Isabella's POV
"Nakow e mag-iingat ka roon
belya alam mo naman mga halang ang bituka ng mga lalaki roon siyudad pa nama-""Ma naman pang-ilang beses niyo na po sinabi iyan saakin di pa kasali iyong kahapon." Nayayamot na tugon ko kay mama pano ba naman pang sampung beses niya ng sabihin ang sinasabi niya.
Napakamot na lang ito ng ulo tsaka kinuha ang kutong nakuha pagkatapos ay pinag-dikit niya ang dalawang kuko tsaka ito pinisa.
"Anak nag-papaalala lang ako alam mo naman mga lalaki roon halang ang mga bituka noon."
Nag-aalalang sabi niya saakin na naiiyak na naman niyakap ko na lang ito atsaka hinalikan ang gilid ng ulo.
"Kailan ho kayo huling naligo ma?" Nagtataka kong tanong hindi ko kasi mapaliwanag anong amoy na naman itong naamoy ko.
"Bakit? pang-limang araw na ngayon."
Depota!
Pag-tapos kong magpaalam kay mama ay nilapitan ko naman ang aking kapatid na halos kasing tangkad ko lang matandan lang ako ng isang taon.
"Yesha alagaan mo si mama ng maayos ha tsaka na muna iyang landi-landi na iyan aalis na ako ikaw na mag-babantay sakaniya mag-isa pag nabalitaan kong pinapabayaan mo si mama hindi na kita papadalhan ng imahe nong amo ni lola hala sige." Pananakot ko sakaniya dahilan para umayos ito ng tayo at tinago ang cellphone atsaka tumakbo saakin palapit pagkatapos at niyakap ako ng mahigpit habag umiiyak.
"Ate i-iiwan mo na talaga k-kaami ni mama huhu.." Kinutungan ko naman ito tsaka mahigpit din na niyakap dahil naiiyak na naman ako kainis.
"If i know tuwang tuwa ka na niyan dahil malaya kana sa mga gagawin mo nako yesha ha-"
"Ate wag na u alala kay mama ako na bahala sakaniya alam mo naman iyon candy lang okay na iyon." Pagkatapos ay kumalas ito saakin tsaka singhot singhot na nagpunas ng ilong tumingin ito saakin ng masama atsaka ito lumapit ito saakin at tumingkayad pagtapos ay inamoy ang buhok kong nakapusod.
"Hoy ano iyan aso ka na ba ngayon?!" Sigaw ko sakaniya dahil biglang nabaklas ang pagkakatali nito at bumagsak.
"Ate kailan ka huling naligo?" Hindi ko na lang pinansin ito atsaka nilapitan uli si mama na ngayon ay nilalaro sa dila niya ang lolipop na binili ko sakaniya sa bayan kanina.
"Aalis na ako ma ha? mag-iingat ka lagi." Niyakap ko ito ulit ng mahigpit atsaka hinalikan ang pisngi niyang mag-kabilaan lumapit naman si yesha atsaka nakiyakap na rin.
Pagkatapos ay tumango tango si mama atsaka tumungo at nanakbo sa loob ng bahay napahinga na lang ako ng malalim atsaka kinuha ang mga gamit ko at nilagay sa sasakyan na sundo ko na kanina pa nag-hihintay hindi ko rin napansin na nasa labas na pala ang mga chismosa na naman naming mga kapit-bahay at kanina pa nakatingin.
Pinag-iirapan ko na lang sila at pinapasok na si yesha sa bahay bago ako sumakay sa sasakyan ay tiningnan ko muna ang bahay namin, ang bahay kung saan ang lumaki, ang bahay kung saan nag-simula ang lahat lahat ng mga nang-yayari saamin ngayon.
"Yesha!" tawag ko dito ng malakas lumingon naman ito saakin agad.
"Bat ate?" Maangas na angal nito saakin at magkasalubong ang kilay ganiyan talaga iyan pag may naamoy na masang-sang na amoy.
"Iyong tanong mo pala saakin kanina last week pa ako naligo!" Napailing na lang ito atsaka ako irapan at nanakbo sa bahay pumasok naman ako sa at sumakay na sa sasakyan na hindi na makadaan ng maayos dahil ang daming taong nakaharang sa daraanan na nakatingin sa sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/266629753-288-k801119.jpg)
BINABASA MO ANG
Affair with the Maid
Romance"I never give people a chance to explain what does love means until i met you, You didn't even explain it..."