Chapter 9

33 3 3
                                    

When I received the money, I quickly went to the bank and withdrew everything in cash bago pa ma block ni tito william ang account ni Louissa. 

Kasabay nito ang pag bili ni kuya ng ticket. We're executing everything for an hour. 

Sakay sakay ng SUV ng dumaan ito sa campus. Idadaan ko ang pera kay Devon at didiretsyo na ako ng airport para makita si Louissa. Pag kababa ng sasakyan ay naka recieve kaagad ako ng tawag mula kay Gianna kaya mabilis ko itong sinagot. 








" Hello ... " 






" A-Ate ... " 

Napahinto ako sa pag lalakad. Hindi ko napigilan ang sariling kabahan. Gianna is crying. 







" G..Gianna what happened? " 






" A..Ate si .. Ate Louissa .. sinampal ... sinampal siya ni tito william at pinalayas .. Ate hindi namin alam ang gagawin ... kasama mo ba siya? " 

Nag simula ng mamuo ang luha saking mga mata. Hindi ko nakayanan ang mga narinig. I let out a heavy sigh and composed myself.








" Shhhh ... she will be fine .. okay" 







" Ate ... "  Mas nasaktan ako ng humikbi ito. 







" Shhh... Louissa will be fine ..  t-trust her. " 







" Alam mo ba kung nasan siya?" 

Nawala ang boses nito at pinalitan ng boses ni Austin. 






" Akiko! kasama mo ba si Louissa? Alam mo ba kung nasan siya? ... Akiko please! Tell us... we're freaking worried!

Pag susumamo ni Austin. Gusto ko mang sabihin na nasa mabuting kalagayan siya pero nangako ako kay Louissa na hindi ko sasabihin kahit kanino ang kanyang plano. 






"  Sorry Austin ... I don't know what to say... Just .. just trust Louissa ... just trust her. " 

I quickly ended the call and walked quickly to the campus. Nabalitaan ko kay Louissa na hindi pumasok ang kanyang kapatid at mga pinsan tila binabantayan talaga ang bawat galaw niya. 



Diretsyo ang lakad ko  sa engineering building napahinto lang ako ng makita si Devon na sukbit ang lumang bag habang nakatayo sa harapan ng wooden table sa gilid ng engineering building. Inaayos ang papel habang papalit palit ang mata sa papel at cellphone. 

Inilapag ko sakanyang harapan ang sobre na punong puno ng pera. Tiningnan niya ito at ibinalik sakin ang paningin. Wala na akong pakielam kung makita niya akong naiiyak. 






" Galing yan kay Louissa.... " Tinalikuran ko ito pero mabilis niya akong hinawakan sa braso at iniharap sa kanya. 





"What did she do?"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang kanyang boses. Naagaw pa namin ang atensyon ng ibang studyante na naka tambay malapit sa pwesto namin. 






"She chose to save you over the whole Henderson."

Love In Chaos ( HENDERSON SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon