Chapter 4

22 1 0
                                    

Simula nung makita ko sya ng gabing yun. Di na ako makatulog ng maayos. Nagayuma na yata ako.

Maraming beses kong hiniling na sana magkita kami ulit. Kung alam ko lang sana kung saan siya nakatira siguro napuntahan ko na.

Alam nyo yun? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko unang kita ko pa lang sa kanya. Ito na ba yung tinatawag nilang Love at first sight?

Pero kahit na wala siya sa matinong postura nung magkita kami, ang ganda niya pa rin.

Yung bruhang babae lang talaga ang tanging pag-asa ko para makita ko siya uli. Yung pinsan nya. Pero papaano ko kaya papakiusapan yun?

Nakauwi na nga pala kami galing Peoria. Back to school na naman uli.

Sa gate nakasabayan ko pagpasok yung pinsan ni Ara.

Matanong nga.

"Hi! Nasaan na nga pala yung pinsan mo?"

"Ikaw na naman? Bakit mo ba hinahanap?"

Nasa hallway na kami ng school. Naglalakad patungong classroom.

"Anong masama sa pagtatanong? Teka! Di ko pa pala alam ang pangalan mo. Kalimutan mo na yung nangyari, nung unang pagkikita natin. Medyo masamang pangyayari yun. Nagalit ka tuloy sa'kin."

"Buti naman alam mo?! Cassandra ang pangalan ko." Huminto sya sandali upang tingnan ako. "Bakit mo pala hinahanap ang pinsan ko? May gusto ka na ba dun? Ang bilis naman!"

Sabi nya habang papasok na ng classroom. At sinundan ko naman.

"Ewan ko nga ba. Di ko maintindihan ang sarili ko."

Nakaupo na kami ngayon. Tumabi ako sa kanya.

"Na-Love at first ka sa kanya? Naku! Iba talaga ang kamandag ng pinsan kong yun. Lahat nalang yata ng lalake, hindi nakakaligtas sa kanya. Lahat ng nakakakita, nagkakagusto na kaagad sa kanya!"

"Sino naman kasing hindi!" Sabi ko naman.

"Kaya nga yung bahay namin, naging bodega. Sa dami ba namang flowers, stuff toys, cards, at chocolates ang nandun. Kaya ikaw? - - - " Turo niya sa'kin. " - - - wag na wag kang magkakamaling magbigay ng mga yun. Hindi na kasi effective yun sa kanya!"

Bigla akong natawa sa sinabi nya.

"Grabe ka. Hindi pa nga ako nanliligaw binabalaan mo na!"

"Mas mabuti ng alam mo! Hindi pa kaya nagka-boyfriend yun. Ewan ko nga ba!"

"Talaga? Hindi pa?"

At tumango lang siya.

Natuwa naman ako sa sinabi nya.

Ibig sabihin, may chance pa.

Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating ang aming subject teacher.

<< fast forward >>

...

...

Tapos na ang klase.

Bigla kong naisipang pumunta sa Spring Park.

Bibili na sana ako ng makakain nang may narinig akong pamilyar na boses malapit sa kinaroroonan ko.

Agad akong tumalikod.

At isang magandang mukha ang bumungad sa akin.

"Why? Bibili ka ba? O titingin ka lang sa'kin?" Aniya.

Na-shocked naman ako sa naging reaction niya.

Teka? Di nya ba ako matandaan?

She Is A Genie/Fall Inlove With A GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon