Dumating ang araw ng friday, araw ng first vocal lesson namin. Kinakabahan talaga ako. Biruin nyo namang na-met ko ang parents at ang baby brother ng Genie ko.
At nalaman kong schoolmate ko pala si Arabella. Yun nga lang ibang kurso ang kinuha nya. Malayo sa kursong kinuha ko. Kaya pala kahit isang subject, di talaga kami magkatulad. Kung meron man, hindi rin kami magka-blockmate. Sa ibang teacher siya napunta. Pero okay lang yun, atleast nagkikita pa rin kami paminsan-minsan.
Nang dahil sa vocal lesson ko sa kanya. Naging komportable na rin kami sa isa't isa. Improving kumbaga.
"Alladin?! Nag lunch ka na ba?". Pambating bungad nya sa'kin.
Andito kami sa foodcourt ng school.
"Hindi pa Genie! Hinintay kita. Tara na. Order na tayo!"
"Tara!"
Nagulat ba kayo? Ako rin eh! Bigla ba naman akong tawaging Alladin? Kasi nga daw, siya ang Genie ko. Pwede ba yun? Paano na si Jasmine? Pauso talaga ang babaeng 'to. Kung ano pumapasok sa utak. Pero mahal ko naman.
Kailanganan ko na talagang magtapat sa kanya.
BINABASA MO ANG
She Is A Genie/Fall Inlove With A Genie
Romance"TO NEVER FALL INLOVE WITH A HUMAN" Yan ang mahigpit na ipinagbabawal na rule sa isang Genie. Kaya lang.. May mga bagay talaga sa mundo na hindi mo kayang diktahan.. Tulad nalang ng iyong PUSO 💓