Chapter 13

22 3 1
                                    

Maaga akong nagising dahil sa lakad namin ni Geon. Sabi niya kasi kagabi ay susunduin niya ako kaya inagahan ko ang pag gising at baka maabutan niya pa akong walang ayos. 

Naligo ako at inayos ang sarili. Wala rin naman siyang sinabing lugar kaya medyo hesitant pa ako sa gustong suotin. 

Hanggang sa pinili ko na lang ang isang sleeveless white shirt na may naka tatak na BE KIND at pinartneran ko ng pantalon. 

Itinali ko ang buhok at nag lagay ng konting liptint. It's better to wear a comfortable outfit lalo na hindi ako sigurado sa pupuntahan namin. Saka kung hindi niya magustuhan ang suot ko pwede naman akong umuwi at mag palit. 

I looked at my body mirror and smile.  I need to stay calm today at bawal ako kiligin. Sabi nga niya kagabi 



WE'RE GOOD FRIENDS.







" Come in .. "  sumilip at iniluwa ng pintuan ang isa  naming housekeeper. 





" Yes? " Tanong ko rito






" Ma'am Akiko andito na po si sir Geon at ipinapatawag na rin po kayo ni Madam Alison. " 






" Susunod na ako. " Ngumiti ito bago isinara ang pintuan at ang lintik na puso ko ay nag uumpisa na namang dumaungdong. 

Hinawakan ko ang dibdib at pilit na pinapakalma. 







" Pambihira naman oh! Ang sabi ko kalma lang tayo ngayong araw .. bakit nag iingay ka na naman? " 





" AKIKO DAPHNE!!!! " 

Napatalon naman ako ng marinig ang boses ni Mommy kaya dali dali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng sala. 


I saw Geon wearing his usual outfit. Black shirt ang khaki short. Naka hinga naman ako ng malalim ng parehas kaming simple lang ang suot. 

Sabay pa sila ni mommy na napatingin sa gawi ko. I saw Geon little smirked, kung ano ang liit ng ngiti niya siya naman ang laki ng ngiti ni mommy. 







"Oww, here she is..."" 







" Good morning " bati niya saakin






" Good morning rin .. kanina ka pa? " tanong ko rito. 






" five minutes ago .. are you ready.. We'll eat outside. " - Geon

Humarap naman ako kay Mommy na mukang mapupunit na ang labi sa sobrang pag ngiti. Gustong gusto niya ang napapanuod niya. 








" Sa labas na daw kayo kakain anak .. sige na gumayak na kayo para maaga kayo makauwi .. mag pakabait ka kay Geon ahh. " 







" Mom! " Saway ko rito pero tumawa lang si Geon. 






" Mauna na po kami tita .. Aalagaan ko po siya. Iuuwi ko po siya bago mag gabi. " 






" No no no Geon .. It's fine take your time hahaha " 

Love In Chaos ( HENDERSON SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon