Chapter 5

53 4 2
                                    

Walang habas na tinodo ni Austin ang volume ng music. Habang si Winter naman ay tumayo pa sa couch para sumayaw sayaw. 

Kitang kita sa kanilang lahat na nag eenjoy sila at talagang ito talaga ang paraan nila para mailabas ang stress sa pamilya. 







" This is better than our  event. " -Gianna 





" Very true! " -Winter 

Sumasayaw sila sa malakas na music habang ako ay naka tayo lang at naka sandal sa grills habang may hawak na baso ng pineapple juice. 






" Are you enjoying? " 

Muntikan ko nang maibuga ang pineapple juice sa muka ni Geon. He's being himself again. Ngumingiti na parang walang alam sa mundo, Ngumingiti na parang hindi komplikado ang buhay at ngumingiti ng hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya. 







" Y-Yes ... " 





" I'm observing you Scott .. muka ngang enjoy na enjoy ka sa pineapple juice na hawak mo." 

Hindi ko naman maiwasang kabahan ng sabihin niya iyon sakin. Ang ibig niya bang sabihin ay kanina niya pa ako pinapanuod? 







" I'm observing everyone .. gusto kong masigurado na nag eenjoy ang bawat isa." 

Napa ngisi naman ako sa sagot niya tila ba alam na alam na niya ang inisip ko. Ako naman itong siraulo nag iimagine pa ng kung ano ano. 





"  Hahaha ganon ba?" 

Ngumiti lang ito sa harapan ko at tumabi. Hindi ko naman maiwasang kabahan. Nararamdaman ko na naman ang  puso ko na kumakawala.






" Gusto mo si Huxley right?"

Napalingon naman ako rito na ngayon ay nakatingin kay Huxley at mabilis na inilapat ang paningin sakin. Kinabahan naman  ako sa paraan niya ng pag tingin. 

At doon lang ako napaisip na ang dating pag hanga kay Huxley ay nalilipat na kay Geon. Never kong naramdaman ang ganitong kabilis na tibok ng puso  ... maliban sa lalaking katabi ko. 







" Silent means .. yes? "  mahina niyang tanong.






" Everyone likes Huxley ... every girls dream .." 






" So kasama ka pala sa everyone na yon? " 

Hindi na ako naka sagot dahil sa mabibigat niyang pag tawa. Mabilis itong tumango tango at pinaikot ang alak sa baso na kanyang hawak. 








" Kahit doon sa building namin ay habulin yang si Huxley .. pati nga seat meat ko kinukulit ako sa kanya." 

Tinitigan ko naman ito at pinaulanan na naman ng papuri saking isip. Makikita sa mata niya na hindi man lang siya nakakaramdam ng selos sa pinsan, proud na proud ang kanyang mata. 






" You like him .. as a friend right? " 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya kaya hindi ko naman maiwasang kabahan.







"Yeah ... I like him .. as a friend. " 






" Mabuti kung ganon! Dahil kung gugustuhin mo siya higit sa kaibigan ay hindi ka papasa sa kanya hahahaha." 

Love In Chaos ( HENDERSON SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon