Kabanata 17

221 7 13
                                    


Madalang nalang kami magkita ni Eros dahil abala siya sa training. Minsan ay ako na ang pumupunta sa bagong condo unit para bisitahin siya. Ayaw kong mapagod pa siya sa byahe para lang makita ako. Though, one time nagulat nalang ako nang maabutan siyang natutulog sa kwarto namin noon.

His coach decided on a three-day break before they resumed their trainings, so we went on a few dates. Pagkatapos ay bumalik din siya sa training.

Hindi siya nakasama gano'n din si Caneles sa Canada para sa labor ni Ate. Ako at si Lexa lang ang pumunta, pero umuwi rin kami agad dahil kailangang bumalik sa training ni Lexa.

I was talking to Ate Lissa on the video call. Uuwi din sila dito sa pasko.

"Asan si Billy?"

"Tulog na," masungit na sagot ng kapatid ko habang kumain pa ng ice cream sa kusina ng bahay nila. "Kailan kasal?"

I rolled my eyes. "Excited ka?" I countered back. "Wala pa nga kaming isang taon, kasal na agad sa isip mo?"

Inismiran niya ako. "Akala mo naman di rin pumapasok sa utak mo ang salitang kasal." Umiling nalang ako sa mga pinagsasabi ni Ate. Hindi ako nagmamadali tungkol sa kasal. I will wait for the right moment. Kahit umabot pa kami ng singkwenta bago magpakasal. Kung si Eros ang hihintayin ko. It will all be worth it.

Pinatay na niya ang tawag dahil umiyak bigla si Billy. Inayos ko ang mga gamit ko sa office at nagpaalam na maglu-lunch muna ako. Nauna na kasi silang lahat dahil may inasikaso pa akong papers.

Tumaas ang kilay ko nang mag-text si Caneles.

From: Caneles
PUTCHA KA! Sino si Mason?

Natawa ako sa natanggap kong message ni Caneles. It's about time! Ang tagal naman ni Mason. Umabot pa talaga ng ilang buwan. Hinihintay ko rin 'yong libreng ticket na sinasabi niya. Kaso hanggang ngayon wala pa rin.

To: Caneles
Gwapo 'no. Jowain mo 'yan.

From: Caneles
Gago, kung gusto mo sa'yo na! Masyadong gwapo!

Napatakip ako sa bibig ko at pinipigilang matawa dahil nasa loob na ako ng isang pastry shop. Nag-order muna ako ng tinapay at shake bago naghanap ng upuan.

To: Caneles
Akala ko ba gusto mo pogi na mabait? Ayan na. Arte mo.

From: Caneles
Mabait at pogi kako! Hindi sobrang bait at sobrang pogi! Di kami bagay nito, LETCHE!

Dumating na 'yong order ko kaya kumain na ako agad.

To: Caneles
Sobra ka din naman a. Try mo lang! Malay mo!

From: Caneles
Heh!

I grinned. After I finished eating, I walked out of the pastry shop. Mabilis akong sumakay sa kotse ko na bigay ni Eros. Binigay na niya sa akin dahil may sasakyan naman daw siya. Pagmamahal ko nalang yatah ang mai-offer ko kay Eros. Kulang nalang ibigay niya sa akin bank account niya e. Pati iyong dating condo niya sa Costa na tinitirhan ko ngayon ay pinangalan na niya sa akin.

Maaga akong nagluto sa unit at nilagay sa mga lunch box. Nagdala rin ako ng ilang mga damit. I took a two-day vacation. Mananatili muna ako sa bagong condo ni Eros malapit sa auditorium nila. He has no idea I'm coming, so I'm going to surprise him.

Susundin ko rin si Ate at Kuya Brandon sa airport next week kaya mas mabilis nalang ang byahe ko dahil malapit lang naman din doon ang condo ni Eros.

Tanghali na nang makarating ako sa bagong unit. I opened up the door with my spare keys. Wala pa siya, siguro nasa training. The lunch box was placed in the refrigerator para hindi na kami magluluto mamaya. Before placing my clothes in his closet, I took a shower. May mga bola ng football sa sahig at iba't ibang desenyo ng cleats sa shoe rack niya.

OFFSIDE (Suspire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon