Chapter 3

56 4 4
                                    

Time past by, napapansin ko ang sariling hindi na maalis ang paningin kay Geon. 

Louissa knows that I really admire Huxley's features and brain cells. Hindi naman na bago yon sa mga pinsan niyang Henderson lalo na mismo kay Huxley dahil palagi nila akong nahuhuling naka titig rito. Inaasar na nga lang nila ako at nasanay na lang pero hinipan na ng hangin ang pag tingin ko. 


Ang dating mata na naka tingin kay Huxley Connor ay palagi ng naka samid kay Atticus Geon.  Hindi ko nga alam kung bakit walang nakaka pansin sa kanila. 

Dahil dati kahit nakaw na tingin lang sa panganay ng mga Henderson ay huling huli ako, ngayon naman ay wala talaga nakaka pansin. Hindi ba obvious?hindi ba? 



Every time na sumasabay ako sa kanila mag break ay hindi ko maiwasang mapangiti lalo na tuwing naamoy ko ang pabango niya. Makita nga lang ang nakataas niyang mga buhok sa ere ay natutuwa na ako, lalo na siguro pag mag kakasama kami para akong tanga tanga na ngumingiti sa gilid na akala mo ay nakawala sa mental hospital.



Natigil lang ang pag papantasya ko ng isang araw ay nahuli niya akong naka titig sa kanya habang naka ngiti. Nangyari ito sa rooftop nila nang nag plano sila mag celebrate dahil tapos na ang buong sem at aapak na sa Brooklyn University si Chase at Gianna. 

Habang nag kakasiyahan sila at nag sasayawan sa rooftop ay naka upo naman ako sa tapat ng maliit na bonfire, naka titig kay Geon na ngayon ay pinapanuod si Austin at Winter na sumasayaw. Nang matawa ito ay hindi ko na naman maiwasang mapangiti hanggang sa mag tama ang mata naming dalawa at doon ko naramdaman ang matinding kaba. 

Kakaibang kaba na first time ko lang maramdaman saking buhay.


Mabilis kong iniwas ang mata at pilit na tinutuon kila Gianna at Chase na sumasayaw na rin pero ang mata ko ay hinihila talaga pabalik kay Geon. Kaya ayon nga ang ginawa ko at doon na ako na freeze dahil naka titig na rin ito pabalik sakin. 

Habol habol ko ang hininga ng kinapa ang kulay itim na purse. 




" L-Louissa ... " natataranta kong tawag  sa kaibigan. 




" Oh? " -Louissa 

Lumapit ito sa inuupuan ko at inakbayan ako kaya inilapit ko ang bibig sa kanyang tenga para bumulong dahil malakas rin ang music. 





" Uuwi na ako ..." 




" BAKIT KA UUWI? WALA KA PANG ISANG ORAS DITO! " 

Hindi ko naman maiwasang mapa pikit ng mag tinginan silang lahat sa pwesto namin. Sino ba namang hindi mapapa tingin kung sa simpleng tanong ko lang ay sasagutin ako ng isang malakas na sigaw. 






" Sinong uuwi? " dagdag ni Austin 





" Uuwi kana Akiko? mamaya na nag sisimula pa nga lang tayo eh! " -Chase 





" A-Ano kasi ..." 


Napatingin ako kay Louissa at mabilis na nag isip ng alibi para makauwi na pero ang Austin na ito ay pinatay pa ang music, lahat tuloy ng atensyon nila ay natuon saakin. 

Nag tama ang mata namin ni Louissa at kumurba ng pasalubong ang kanyang kilay kaya bago pa ako mahuli ay kinuha ko na ang maliit na purse at mabilis na tumayo. 






Love In Chaos ( HENDERSON SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon