Kabanata 2

256 11 0
                                    


Papikit-pikit ako habang nakaupo sa loob ng office ko at humihigop ng kapeng in-order ko sa labas malapit dito sa shop. I groaned on my seat when my phone rang. Again. Kanina pa ako tinatawagan ng kapatid ko. Kinukulit niya ako buong weekend para sumulpot sa blind date. Mas malala ngayon dahil ito mismo ang araw ng blind date.

Tumayo ako nang tinawagan ako ng assistant ko para asikasuhin iyong magiging plano na kasal ng isang costumer namin. Madami ang mga nagpa-book ng mga catering, mostly mga wedding. Tumatanggap naman kami ng ibang event pero ang target talaga namin ay mga weddeng theme lang.

Tumunog iyong cellphone ko kaya kinuha ko iyon at sinagot. Alam ko namang si Ate 'to. Kanina pa niya ako ginugulo.

"Ate, ang kulit. Sinabi ko namang hindi ako payag sa blind date na 'yan. Busy ako dito sa shop. Isusumbong talaga kita sa asawa mo. Aminin mo na kasing ikaw 'tong may bet sa mga binubugaw mo sa akin. Joke lang, gonna go. Bye, love you! Cancel the blind date, busy talaga ako," I sighed, bago tinapos iyong tawag. Hiningal ako doon a.

Kinabukasan ay nagtungo ako sa mansion ng kapatid ko. Makikikain, tinatamad akong magluto sa bahay. Wala din akong katulong para ipagluto ako dahil mag-isa lang akong nakatira. Nagha-hire lang ako ng maglilinis every week.

Pagpasok ko ay nadatnan ko si Ate sa sala at nanonood sa malahigante niyang TV. Architecture ang tinapos ni Ate, minsan lang siya tumanggap ng mga clients, mga kakilala lang din niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magtrabaho sa mga kumpanya o kaya'y magpagawa rin ng sarili niyang firm tulad ni Kuya Brandon na Engineer. Nang tinanong ko, ang sinagot sa akin ay mayaman na daw siya at di na kailangan magtrabaho. Hambog!

Hinanap ng mata ko si Lexa pero mukhang nasa University na siguro, maaga 'yon pumapasok dahil may palaging practice. Nagulat si Ate nang pabagsak akong tumabi sa kaniya. Bigla akong nakatanggap ng hampas mula sa mabigat niyang kamay, kaya napaigtad ako sa sakit.

"Problema mo?" reklamo ko at hinihimas iyong braso kong hinampas niya.

Nanlalaki ang mata niya at ganoon rin ang butos ng kaniyang ilong. She looks frightening. "Alam mo bang napahiya ako nang dahil sa'yo?" she yelled, furious. Sino ba kasing nagsabing ituloy niya iyong blind date. I thought I'd made myself clear. Saan ba humahanap ng mga lalake 'tong si Ate. Hindi na naubusan.

Lumayo ako sa kaniya nang balak niya ulit akong hampasin. "Kinalaman ko sa pinagsasabi mo?" depensa ko. Kahit alam ko naman ang dahilan.

Masama niyang akong tiningnan kaya tinaasan ko siya ng kilay. Makakapagtrabaho pa ba ako nito? Mukhang nabali na 'yong braso ko sa lakas ng hampas niya.

"Bakit hindi ka sumipot sa blind date?" she dared.

I yawned, dahil gano'n ka-boring ang usapan. "Sinabi ko sa'yo na hindi ako pupunta diba? Busy ako sa shop," palusot ko. Ayaw ko naman talagang pumunta pero bukod pa doon ay naging abala na rin ako pagkatapos kong sagutin iyong tawag niya. Hindi ko nga namalayan ang oras, kaya late na akong nakauwi kagabi, at pagod ang katawan.

"Hindi mo sinabi!" she shouted. "Maghapon kitang tinatawagan, kahit kagabi, di ka naman sumasagot ni isang beses, bwisit ka!"

"Nakatulog ako dahil sa pagod. Hello! Sinagot ko tawag mo 'no," I defended. Hiningal nga ako sa mga sinabi ko sa kaniya.

She frowned. "Anong sinagot?" Ako naman ang nagtaka. "Hindi ka sumagot!" Napalayo ulit ako nang akmang lalapitan niya ako para batukan.

"Sumagot ako," pagpipilit ko. Linabas ko ang phone ko at hinanap iyong received calls. Nagtaka ako nang makitang new number iyong last na sinagot ko. Wala naman akong sinasagot na tawag bukod sa mga call ni Ate—at least that's what I thought—siya lang naman ang walang sawang gumugulo sa cellphone ko kahapon. "New number 'to a. Tapos puro ikaw na." I scroll again, wala nga akong sinagot na tawag na galing kay Ate.

OFFSIDE (Suspire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon