Chapter 12

0 1 0
                                    

DALE'S point of View

Nakauwi na kami ni Bela sa bahay pagkatapos magshopping at mamalengke. Bumili rin kasi siya ng susuotin niya sa party. Agad naman siyang nagsumbong kina mom and dad.

Mamaya na nga pala yung party para sa bagong branch ng Monteverde Shoes Company na pinangalanang Pretty Bela Shoes. Welcome lahat ng shareholders sa company nila including us. Ang Saavedra's Trends Company and Sevilla's Leather Industry.

Ako ang ginawang escort ni Bela dahil sa'kin lang daw siya mas komportable. Wala na akong nagawa dahil yun din ang gusto nga parents ko.

Fast forward >>>

Sa party..

Nakasalubong ko sa entrance ng hotel si Margaux.

Oo nga naman pala. Isa siyang Sevilla kaya di malayong pati family niya ay invited sa party ngayon.

"Hey Dale. You look so handsome as ever." Nakangiti siyang tumingin sa akin.

Nagulat siya ng makitang may kasama ako na nakalingkis sa braso ko. Nawala rin agad ang ngiti niya.

Biglang nagtama ang kanilang mga mata na tila may nag aalab na apoy sa pagitan nilang dalawa.

"Wait! Do you know each other?" I asked them. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Walang nagsasalita..

"Can't you talk? I said magkakilala ba kayo?"

"Ahm.. Hehe.. Of course we knew each other!" Pilit ngumiti si Margaux habang galit na nakatingin sa kanya si Bela.

"Is there a problem Bela?"

"Nope. I don't want to ruin this special event so we better go inside." Alam kong nagtitimpi lang si Bela hindi niya lang pinapahalata.

"O-okay!" Hinarap ko si Margaux bago pumasok sa loob. "Let's go Margaux." Anyaya ko sa kanya.

Nauna na kaming pumasok ni Bela habang sumunod naman si Margaux kasama ang escort niya na hindi ko kilala.

Pagkapasok namin sa loob ay isa-isang nagpapakilala ang lahat ng mga pumuntang bisita.

Habang inisa isa ko ang mga naroroon ay may nahagip ang aking mga mata.

She catched my attention. Only her who makes me feel this way. She looks so beautiful in her white dress. Tahimik na nakaupo si Arabella.

Wait..

Why is she here anyway?

Sa di kalayuan ay natanaw ko si Cassandra na may kasamang matandang lalaki. Dad niya siguro.

Ibig sabihin..

Isa rin sila sa mga shareholders ng Monteverde?

Papaano nangyari?

"Dale? Are you looking for someone?" Bela said.

Bigla nalang nawala sa paningin ko si Arabella.

"Ahm. Nope." Pagmamaang-maangan ko.

Sa'n na napunta yun?

"Wait for me here. Restroom lang ako." Pagpapaalam ni Bela.

"Okay!" I sighed ng hindi ko na makita sa paligid si Arabella.

She Is A Genie/Fall Inlove With A GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon