Kabanata 6

222 9 7
                                    


Mahigit dalawang taon na ang nakalipas simula nang makita ko siya. Magkaibigan ang pamilya namin kaya minsan ay dumadalo ako sa bahay ng mga kamag-anak niya tuwing may salo-salo. Matagal nang wala sa mundo ang magulang namin ni Ate kaya nang iwan ako ni Jeremy noong araw na iyon ay sina Ate at Caneles ang nariyan para pakalmahin ako sa pag-iyak.

Madami akong naging tanong sa sarili ko. Bakit kung kailan pa kami haharap sa simbahan tsaka niya sasabihin na hindi na niya ako mahal. Na may pumalit na pala sa akin. Sana naman nag-update man lang siya, hindi iyong malalaman ko nalang kung saan huli na ang lahat. Kung kailan handa na akong harapin ang buhay na kaming dalawa ang magkasama.

I thought I'd be spending the rest of my life with him. He promised me that we'd be building our future together. At kung kailan uusad na kami, tsaka siya umatras. Tsaka siya umayaw. He never even apologized. He just told me he loves someone and that he can't pretend to love me anymore. Ang nakakatawa hindi ko napansin 'yon. Dahil lahat ng ginagawa niya ay totoo sa paningin at pakiramdam ko. But then, I figured that everything he promised about our future was a lie. It was all a big fat lie.

Hindi ko naman siya pinilit a. He asked me to marry him. I said yes because I loved him.

That day, I was very confused. All I did was cry as he drove away from the church, leaving me inside the car. He should have told me at the time. Before saying those nice words, he should just say that he no longer loves me. Those promises about us. Those deceptions! He shouldn't have proposed to me in the first place. Sana nakipaghiwalay nalang siya ng maaga. Sana nagpakatotoo nalang siya sa akin. Na ayaw na niya. Heck! I believed I had grown. But here I am, still in pain, remembering how he messed up my concept of love.

Love is mean. And not perfect. And selfish. Yet, I still believe it was real. That somehow it was real. We were together for 3 years before he took off. Kaya naniniwala akong kahit papaano naman siguro ay may totoo sa pinakita at pinaramdam niya sa akin. Kahit kaunti lang.

Balita ko sa States sila nagpakasal nang asawa niya at doon na rin nanirahan ng dalawang taon kaya hindi ko siya nakikita sa mga gatherings ng parehong pamilya namin. That's a relief on my part.

Napalingon ako sa katabi ko dahil sa biglang pagsiko niya sa akin. "Balita ko manonood daw si Jeremy at 'yong asawa niya," usisa ni Ate.

Tinanguan ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay sa naging sagot ko. Binalewala ko 'yon. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino sa araw na 'to. I just wanted to finished Lexa's game then uwi na. Mabuti nalang at hindi na nagtanong pa si Ate sa akin.

Hindi pa nagsisimula ang laban. Madami ang tao sa loob ng stadium. Nasa baba si Lexa kasama ang mga teammates niya.

"Here we go," Ate mumbled when Aklan's family was approaching in our direction.

Sinalubong namin sila. Nakipagbeso ako kay Lany at Niles—parents ni Aklan. "Just say the words, and I'll kick my brother out of this place," bulong ni Lany. I just smiled at her. Kahit siya ay hindi natuwa sa nangyari sa amin ni Jeremy. She sincerely apologized for his brother's assholery and stupidity. I heard she told Jeremy to never set foot in their home again. Nakakahiya daw ang ginawa niya sa akin.

Nagkamustahan lang saglit bago ko mapansin ang isang lalake na ngayon ko lang ulit nakita matapos ang dalawang taon, kasama nito ang buntis niyang asawa na si Siena. Balita ko ay panganay nila ang ipinagbubuntis nito.

Nakatingin lang ako sa kanila. Matapos ang ginawa ni Jeremy sa akin. Inaamin kong malaki ang epekto nito, dahilan na rin kung bakit linimitahan ko ang sarili ko sa mga relasyon. Kaya mahigit kong tinatanggihan ang mga blind dates na pakana ni Ate.

Plastik na nakipagbeso si Ate kay Siena at Jeremy. Hindi nakaiwas sa akin ang simpleng pag-irap niya sa ex-fiancé ko. Akala ko mag-aalala ako pero parang natatawa pa ako sa ginagawa ni Ate. At least may kakampi ako.

OFFSIDE (Suspire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon