DALE'S point of View
Natapos naman ang party ng maayos. Thank God at hindi sila nag away away dun sa event. Balita ko kasi pinalampas nalang ni Bela si Margaux dahil ayaw nyang masira ang event na para sa kanya. Tsaka baka masira pa ang pangalan nya sa media.
Pasukan na muli.
Nasa bench kami ng mga kaibigan kong sina Fred, Zedd, Pat, Renz, Yuki at Greg. Nanunuod ng mga nagsa soccer sa field.
"Dude how's the party?" Tanong ni Frederick na nasa kanan ko.
"Oo nga pare. Nalaman namin nagkita kita pala ang mga babae sa buhay mo." - Dagdag ni Zedd na may nakakalokong ngisi.
"Ayos lang ang party! At ano bang pinagsasabi nyo mga gonggong? Eh alam nyo namang si Ara lang talaga ang gusto ko diba?" Sagot ko sa kanila.
"Alam naman namin yun noh. Eh pano si Bela?" - Si Yuki naman ang nagtanong.
"Alam naman nyang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya." Malumanay kong sagot.
"Kawawa naman. Ibigay mo nalang sakin." Saad ni Renz na medyo nag puppy eyes.
"Yuko nga. Alam kong hindi ka mapagkakatiwalaan. Tantanan nyo ako ah!" Bulyaw ko sa kanila.
"Eh si Margaux? Alam naman naming patay na patay yun sayo." - Gregory
"She's crazy dude!" - Zedd
"Basta pare mag ingat ka lang. Iba ang nagagawa ng pag ibig!" Pagpapaalala ni Patrick sa akin.
"Oo na. Alam ko yun. Salamat sa inyo."
Laking pasasalamat ko talaga at andyan ang mga kaibigan ko. Handang makinig at magbigay nga advices.
"Wala ba kayong mga klase at iniistorbo nyo ako?" Pag iiba ko ng topic at isa isang tiningnan ko sila.
"Teacher's meeting remember?" Sagot ni Patrick.
"Guys stop. Do you know that pretty lady?" Tanong ni Renz habang nakatingin malapit sa Faculty Room.
"Where?" Palinga lingang tanong ni Greg.
"Dude she's going this way." Yuki excitedly said.
Pagtingin ko I was dumbfounded. Anong ginagawa nya dito?
"Hey Dale. I was looking for you." She said while smiling. "Uhm! Hello guys!" She even greeted my friends ng kumakaway.
"You know each other dude?" Frederick asked me with a confusion look.
"Yeah!" Sagot ko at itinuon ang pansin kay Bela. "What's the matter Bela?" I curiously asked her.
"Wait guys. What's the relationship between the two of you?" Sabat ni Patrick sa usapan.
"I'm her bestfriend.. and soon to be wife." The hell Bela. Ayan ka na naman.
"What?" Di makapaniwalang sigaw ni Zedd.
"Damn! Engaged ka na pala pare." Medyo nanghihinayang na saad ni Patrick.
"Pinagsasabi nyo? Niloloko lang kayo nitong bestfriend ko. Mga uto-uto." Tatawa tawang tugon ko sa kanila.
"Hehe. Peace guys!" Pacute na sabi ni Bela ng naka peace sign.
Si Yuki, Greg at Renz ay tahimik lang.
"At anong problema nyong tatlo?" And I looked each one of them.
"Hoy Renz! tulo laway ka bro." Sabat ni Patrick at tinignan si Renz na kanina pa pala nakanganga.
Nagtawanan kami. Parang tanga talaga. Makakita lang ng maganda mukha ng ewan.
"Ha? Sinong tulo laway? Bakit ba? May nakita kayong laway na tumulo mula sa bibig ko? Diba wala?" Pagtatanggol ni Renz sa sarili.
At muli na naman kaming nagtawanan. Nilibot namin si Bela sa buong Springfield University.
The reason why she's here.. it's because inenroll pala sya ng parents nya. Sa mismong paaralan namin at bukas sya magsisimulang pumasok.
"Yey ganda ng school nyo Dale! Sayang.. I need to go home early." She pouted.
"It's okay Bela! Papasok ka na naman bukas." I answered.
"Yah right!" Epal talaga tong si Renz.
"Sige guys.. Gotta go!" Pamamaalam ni Bela bago umuwi sa bahay. Kumaway naman sa kanya ang mga gonggong.
Alam naman na nila na sa bahay tumutuloy si Bela. Nagulat lang sila kanina dahil hindi naman nila kilala ang hitsura nya maliban sa binigay kong pangalan sa kanila.
"Uy.. May laban din pala itong si Bela ha!" Ani Renz.
"Anong laban Renz?" Tanong ni Zedd.
"Oo nga.. San ba sya lumalaban?" Yuki asked.
"Tangek! What I mean is may laban sa kagandahan." Sagot ni Renz.
"Klaruhin mo kasi." Sabi naman ni Greg.
"Magkasing level lang sila ni Arabella." Si Frederick naman ang nagsalita.
"Speaking of Arabella.. Tsaka Bela? Hmp magkapangalan pa pala ang dalawa!" Sabi ni Patrick na parang matalino kung mag isip.
"You got a point! But I think Ara is much prettier than Bela." - Gregory
"Yeah mapa Fame and Beauty kaya yun!" Panggagatong ni Yuki.
"Exactly.. Plus Dale loves her! Ayieee" Sabi ni Renz ng may pasundot pa sa tagiliran ko.
Bigla naman akong namula. Parang bakla lang. Hahaha. Eh sa kinikilig ako basta tungkol kay Bela eh!
"Speaking of Arabella." - Patrick
"Huy gago paulit ulit ka. May pa speaking speaking ka na naman." - Renz
Bigla nalang ngumuso si Patrick.
"Nababading ka na ba sakin tol?" Sabi ni Yuki na nasa harapan ni Patrick.
"Gusto mo bang mahalikan si Yuki?" - Zedd
"Oo nga. May pa nguso ka pang nalalaman. Para kang pato bro." - Gregory
At nagtawanan namin kami except kay Patrick.
"Mga baliw. Hindi ako bakla mga pre. Si Arabella ang tinutukoy ko kaya ako ngumuso. Senyas yun mga ugok!" Mahabang litanya ni Patrick.
Kaya yun.. Tiningnan nami ang sinasabi nya.
Nagulat ako at marami syang kasama na lumabas ng faculty room. Halos puro lalaki.
"Anong meron?" Biglang tanong ko sa kanila.
"Co-models and co-artists nya ang mga yan. Magsho shooting yata sila dito. Tsaka may Fashion show next month para sa bagong collection ng V & M Fashion." Frederick explained.
"Hay! Iba talaga tong si Ara. Sikat na sikat." Si Renz ang nagsalita.
"Bro baka maunahan ka pa ng mga yan." Sabat ni Zedd.
"Hell no!" Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
She Is A Genie/Fall Inlove With A Genie
Romance"TO NEVER FALL INLOVE WITH A HUMAN" Yan ang mahigpit na ipinagbabawal na rule sa isang Genie. Kaya lang.. May mga bagay talaga sa mundo na hindi mo kayang diktahan.. Tulad nalang ng iyong PUSO 💓