Chapter 16

0 0 0
                                    

Third Person's POV

Ito ang araw ng kaarawan ng Daddy ni Margaux. Gustong sumama ni Bela ngunit ayaw ni Dale dahil gulo lang daw ang mangyayari kung kasama sya. Kaya mag isa na lamang si Dale na pumunta.

Sinabi ni Margaux na alas sais ng gabi magsisimula ang party kaya maaga si Dale na umalis sa kanilang bahay at nagtungo sa mansyon ng mga Sevilla.

Ngayon lang si Dale nakapunta sa mansyon at namamangha sya dahil malawak at maganda din ito katulad ng sa kanila.

Pagkapasok nya palang sa malaking gate ng bahay ay agad syang sinundo ni Margaux.

"Thanks for coming Dale. Let's go to Dad!" Margaux kiss him on his cheek while her right arm is on his waist.

Pagdating nila sa venue kung saan ginanap ang party ay agad na hinanap ni Margaux ang kanyang ama. Nang mahanap sya, agad itong nilapitan ng dalawa.

"Happy birthday Mr. Sevilla." Sabay abot ng regalong dala nya para sa matanda. "I am Dale Saavedra." Tapos nag shake hands silang dalawa.

"Yes I already know you. My daughter keeps on telling me about you Dale. And she never disappointed me having you as her boyfriend."

Medyo nagulat si Dale sa sinabi ng papa nya.

"Ahm.. Excuse me? I am not her boyfriend sir." Casual na pagkasabi ni Dale sa dad ni Margaux.

Si Mr. Sevilla naman ang nagulat.

"Oh! Sorry about that. Medyo advance kasi mag isip ang anak ko. Sayang naman at gusto pa naman kita para sa kanya. Maybe darating din naman siguro ang panahon na maging kayo nitong anak ko."

Hindi nasagot ni Dale ang tanong ni Mr. Sevilla dahil may lumapit sa kanya na medyo hindi katandaan na babae.

"Excuse me for interrupting your conversation sir. We need you back there."

"It's okay Vivian. Ahm Dale.. Iho?! Puntahan ko lang sila dun. Maiwan na muna kita dito kasama ng anak ko. Enjoy the party and thanks for the gift." Sabay pakita sa kanya ng gift na binigay nya.

"No probs sir."

Nang mawala sa paningin ni Dale si Mr. Sevilla ay agad nyang binalingan ng tingin si Margaux.

"Bakit mo sinasabi sa Dad mo na boyfriend moko?  Alam mo namang di yun totoo." Sabi ni Dale na may halong galit.

"I'm sorry Dale. Sinabi ko lang yun dahil kung hindi ipapa engage nya ako sa iba."

"What? At ako pa talaga ang ginagamit mo? Wala ka na bang ibang maisip bukod sa'kin?" Di makapaniwalang saad ni Dale.

"Sorry talaga." Paawang tugon ni Margaux sa binata.

"Pakisabi nalang sa daddy mo na umalis na ako." Sabay talikod.

"Wait Dale." Pigil nya kay Dale habang nakahawak ang kamay nya sa braso nito.

Nilingon sya ni Dale.

"What?" Nagsalubong ang kanyang kilay habang tinatanong nya si Margaux.

May ipinakita siyang isang basong inumin na kakulay ng ginto habang hawak nya ito sa kanyang mga kamay.

"Just drink this and your free to leave."

Sa pag aakalang ito ay isang champagne lamang..

Hindi na ito nag abala pang magtanong at nilagok agad ang inumin na ibinigay sa kanya ni Margaux.

Seconds passed..

"Pwede bang ikaw nalang maghatid sakin? Medyo nahihilo kasi ako."

"Ha? What happened?" Sabi ni Margaux habang inalalayan si Dale.

Hahakbang na sana sya kaso bigla na lamang syang nawalan ng malay.

Malayang naisakatuparan ni Margaux ang kanyang balak kaya ay napakasaya nya at sa wakas matutupad na rin ang kanyang pangarap na mapasakanya si Dale kahit na isang gabi man lang.

"Umaayon talaga sakin ang pagkakataon. Tanga ka talaga Dale. Ni hindi mo man lang naisip na may halong droga ang ipinaiinom ko sayo." Ang sabi nya sa kanyang isip.

Ipinasok nya ito sa kanyang silid sa tulong ng kanyang mga tauhan.

"Be careful in putting him in the bed baka magising." Aniya sa kanila.

"Tapos na po maam."

"Okay. Lumabas na kayo!" Pagtaboy nya sa kanyang mga tauhan palabas ng kanyang silid.

Isa-isang nyang hinubad ang damit ng binata ngunit hindi pa nya nabubuksan ang zipper ng pantalon ay biglang bumukas ang mga mata ng binata. Nagulat at nangamba si Margaux na baka matauhan ito at umalis sa kanila.

"Ahm Dale?!" Uunahan na sana nya ito sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin subalit bigla sya nitong hinalikan.

Ngumisi sya at tumugon sa mga halik nito hanggang sa naging hubot hubad na ang dalawa.

Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili nang maramdaman nya ang haplos ng binata sa kanyang katawan. Bigla na lamang sya napaigtad sa kakaibang sensasyon na kanyang nadama.

Bago pa man may mangyari sa kanilang dalawa ay naimulat muli ni Dale ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang maamong mukha ni Ara na nakatingin sa kanilang dalawa. Kumurap pa siya ng ilang beses para mapatunayan kung ito ba ay totoo o imahinasyon lamang. Ngunit wala pala talaga si Bela at ito ay isang guni-guni nya lamang.

Napabalikwas siya nang mahimasmasan. Agaran nyang isinuot ang kanyang mga damit ngunit bago pa nya maisuot lahat ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae.

"Oh my God! Anong ibig sabihin nito Dale?" Sabi nung babae.

"Bela?" Nagulat si Dale at di makapaniwalang narito si Bela.

"Anong ginawa nyo?" Galit na tugon ni Bela.

"Mali ka ng iniisip Bela. Walang nangyari!" Pagdedepensa ni Dale sa sarili.

"You liar! Ako pa ang lolokohin mo eh kitang kita ng mga eyes ko na walang dress ang kasama mo."

Hindi umimik si Margaux bagkus nagtakip lang ito ng kumot sa katawan.

"Halikana. Umalis na tayo!" Saad ni Dale habang kinukuha ang kamay ni Bela pagkatapos masuot lahat.

"Wait!" Iwinaksi ni Bela ang kanyang kamay para mabitawan ni Dale.

Nilapitan nya si Margaux at sinampal ng dalawang beses.

"Malandi ka nga talaga. Hindi ka lang bitch isa ka ring Whore." Saka nya ito sinabunutan.

"Tama na yan. Umalis na tayo!"

Naghe-hysterical na si Bela dahil sa matinding galit na nadarama.

"Bitawan mo'ko Dale. I am not yet done." Pagpupumiglas ni Bela.

Dahil hindi nagpatinag si Bela ay hinila na sya ni Dale at kinaladkad palabas ng kwartong iyon at palabas ng mansyon ng mga Sevilla.

Fast forward >>>

Sa kotse...

"Don't touch me!" Mariin ang pagkakasabi ni Bela habang sumisigaw sa galit.

"Sorry Bela. Wala talaga akong alam." Akmang hahawakan nya muli ito ngunit iwinaksi lamang nito ang kanyang mga kamay.

"Anong walang alam? Eh mukha ngang you like it pa! I can't believe you Dale. Hindi ko lubos maisip na magagawa mo ang bagay na yun. At dun pa talaga sa babaeng yun. So gross!" Nandidiring tugon nya.

"Ano ba magtigil ka nga! Let me explain. Di mo kasi alam ang nangyari." Paliwanag ni Dale sa kasama.

"No Dale! We both know na friends or sister lang talaga ako for you at ako lang ang may gusto. Ang hard mo namang e love Dale. It's okay kung sa picture lang pero yung you see it with your own eyes? It's so fvcking hurts pala talaga. Hayaan mo muna ako. Wag ka nalang magsalita, pwede? Ihatid mo nalang ako." Parang naubos ang enerhiya ni Bela sa nadatnan.

Kapwa sila walang kibo hanggang nakarating ng bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Is A Genie/Fall Inlove With A GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon