kung saan siya nagtratrabaho. Sa kaniya kaya ang repair shop na 'to? Pansin kong madaming napapadaan na sasakyan dito. Maganda siguro ang service.

I overheard him chuckling. "No, I mean, what's the problem with your car?" he clarifies.

Akala ko ba chineck na ng dalawang lalake kanina iyong kotse ko. Kung makatingin nga sila, parang jinudge na nila buong pagkatao ko. Tapos, hindi rin naman pala sila ang mag-aayos. Sinamaan ko ng tingin 'yong pwesto ng dalawang lalake kanina. Sayang wala na sila doon.

"Pansin kong mahina iyong break," tugon ko kay Eros. Pumunta siya sa harapan ng sasakyan. Unti-unting kumunot ang noo niya at binalik ang tingin sa akin.

"Did you crash your car?" he accused.

"No," mabilis na sabi ko,"not intentionally." Umiwas ako ng tingin.

Para namang sinadya kong ibangga iyong sasakyan ko. Biglaan kasing hindi gumana iyong break at saktong may papadaan na mga bata sa harapan, I had no choice, pwersahan kong kinabig ang manibela, and I was too accupied na masagasaan sila at hindi ko inaasahan na may puno pala sa gilid kaya doon bumangga.

"Are you hurt?" he inquired, concerned; I was stunned he asked, so I smiled and shook my head. "Wait here," utos niya. May isang parang machine na nagpasok ng kotse ko hanggang sa pinakaloob. I also gave them my keys to have access inside. Wala naman akong importanteng bagay na naiwan doon.

Naghintay ako ng ilang minuto. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag ni Mich na assistant ko. Nanlaki ang mata ko nang maalalang ngayon nga pala iyong kasal ng isang costumer namin. Sa Laguna pa iyon gaganapin.

OFFSIDE (Suspire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon