Chapter 1 - Unang Pagkikita

7 0 0
                                    

"Simula ipanganak ako'y nag iisa
Okay lang sa akin dahil ako ay sanay na.
Ngunit tanong din lagi sa isipan na,
Kailan ba at kailan ko siya makikilala"

4:30 am ang laging gising ni Shiro para makapaghanda at unti-unti ginising ang kanyang mga kaibigan na kanya din mga kaklase. May nakahanda na pagkain sa la mesa ng magising ang kanyang mga kaibigan. Naligo na si Shiro at sinuot ang kanyang uniform dahil ngayon ang simula ng kanilang pagpasok muli. Pagkatapos magbihis ni Shiro ay agad siyang pumunta sa kainan para kumain at makipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan.

Shiro: Good morning mga tol at sainyong magagandang girlfriend

Wakasi: Good morning din tol! ano nakahanap ka na ba ng magiging girlfriend mo?

Shin: oo nga pree sa ilang taon na natin magkakasama ni isang beses di kita nakikita na may kasamang babae

Shiro: mga gago kayo HAHAHAHA uunahin ko pa ba yun ehh masaya naman ako kasama kayo kahit ilang taon na akong fifth wheel sainyong lahat.

Erimi: ano ba kayo Wakasi? paano magkakajowa yan ehh mas priority niyan na sumaya tayo.

Akiyo: true ang sinabi ni Erimi jan. di nga sana tayo magkakabalikan, Wakasi kung di ka tinulungan ni Shiro na puntahan ako kahit bumabagyo na

Erimi: oo nga, kung di rin nga ako pinilit neto ni Shiro na kausapin ka ulit Shin edi sana iba ang yung nakakasama niyo.

Shiro: di ko alam kung iniinsulto niyo ba ako o nagpapasalamat kayo sakin HAHAHAHAHA

Erimi: ano ka ba matagal na tayo mag best friend, Shiro, malamang asar yun HAHAHAHAHA

Nagtawana silang lahat at matapos silang kumain ay sabay sabay silang umalis ng bahay at naglakad papunta sa eskwelahan. Walking distance lang ang kanilang bahay patungo sa eskwelahan. Habang naglalakad ay napatigil ang magkakaibihan maliban kay Shiro. Nang makita nila ang school sila ay biglang namangha dahil sa ganda at lawak neto.

Shiro: huy ano ba kayo? ngayon lang ba kayo nakakita ng college school?

Wakasi: gago ka pree yung kwento mo sakin ang layo sa paningin ko. mag best friend ba talaga tayo pre? bat di mo sinabi na sobrang ganda pala dito.

Shiro: ikaw kaya nakapagtapos na ng apat na taon sa parehas na school tapos mag apat na taon pa ulit HAHAHAHAHAHA. Tara na baka maabutan pa tayo ng madaming tao sa paghahanap ng section.

Nagpunta na sa section board sila Shiro at ang kanyang mga kaibigan. Hinanap nila ang kanilang mga pangalan at si Shiro ang nakakita na nasa iisang section lang sila. sama-sama na naglalakad ng masaya ang magkakaibigan ng dumating sila sakanilang classroom ay nakahanap sila ng mga upuan na magkakatabi sila. Biglang dumating ang kanilang professor at sinabi na magpakilala muna isa-isa. Sumapit na kela Shiro at ang nauna ay si Wakasi.

Wakasi: Ako po si Wakasi Chikamoto. you can call me waki

Akiyo: My name is Akiyo Rakuyama. you can call me Aki

Wakasi: sorry mga pre jowa ko yan

Nagtawanan ang lahat ng nasa klase at nagpatuloy ang pagpapakilala ni Shin.

Shin: Hi ako si Shin Fujikasi

Erimi: my name is Erimi Chokosabe, taken by Shin Fujikasi. you can call me Erm

At bago pa magpakilala si Shiro ay agad tong nakilala ng kanilang prof. Nang magpakilala si Shiro ay nagkwento ng kaunti ang prof tungkol kay Shiro.

Prof: Mr. Matsumoto, ikaw ba talaga yan?

Shiro: Good morning po prof and classmates. Yes po ako po ito si Hoshiro Ezekiek Mastumoto.

Prof: Class si Mr. Matsumoto ay kakagraduate lang last year dito sa school na ito bilang Summa Cum Laude ng BA of Creative Writing. siya po ang pinakabatang grumaduate sa school na ito at pinakabata na grumaduate ng may pinakamataas na honor.

Nang matapos ang kwento ng Prof sakanila ay biglang may dumating na kaklase din nila.

Prof: good morning ms.

Girl: good morning po prof i'm sorry that i'm late.

Prof: it's alright, pwede ba magpakilala ka muna samin.

Girl: good morning my name is Kairi Herunandesu.

Napatingin si Shiro sakanya at biglang tumigil ang kanyang mundo. Napatitig siya ng matagal kay Kairi at parang may paru-paro ang kanyang tiyan. Sinampal eto ni Shin dahil ngayon lang nila nakita si Shiro na nagpatitig sa babae. Lumapit sa katabing upuan ni Shiro si Kairi at tinanong ito.

Kairi: hi may nakaupo ba dito?

Shiro: a-ano... w-wala pwede ka umupo jan.

Kairi: ayy salamat.

Shiro: hi ako nga pala si Hoshiro Ezekiel Matsumoto you can call me Shiro.

Kairi: Hi ako nga pala si Kairi.

Pinakilala ni Shiro ang kanyang mga kaibigan kay Kairi.

Shiro: ay oo nga pala, Kairi, mga kaibigan ko si Waki childhood best friend ko, si Shin ang long time friend ko din, si Aki ang gf ni Waki, at si Erm ang girl best friend ko at gf ni Shin.

Kairi: hi sa inyo!

Shiro's friends: hi!!

Nagkasama-sama ang magkakaibigan at si Kairi nang matapos ang kanilang mga klase. Nagikot-ikot sila bago sila umuwi. Nauna na ang mga kaibigan ni Shiro at nagpahuli siya para kausapin at samahan si Kairi.

Shiro: Kairi saan ka nga pala nakatira?

Kairi: Ahh ano jan lang sa may boarding house.

Shiro: Ahh okay, tara hatid na kita.

Kairi: Sure ka? Baka late ka na umuwi niyan pati malapit lang naman yun okay na kahit hindi.

Shiro: sige na ayos lang dalawang kanto lang naman yung layo nung bahay namin sa boarding house.

Naglakad na si Shiro at Kairi patungo sa boarding house. Masaya nagkwentuhan at nagtatawanan ang dalawa habang naglalakad. Dumating na sila sa boarding house at nagpaalam na ang dalawa sa isa't isa. Umuwi na si Shiro at nakaabang sila Shin at Wakasi habang naglalaro sa sala nila dahil sila ay nagtataka kung bakit huli nakauwi si Shiro samantalang siya lagi ang nauuna sakanilang bahay.

Shiro: *binuksan ang pinto* bat kayo ganyan makatingin?

Wakasi: san ka nanggaling pre? *nang-aasar na tanong*

Shin: oo nga pre, bat nahuli ka umuwi ngayon? *ngumiti kay Shiro ng nakakaasar"

Shiro: hayup kayo kung ano man iniisip niyo tigilan niyo ako HAHAHAHAHA hinatid ko lang si Kairi sa boarding house at magkaibigan lang kami. Tayo magkakaibigan na tayo.

Wakasi: pre kilala kita di ka ganyan sa mga babaeng nakilala mo HAHAHAHAHAHAHA

Shin: oo nga di ka din naman mahuhulu ng uwi at matagal kundi ka inlove HAHAHAHAHAHAHA

Erimi: hoy kayong dalawa tigilan niyo nga yan si Shiro. Minsan na lang yan mainlove pinapadeny niyo pa HAHAHAHAHAHAHA

Akiyo: oo nga minsan din yan matulala sa babaeng nagugustuhan niya HAHAHAHAHAHAHA

Shiro: ewan ko sainyo mga loko HAHAHAHAHAHAHA aakyat muna ako tas magbibihis muna ako tawagin niyo na lang ako pag kakain na.

Shiro's friends: okieee po Kairi HAHAHAHAHAHA

Ngumiti lang si Shiro at umakyat na sakanyang kuwarto. Nagbihis siya at nagpahinga. Iniisip niya pa din sa Kairi na parang di niya nakasama ito kanina. Hindi mawala wala sa isip ni Shiro si Kairi.

Sa mga sumunod na araw si Kairi ay napapalapit na kay Shiro at sa mga kaibigan neto. Halos araw-araw sila ang magkakasama at hindi mahiwalaya sa isa't isa. Niyaya ni Erimi si Kairi na sumama na lang sakanilang bahay si Kairi dahil may isa pang bakanteng kuwarto ang bahay. Masayang tinanggap ni Kairi ang pag-aya ni Erimi at lahat sila ay nagkatuwaan. Lumipat na si Kairi sakanila at as usual magkakasama sila lagi pero nadagdagan sila at mas sumaya.

Sa Tula NakasulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon