Chapter 5

24 1 0
                                    

Grabe talaga. Para akong stalker. Buntot ng buntot sa kanya. Pinagdududahan na nga ako ng mga kaibigan ko. Ano daw ang pinaggagawa ko at hindi na ako sumasama sa mga lakad nila.

Syempre! Kailangan kong sundan ang pangarap ko. Follow your dreams ika nga nila.

At dahil nga sinusundan ko sya. Nalaman ko na rin sa wakas kong saan siya nakatira. Ito kasing si Cassandra ayaw pang sabihin. Sinabi ba namang mag-effort daw ako. Hindi lang daw puro asa sa ibang tao.

At ito na nga ang ginagawa ko.

Nang biglang,

"Lumabas ka na nga dyan! Para kang baliw. Alam ko ang mga pinaggagagawa mo. Hanggang kailan mo yan gagawin?" Wika nya habang tumingin sa direksyon ko. At naka-cross arms pa.

Napahiya talaga ako. Hindi na nga ako makapagsalita dahil sa takot. Isang malaking kahihiyan yun pag nalaman ito ng mga kaibigan ko.

Bigla nya akong nilapitan.

"Teka? Ikaw yung lalake sa park ah! Ba't mo ko sinusundan?"

"E-eh! K-kasi. . ."

Ano ba yan? Bigla akong nautal.

"Kasi? Ano nga?"

"K-kasi. . ."

"Hay naku! Dyan ka na nga!"

Bigla syang nag-walkout.

Agad ko naman syang hinila pabalik.

"Ano nga kasi?"

"Kasi ako yung lalake sa KTV Room dun sa Downtown Bar sa Peoria. Have you remember?" Dire-diretso ko na ring nasabi.

"Sorry. Di ko matandaan. Nagkita ba tayo dun?"

"Oo. Lasing ka nga nun!"

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. (O.O)

"What? Kaya mo ba ako sinusundan dahil may nangyari sa atin?"

At ako naman ang nagulat sa sinabi nya. (O.O)

"H-ha? H-hindi! W-wlang nangyari!"

Nauutal na naman ako. Sa lahat ng nakilala ko. Iba sya. Straight-forward kung magsalita.

"So? bakit mo ako sinusundan? May utang ba ako sayo? Naku! Pasensya na talaga. Hindi naman kita tinatakbuhan eh! Hindi ko lang talaga maalala."

Ano bang pinagsasabi nya?

"Wala kang utang sa akin. Sabi kasi ni Mama FOLLOW YOUR DREAMS."

"Expire na ang linyang yan sa'kin!"

"Ouch! Binabara mo naman ako!"

"Hindi kita binabara. Yun ang totoo!"

"Last ka nalang sa'kin Arabella. Masyado mo ng sinasaktan ang puso ko!"

"Pakialam ko sa puso mo? Teka! Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Kasi nga po, nagpapaturo ka sa'king kumanta. Limot mo na ba?"

"Kanta? Ako? Nagpapaturo sayong kumanta?"

Bigla syang nag-isip.

"Kyaaaaaaah! Ikaw yun? Yung boses na narinig kong kumanta? Grabe! Ang galing mong kumanta. Ang ganda ng boses mo!" (^_____^) sabay yugyog nya sa akin.

"Mas maganda ka pa sa boses ko!"

"Ui?! Bumabanat! Wait, ikaw nga ba yun?" (^^,) Pangiti-ngiti nyang sinasabi.

"Oo nga!"

At bigla nya akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa nya. (o_O)

Ano bang meron? Kung makatili naman 'to parang walang bukas.

"Ui?! Chansing ka!"

Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin.

"Ayy! Sorry naman! Masyado lang talaga akong natuwa."

"Okay lang!"

Konsensya: Asus?  Indenial ka Dale. Hindi ka naman babae. Bakit ka nagpapakipot? Halata namang gustung-gusto mo ang mapayakap sa kanya. Sya na nga 'tong nagwi-waste ng effort para gawin yun. Sayang din ang opportunity. Chance mo na 'to. Sige na. Go na. Magtapat ka na ng damdamin.

Nagsalita sya bigla.

Nakalimutan ko na tuloy ang magtapat.

"Kelan tayo mag vo-vocal practice?"

"Ha?!" Nag-isip agad ako. "Ahh! Next friday nalang!"

"Sige! Ano nga palang pangalan mo?"

"Dale!"

"Okay Dale! Next friday. Saan tayo magpa-practice?"

"Ikaw bahala! Kung saan pwede."

"Sa bahay nalang namin. Uuwi kasi  akong Peoria. Okay lang ba sayo yun? Dun ka na lang din matulog."

"Okay lang ba kung sa inyo?"

"Oo naman! Hindi naman strict ang parents ko, kaya okay lang!"

"O sige!"

"Teka, pahiram ng cellphone mo!"

Agad ko itong kinuha sa bulsa ko, at ibinigay sa kanya.

May kinalikot sya sandali sa cellphone ko.

"Oh heto!"

Sobra-sobrang blessings naman 'to Lord. Salamat po.

Ibinigay nya sa'kin ang number nya. Yun lang pala ang ginawa nya.

Nagulat naman ako sa naka-save na name.

^My Genie^ <3

"My Genie? Teka?! Bakit ito ang inilagay mong pangalan?"

"Kasi nga sawa na ako sa mga tawag nila sa akin. Beautiful, Angel, Goddess, Fairy, Princess, Star. Alam ko naman na ganun ako kaganda. Na para akong anghel na bumaba galing sa langit. Na mala-dyosa ang taglay kong ganda. Na para akong fairy dahil para daw akong engkantada. Tinuturing nila akong prinsesa dahil nasa akin na daw lahat. At tinatawag nila akong Star, kasi daw sikat ako. Hayy! Ewan ko sa kanila. Mas gusto ko Genie. Pangarap ko kasing tumupad ng wish!"

Natulala ako sa explanation nya.

"Sige Dale! Pasok na ako sa loob. Good night!"

Good night too My Genie!

Nang nakapasok na siya sa loob ng bahay nina Cassandra, na kasalukuyang tinutuluyan nya. Umalis na rin ako.

Mas na-inlove lalo ako sayo.

Thank you for making my wish come true My Genie ^___^

She Is A Genie/Fall Inlove With A GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon