Chapter 9

0 1 0
                                    

Dale's P.O.V

Nakalipat na si Dad sa kanyang room dun sa hospital. At balik skwela na naman ako.

Habang naglalakad, nakasalubong ko si Cassandra.

"Ui Cass? Asan pinsan mo?"

"Ewan ko. Bakit ako tinatanong mo? Tanungan ba ako ng mga nawawala?"

Kahit kelan talaga, ganyan yang sumagot.

"Sige, salamat." Nagpasalamat pa rin ako sa kanya kahit na nakaka-badtrip siya. Kahit kelan talaga di ko ma-imagine ang sarili ko na ma-inlove sa kanya. Oo nga't maganda siya pero wala eh. Mabuti pa si Ara, sobrang bait na, sobrang ganda pa.

. . .

After class, nakita ko rin si Ara sa wakas. Nakaupo siya sa may park.

"Hey?!" Bati ko sa kanya. Tumingin siya at ngumiti.

"Hi Dale. Kumusta na Dad mo?"

"He's okay now. God answered my prayer. And thanks to you."

"Huh?" She asked with a confusion look.

"Yeah! Yung about sa winish ko, natupad kaya yun."

"So? Naniniwala ka dun? Hehe."

"I don't know pero salamat pa rin. Hulog ka yata ng langit sa'kin. Simula nung dumating ka, everything has changed."

"Hahaha. Wala yun. Siguro mabait lang talaga ang Dad mo kaya siya binigyan ng second life."

"Yeah it's true. He's too good. That's why nangyari yun sa kanya. Gusto nilang e.take over ang company namin."

"Ah! Kaya pala nangyari yun. Paano yan? Sa tingin ko, di titigil ang mga yun na gumawa ng masama hangga't nandyan kayo."

"Yeah. I also think of that. Subukan lang nila. Ako ang makakabangga nila."

"Wow. Wag ka ngang magpaka-bayani Dale. Life is too short and life is only one. I'm sure madaming iiyak sayo."

"At isa ka na dun, ganun ba?"

"H-huh? Ah. Eh. O-oo n-naman. Syempre. Baka kasi multuhin mo ako."

"Yeah. Mumultuhin talaga kita pag umiyak ka."

"Hahaha. Kaya nga wag na wag mo akong hahayaang umiyak."

Kung nagtataka kayo bakit Dale na ang tawag niya sa akin. Kasi naman napagkakamalan kaming magsyota. Kesyo may tawagan na daw kami. Kaya yun, na-awkward si Ara. Ayaw na daw niyang tawagin akong Alladin. Lahat daw ng tao kahit ano pang gawin mo, meron at meron daw sasabihin. Mapa-positive man o negative. Well, tama naman siya dun.

"Tapos na class mo?" Tanong niya.

"Ah yeah. Ikaw ba?"

"May last subject pa ako." May bigla akong naisip.

"Ah sige, hintayin nalang kita dito."

"Huh? Wag na. Mauna ka ng umuwi."

"Hihintayin nga kita." Pagpupumilit ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya ng may pagtataka.

"Kain tayo sa labas." Paanyaya ko sa kanya.

"Huh? Anong meron?" Nagsalubong ang dalawa niyang kilay.

"Wala naman. Kain lang tapos pasyal-pasyal." Tapos nginitian ko siya.

"Hahaha. Libre ba yan?" Bigla siyang ngumiti.

"Oo naman noh. Yayayain ba kita kung hindi."

"Siguraduhin mo lang."

"Oo. I'm sure. So ano na?"

"Okay."

"YES. . ."

Nagulat siya ng bigla nalang akong nagtatalon. Masyado lang kasi akong natuwa.

"Hoy Dale. Para kang baliw. Kung makatalon naman 'to at makasigaw parang sinagot ng nililigawan niya. Hahaha."

"Ay, hindi pa ba?"

"Hahaha. Anong akala mo? Sige na pasok na ako sa room namin."

"Okay. I'll wait here."

At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. The End. Joke lang. Hahaha.

* * *

Arabella's POV

Maagang natapos ang klase. Imbis na 4:30 pm pa ang labasan. 3:30 pm pa lang tapos na kami.

"Goodbye Sir Luke." Sabay naming tugon ng mga kaklase ko sa instructor namin.

"Goobye Class. See you next week."

"Si sir oh patawa!" Sabay halakhak ni Greg.

"Pauso ka Sir!" Wika ni Kyline.

"Huh? What's wrong with that? Next week naman talaga dahil once a week lang naman ang klase ko sa inyo hindi ba?" Naguguluhang tanong ni Sir Luke.

"Hay naku Sir makakalimutin ka na. Diba ikaw ang mag a assist samin bukas?" Saad ni Charlene.

"Yeah yeah just kidding!" Tawanan kaming lahat.

Tuluyan ng umalis si Sir Luke at lumabas na rin kaming lahat sa classroom.

Nagulat ako ng makitang nasa harapan ko na si Dale.

"Bakit ka pa nagpunta dito?"

"Ah!  Nakita kasi ako ni Greg. Ang sabi niya puntahan nalang daw kita rito kasi tapos na klase niyo!" Pagpapaliwanag niya.

"O-okay!  Ano? Tara nah?" Yaya ko sa kanya.

Tulad ng sinabi niya. Kumain lang kami tas pasyal-pasyal.  Yun lang naman ang nangyari. Pagkatapos nagpaalam na kami sa isat'isa.

She Is A Genie/Fall Inlove With A GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon