Kabanata 13

207 9 8
                                    


Dumaan ang araw ay may bumili na rin ng bahay ko. I was planning on moving to a place near Eros when he insisted on having me stay at his condo.

"Sigurado ka ba?" I inquired when he brought up the subject.

Tumango siya. "Of course, I don't mind," he says. Magsasalita na sana ako ngunit may lumapit para magpa-picture sa kaniya. Kanina pa kami naiistorbo dito sa coffee shop na napuntahan namin. Ang daming gustong kumuha ng litrato kasama siya.

Hindi ko na masyadong pinansin at hinayaan na lang sila. In fact, the issues about him already subsided. Though hindi pa rin mawawala ang mga bashers sa internet ngunit hindi na namin 'yon pinansin.

I sipped my cappuccino and pondered about his offer for a moment. Hinayaan ko nalang nang may lumapit ulit sa kaniyang mga fans. Nakatitig ako sa kawalan at iniisip kung papayag ba ako na tumira sa condo niya. Minsan na akong natulog doon katabi siya. And it did make me feel better. Iyong pakiramdam na hindi ka nag-iisa.

"Girlfriend niyo po?"

"Soon."

"Ang ganda niya po."

Tumaas ang kilay ko nang marinig ang bulungan ni Eros kasama ang isang babae at lalake na mukhang mga estudyante. Hindi nila ako napansin dahil busy pa rin sila sa pag-uusap.

"She is beautiful," Eros agreed with a smile that made me blush.

Natawa ako sa isip ko at napangiti sa sarili dahil ang cute niyang panoorin habang bumubulong. Nagpaalam na rin 'yong dalawa. Eros turned his attention to me. There's still a hint of happiness in his eyes. Kahit siya ay natutuwa doon sa mga nakausap niya.

"Sige," biglang sabi ko sa kaniya. "Sa condo mo ako titira pero simula ngayon ako ang magbabayad ng mga groceries, kuryente at tubig," I negotiated.

"You don't have to do that," he said.

Umiling-iling ako. "Para may silbi naman ang pagtira ko doon," dahilan ko. Hindi pwedeng tumira lang ako doon ng walang ginagastos 'no. Kahit papaano ay may hiya rin ako.

Two weeks later. Eros assisted me on moving my stuff to his condo. Kaunti lang naman 'yon. Alam na rin ni Ate na may titirhan ako. Sa labas kami nag-dinner ni Eros at pagkatapos ay bumalik kami sa unit. Madami ang kwarto dito sa condo niya pero ang pinili ko ay 'yong malayo sa silid niya.

"You're too far," reklamo niya, sa kabilang side pa kasi 'yong kwarto ko at may namamagitan na pader bago ka makapunta roon.

Tumawa ako. "Baka magalit parents mo kapag tabi tayo matulog," dahilan ko.

"We already slept in the same bed once," he rebutted.

"Exactly. Tama na 'yong isang beses," sumbat ko.

This is our first night together. May respeto pa naman ako sa mga magulang niya. Malay mo pala very traditional sila tapos itong si Eros lang ang hindi. Atsaka baka kung ano pang mangyari mamaya kapag tabi kaming matulog. Though, that will be very great if we sleep together, because I don't feel alone when he hugged me. But I don't take any chances. Mabuti nang nag-iingat.

Walang nagawa si Eros nang magpaalam ako sa kaniya at nag-good night. Naging gano'n ang routine namin tuwing matutulog. We sleep in a separate room. At gabi-gabi ay nakakatanggap ako ng reklamo sa kaniya. This guy was adamant about having me sleep in his room.

» » »

I was cooking in the kitchen. Kagagaling ko lang sa shop and I didn't bother calling Eros to pick me up after work, instead I texted him that I'd take a cab because I knew he was busy. Padaan pa nga lang ako sa auto shop kanina ang dami nang sasakyan na nakaparada sa labas.

OFFSIDE (Suspire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon