Chapter 8

8 1 0
                                    

Dale's P.O.V

"Diba ang mga Genie tumutupad ng mga wish?" Yan ang tanong ko kay Ara.

Nandito kami sa park ng school nakaupo. Habang siya ay busy sa pagre-review. May midterm exam kasi sila.

"Oo naman. Pero sa kanyang Master lang siya sumusunod." Sagot naman niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Talaga?"

"Oo. Bakit mo natanong?" Tsaka lang siya tumingin.

"Wala lang. Kung may totoong genie man, ang gusto kong hilingin ay..."

Naputol ang sasabihin ko sa kanya nang biglang dumating si Frederick.

"Dude? Kailangan mong sumama sa akin."

Medyo kinabahan ako sa ikinikilos niya habang papalapit sa amin.

"Yung daddy mo, isinugod sa hospital. 50-50 dude kaya tara na."

Agad kong iniligpit ang mga gamit ko at ipinasok sa loob ng sling bag ko. Aalis na sana kami nang mapansin kong sumusunod si Ara sa amin.

"Saan ka pupunta?"

"Sasama."

"Hindi pwede, may exam ka pa."

"Ayos lang."

"Ang kulit mo naman eh. Mamaya bumagsak ka pa niyan. Dito ka na lang."

"Okay." Yun lang ang tanging sagot niya tsaka bumalik sa bleachers ng park. Nakonsensya tuloy ako. Pero kailangan niyang mag take ng exam. Tsaka daddy ko naman ang pinag-uusapan dito at hindi ang daddy niya.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Sa hospital . . .

"Mmy? Anong nangyari kay Daddy?" Tanong ko sa mommy ko pagkadating na pagkadating namin ng hospital.

"Someone shots him Dale. Our family is being threatened. Someone wants to take over your Daddy's position in the company. Your dad is in critical condition right now."

Hindi ako makapaniwala mula sa narinig ko kay mommy. Ngayon ko lang nalaman na may mga tao pa lang ganid sa kapangyarihan at kailangan pang gumamit ng dahas.

"Mmy, punta lang akong chapel. I pray for dad."

She just nodded.

. . .

. . .

. . .

Nagulat ako ng makita ko si Ara sa hospital. Agad niya akong nilapitan.

"Kumusta ang Daddy mo?" May pag-alala niyang tanong.

"He's still in critical condition. Siyanga pala, what are you doing here? Diba may exam ka pa?" Pag-iiba ko ng topic.

"Oo nga. Tapos na." Relax niyang pagkasabi.

"Huh? Ganun kadali? Natapos mo kaagad?"

"Oo nga. Ang kulit mo." Saka siya ngumiti.

"Wow huh? Ang talino mo yata."

"Siyempre naman noh. Ako pa? Hehe."

Sa totoo lang, medyo gumaan ang pakiramdam ko na andito siya ngayon. Na concern din pala siya sa kalagayan ni Dad.

"So paano yan? Anong wish mo?" Naguguluhan ako sa tanong niya. Kina-career na yata niya ang pagiging genie niya.

"Bakit mo natanong?" Syempre na-curious ako sa kanya.

"Eh wala lang. Sige na. Ano na? Dali."

"Medyo makulit ka huh. Pero sige na nga pagbibigyan na kita diyan sa kabaliwan mo sa mga genie-genie. Ang gusto kong wish, sana maging okay na si Dad at gumaling na siya agad."

"Okay. Your wish is my command my master." Ayan na naman ang pamatay niyang ngiti. Mas lalo siyang gumanda.

Suddenly,

lumabas ang doctor mula sa E.R.

"The patient is not in critical condition anymore. He is stable now. He's vital signs were okay. Maya-maya lang, pwede na namin siyang ilipat ng room."

Sumaya ako sa nalaman ko. Okay na si Dad. Pagtingin ko sa kinaroroonan ni Ara bigla siyang nawala. Asan na kaya yun?

<1 message receive>

From: ^My Genie^ <3

[Sorry nawala ako bigla. Di na ako nakapag-paalam. Naiihi kasi ako. Kita nalang tayo sa school.]

Medyo natawa ako sa kanya. Kaya pala bigla nalang siyang nawala.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Arabella's P.O.V

Hindi alam ni Dale na umalis ako kaya tinext ko nalang siya.

To: ^Alladin^ <3

[Sorry nawala ako bigla. Di na ako nakapag-paalam. Naiihi kasi ako. Kita nalang tayo sa school.]

<Sent>

Actually, sinadya ko talagang pumunta sa hospital para naman matupad ko na agad ang unang wish niya. Two more wishes at makakabalik na rin ako sa amin.

She Is A Genie/Fall Inlove With A GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon