Chapter 7 - Valentines

1 0 0
                                    

"Lumalakas ang tibok ng puso
Nung ako'y tumingin sakanya
Nag-iiba ang pagtingin ko.
Hindi ko na ata gusto, mahal ko na ata."

Lumipas ang ilang linggo, Nililihim pa din nila Shiro at Kairi ang mga pangyayari nung isang gabi. Walang sinabihan si Shiro at wala din sinabihan si Kairi. Ilang linggo na din nagliligawan ang dalawa ng hindi alam ng kanilang mga kaibigan. Sa pagiging duda ni Erimi ay tinanong niya parehas. Si Shiro na matigas at di umaamin dahil gusto niya malaman ng kanyang mga kaibigan sa tamang panahon. Pero si Kairi dahil sa pamimilit ni Erimi ay umamin na ito.

Erimi: oy Kairi umamin ka na ba?

Kairi: hindi ayoko pa. *biglang namula*

Erimi: maniwala, bat ka bigla namula?

Kairi: mainit ehh

Erimi: umamin ka na nga?

Kairi: shhh. ang ingay mo talaga

Erimi: ikaw ha kelan pa?

Kairi: ilang linggo na din lumipas matagal tagal na. hays di ko talaga makakalimutan yun.

Erimi: hoy bakit? ano sinabi niya?

Kairi: gusto niya din daw ako *kinilig* nililigawan niya na din ako

Erimi: hoy totoo ba? oh my ngayon na lang ulit nangyare to ilang taon na din lumipas nag six years na bago ulit manligaw si Shiro.

Nagkwentuhan si Kairi at Erimi buong araw. Kinagabihan sa bahay nila ay nahahalata ni Erimi na magkausap ang dalawa ni Shiro at Kairi sa cellphone dahil sila ay nagtatago. Sumapit ang malalim na gabi ay nakita muli ni Erimi si Shiro sa balcony at sa laking gulat niya ay nakangiti at di maalis alis ang saya sakanyang mukha.

Erimi: Shiro ikaw ba talaga yan?

Shiro: huh? anong pinagsasabi mo jan? mukha ba akong may kambal?

Erimi: nakangiti ka tas ansaya-saya mo hindi ikaw yan.

Shiro: ehh magandang araw nama ngayon ehh kaya ganto. pati ayoko na maging malungkot nakakasawa.

Erimi: asus ayaw pa umamin. nililigawan mo lang si Kairi eh.

Shiro: *nagulat* paano mo nalaman?

Erimi: andun ako sa taas nung nag-usap kayo.

Shiro: uhmmmm...

Erimi: biro lang, sinabi niya sakin. kasi naman kayong dalawa ehh masyadong kayong pahalata nacurious tuloy ako.

Shiro: sasabihin ko na dapat sainyo kaso ayoko lang naman mangyari yung dati baka mabati HAHAHAHAHAHA.

Erimi: mahal mo na talaga Shiro?

Shiro: liligawan ko ba kung hindi?

Napatahimik na lang si Erimi at di na nagsalita. Ngumiti ito kay Shiro para ihatid na siya ay natutuwa para sakanya. Sumapit na ang araw ng mga puso at sila ay nasa school naghahanda para sa kanilang valentines ball sa susunod na araw, kahapon ay buong araw na wala si Shiro dahil gusto niy surpresahin Kairi. Tinulungan siya ni Erimi para magawa ni Shiro yun ng walang ibang nakakaalam.

Shiro: Erimi g na

Tumango na si Erimi at hinala si Kairi papunta sa lugar kung saan wala masyadong makakakita sakanila. Habang naghihintay sila Erimi ay agad na dumating si Shiro.

Shiro: ohh sana magustuhan mo. di ako masyado magaling sa mga surprise, hindi rin ako magaling sa mga patibong. Simple lang tong ginawa ko pero anjan lahat. Sorry kung walang balloons at flowers.

Kairi: uyy thank youuuu!

Shiro: babalik na ako ha baka malaman kung ano nangyare ehh. pati baka pagalitan na tayo ni ma'am may practice pa para sa ball.

Sa Tula NakasulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon