"Tayo'y muling naging isa,
Sana'y tayo ding hanggang dulo.
Gusto ko na ikaw ay lagi kasama,
At libutin natin ang buong mundo."Pagkagising ni Shiro ay agad din nagising si Kairi. Naghanda na sila ng kanilang umagahan bago pa magising ang apat.
Shiro: pen, ano oras pala natin kukuhain yung gamit mo?
Kairi: after na lang natin kumain.
Shiro: yung mga drawer at iba na meron na sa kuwarto iwan mo na lang ha and yung mga importante at sure na kailangan mo wag mo kakalimutan.
Kairi: yes pen.
Hindi alam ng dalawa ay nagising na pala si Wakasi at bumaba na. Hindi rin nila napansin na ito pala ay nasa pintuan ng kusina.
Wakasi: walang hiya ka Shiro, pangalawang araw palang may pen-pen na agad kayo.
Shiro: hayup kanina ka pa ba jan? HAHAHAHAHA
Kairi: chismoso mo naman Wakasi.
Wakasi: tulungan ko na kayo mamaya para mapabilis.
Shiro: wag na pre kami nalang. kung gusto niyo man tumulong ayusin niyo na lang yung kuwarto ko mamaya alam nila Akiyo kung ano gagawin sa kuwarto ko. kayo na din magluto ng lunch mamaya ha para di kayo magutom kasi baka mahuli kami onti
Wakasi: osige pree. kakain na ba tayo ng umagahan?
Shiro: patapos na to pre.
Kairi: gisingin mo na lang yung tatlo para makakababa na sila. nakapaglagay na ako eh.
Wakasi: hmm yung chef namin may alalay na ngayon ah.
Shiro: manahimik ka na lang jan at gisingin mo na yung tatlo.
Wakasi: yes daddy! *umalis na*
Kairi: bakit minsan daddy tawag nila sayo, pen?
Shiro: ehh parang ako yung tatay dito ehh. HAHAHAHAHAHA
Kairi: sabagay HAHAHAHA.
Shiro: *tinapos ang pagluto at niyakap patalikod si Kairi* hindi ko pa ba nakwento sayo kung bakit?
Kairi: hindi pa. kwento mo nga sakin
Shiro: si Wakasi noon kasama ko na talaga pero nagkahiwalay kami after kinder. Nung high school naman nagkasama na kami ulit ni Wakasi bagong lipat kaming tatlo nila Shin at Erimi nun. Tapos ayun nagkasama-sama kami lagi. Halos araw-araw magkasama kami ehh. Madalas kami nandun kela Wakasi noon kasi wala siya lagi kasama kung di ako. Si Wakasi kasi madami pang bagay na hindi pa alam nun kaya tinulungan ko siya sa mga gawaing bahay ganun. Sakin siya natuto ng mga bagay-bagay. Dahil nga dun ehh pinatira ako sakanila at parang naging pamilya ko na din. Hanggang sa tinulungan ako ni Mr. Koyama na magtapos ng Creative writing. 1st year college na ako nun tas sila Wakasi nasa grade 8 palang.
Kairi: so kaya daddy tawag sayo?
Shiro: kasi nung magsimula ako magtrabaho at mapagawa ko tong bahay eh sinama ko na sila dito. Lahat kasi ng magulang nila Wakasi eh isasama sana sila sa ibang lugar para dun na magtapos. Pero sila ayaw nila umalis kaya ayun sakin sila lumapit at tinanggap ko sila dito. daddy tawag nila sakin minsan kasi ako yung tumayong magulang nila simula grade 9 sila.
Kairi: ohh kaya pala. kaya din pala overprotective din sila minsan sayo.
Shiro: well ganun na nga. pero ngayon sayo din mararanasan mo yun lahat.
Kairi: tumira na ako dati dito diba kaya alam ko na yun hehe.
Shiro: oo nga pala nakalimot nanaman ako. tara na kain na tayo pen nakababa na pala sila.
Kumain na sila at nagkwentuhan na sila at nagsimula na din kumilos dahil lilipat na ulit si Kairi. Agad naman nagbihis sila Kairi at Shiro para hakutin na ang gamit ni Kairi. Nang makarating sa tinitigilan ni Kairi ay agad din sila nagsimula ayusin ang mg gamit niya. Biglang may nakita naman si Shiro na picture bago ang suicide attempt niya.
Shiro: pen, ano tong pic na to? first year pa tayo neto diba?
Kairi: tinago ko na nga to pero di nakita mo pa din pala.
Shiro: bat nga pala meron ka nito?
Kairi: naalala mo ba yung magising ka nung nasa hospital ka?
Shiro: uhmm oo.
Kairi: bago yun pinaprint ko yan kasi nakita ko na sobrang lungkot mo nung magthird year tayo. Tapos nangyare nga yung ginawa ehh namimiss kita. ilang buwan kita hindi nakita sa school and nalungkot ako. i don't know what to do, gusto kita puntahan nun sa bahay pero sinabi ng sarili ko wag muna. Kaya ayan yung tinitignan ko noon. Cute mo kaya jan.
Shiro: tago mo na to. noon pa yan, bago na ang kailangan natin. *nginitian si Kairi*
Kinuha na ni Kairi ang picture at tinago na. Nagpatuloy ang pag-uusap nilang dalawa. Nang matapos ay agad na sinakay nila Shiro sa sasakyan ang mga gamit ni Kairi at si Kairi ay namaalam na sa kaniyang mga kasama dati. Bumalik na sila sa bahay at inayos na ang gamit nilang dalawa ang gamit ni Kairi. Habang inaayos ni Kairi ang gamit niya sa closet ay meron din siyang nakita na bracelet na binigay ni Kairi kay Shiro.
Kairi: pen, nakatago pala to dito?
Shiro: ahh oo tinago ko yan kasi sa tuwing nakikita ko yan parang may pumapasok sa isip ko na nakasama ata sa nakalimutan ko. kaya ko din tinago ko yan kasi alam kong mahalaga yan bago ako makalimot at gawin yung nangyare dati.
Kairi: ako nagbigay sayo neto noon. lagi kita nakikita na suot mo ito hindi mo nga to tinatanggal eh. pero tago mo na to nakaraan pa yan may bago tayong ilalagay para sa atin.
Napangiti na lang si Shiro at tinulungan na si Kairi ayusin ang kaniyang mga damit. At sa araw na iyon ay dun na nagsimula ang panibagong mga alaala na bubuoin nila.