Chapter 1

72 5 0
                                    


" Daliaan mo na Akiko! Palagi na lang tayo na lalate sa mga special events .. bakit ba ang tagal mong kumilos? "

Hindi ko pinansin ang pag bubunganga ni Mommy at mas pinag tunan ng pansin ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Maganda ba ang suot ko?




" AKIKO DAPHNE! KAILANGAN PA BA KITANG PASUKIN DYAN SA LOOB NG CLOSET MO? "

Binuksan ko ang pintuan at nakita ang maganda kong ina na naka pamewang saking harapan at naka taas ang makakapal at perpektong kilay. Naka suot siya ng isang designer dress at isang mamahaling bag mula sa Iris echantee boutique.








"Calm down, Mom... I'm fixing my makeup.""





" You don't have to put anything on your face Daphne .. kahit saang anggulo ay maganda ka na! "

Nag lakad naman ako papalapit sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Kahit kailan talaga napaka supportive niyang Mommy.






" Let's go? " ngiti ko rito kaya sabay na kaming bumababa ng kwarto at sumakay saming SUV.


Ngayon ang launching ng bagong product ng mga Johnson kaya masyadong nag mamadali si Mommy at ayaw na ayaw niyang nahuhuli sa pamilyang iyon.

Bumaba kami sa harapan ng Cobb suites kung saan palagi ginaganap ang mga malalaking events sa business world. Paano ba namang hindi? Napaka ganda at napaka elegante ng bawat kanto ng buong venue na ito.



Pag tapak pa lang naming ng entrance nag simula ng mag kislapan ang mga flash mula sa ibat ibang camera kaya wala naman akong nagawa kung hindi ang tumingin sa bawat isa at pomosing gaya ng ginagawa ni mommy. 

Nasanay na lang ako na ganito palagi tuwing big event's. Kailangan presentable kang tingnan dahil pag pasok mo sa loob ay makakaharap mo ang ibat ibang klaseng negosyante at kilalang pamilya.






Diretsyo lang ang lakad namin ni Mommy, Maingay ang venue at mukang masaya ang lahat ng nandito. Naka tuon lang ang mata ko sa likod ni Mommy na diretsyo ang lakad, hindi ako pwedeng umalis sa tabi niya lalo na pag wala niyang approval. Pinapayagan niya lang ako umalis pag kasama ko si Louissa. 







" Good evening Charity ... "

Bati ni Mommy. Isa sa asawa ng mga sinaunang Johnson. Tumingin ito sa gawi ko at ngumiti ng napaka laki.






" My daughter .. " sagot ni Mommy kaya nag lakad na ako papalapit rito at bumati. Hinalikan naman niya ako sa pinge at inakap ng sobrang higpit.






"She's so pretty, Alice." –Mrs Charity




" Ang gandang bata naman ito! Anak mo ba ito Alice? "

Napatingin naman ako sa isang magandang babae na hula ko ay kasing edad lang ni Mommy. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita pero kamukang kamuka nya si ...





"Nice to meet you, Iha. I'm Zamia Johnson. What's your name?"

Love In Chaos ( HENDERSON SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon