Chapter 2

61 5 0
                                    

Nilingon lingon ko ang parking at sinilip ang sasakyan ng mga lalaking Henderson. Nang makita ang sasakyan ni Huxley, Chase at Austin ay napakamot na naman ako ng ulo dahil paniguradong kay Geon na naman sumabay si Louissa. 

Mabilis akong nag lakad patungo sa kiosk at umupo sa bench at halos mapatalon na naman ako ng tumabi sakin si Austin na ngayon ay na ka jersey at naka taas ang mahahabang buhok. 






" Sinong inaantay mo? " -Austin 






" Bibigyan mo ba ako ng sakit sa puso Aust? " 






" Wala naman akong ginagawa! Saka ayan na yung inaantay mo oh! " 

Mabilis ko namang nilingunan si Louissa na kasabay si Geon, hindi ko naman alam kung bakit abot langit nanaman ang tahip ng puso ko. 






" Kanina kapa dyan? " tanong ni Louissa ng makalapit ito





" K-Kakarating ko lang."






" Eh bakit pawis na pawis ka? " -Louissa




" Mainit kasi .. tara na baka malate tayo." 

Hinawakan ko na ito sa braso para maka alis na sa pwesto ng mga pinsan niya. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako eh hindi naman ako ganito. 




" Mauna na kami! " sigaw ni Louissa sa mga pinsan niya dahil hindi ko na talaga pinalampas ang oras para makatakbo. 






" Andyan naba ang professor natin Akiko? " -Louissa





" Hindi ko alam. " 






" Eh bakit ka nag mamadali? " 






" H-Hindi naman ahh.. " 






" Anong hindi? Eh kinakaladkad mo nga ako eh. " 

Hindi ko na lang ito pinansin at humanap na lang ng uupuan naming dalawa.  Nang maka upo na ay tinitigan naman ako ni Louissa kaya mas kinabahan ako. 







" May problema ba Akiko? "


 



" Hmm? " 


Tinaas ko ang kilay dito at pinapakitang wala namang problema kahit alam ko sa sarili na napaka weird na ng inaakto ko.

Mag sasalita pa sana siya ng dumating na ang lecturer ngayong araw. Umayos kaming dalawa ng upo at humarap sa lecturer.

Wala naman itong ginawa kung hindi ang mag discuss ng mag discuss. Napatingin naman ako kay Louissa na busy sa pag jojot down habang ako ay lutang na lutang na sa kakaisip kung paano ako makakaiwas sa kanila.

Love In Chaos ( HENDERSON SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon