isabella's POV
Kinabukasan alas syiete pa lang gising na ako para maghanda ng umagahan ni sir dahil maaga ang pasok nito tulad ng sabi ni lorry saktong alas otso daw nag-uumagahan si sir.
Matapos kong maihanda lahat ng pagkain na kakainin niya ay pumunta na ako sa baba ng hagdan para siya'y tawagin na pero hindi siya makasagot kahit ilang beses kong tawagin kaya napag-pasiyahan kong akyatin baka may kung ano ng nangyari ditong hindi maganda.
"...no don't let her..... Call the guards... no, yes, yes okay i'll be there at 9..." ng hindi na siya nagsalita pa ay kinuha ko iyong signal para kumatok kakatok na sana ako sa pangatlong pagkakataon ng biglang bumukas ang pinto.
Nakita ko siyang nakakunot ang nuo habang nakatingin saakin.
"Ah-ahm... sir handa na po y-yong pagkain niyo po." Nahihiya kong sabi dito tila may gusto itong sabihin pero pinigilan nito ang sarili at tumango tango na lang mukhang problemado.
"Ok." Maikli nitong sabi at sinara ang pinto sa mukha ko natulala naman ako at bumaba na ng hagdan dumiretso ako sa hardin para tingnan ulit ang nga halaman.
Binuhusan ko ito ng mga tubig at ginalaw-galaw ang lupa nito pagka-tapos ay umupo muna ako sa upuan doon at nilabas ang cellphone ko.
Me: Yesha ano ng balita kay mama ayos naman ba ngayon?
Ilang sigundo lang ay nagtext naman ito pabalik.
Yesha: Oo naman ate inaalagaan ko yon dzuh...btw ate pahingi pala ako 200 para sa project ko...may project kasi kami need daw yon pag wala akong ganon wala daw akong grade....
Me: Anong klaseng project na naman yan aber?
Minsan kasi barumbado itong si yesha sasabihin project pero bibili lang pala ng gamit na hindi naman kailangan gaano nag-antay ako ng text nito pero wala pa ring sagot kaya tinago ko muna ang phone ko napahinga na lang ako ng malalim.
Nilaro laro ko ang hawak kong walis habang iniisip kong papayag kaya si sir na mag advance cash muna ako ubos na kasi yong perang naipon ko ang malas talaga ayoko naman mang-hingi kay lola dahil baka kailangan nito ng pera para sa buhok nito na bumabalik na naman sa dati atsaka nagpadala na rin ito last week hindi pa nag-iisang buwan eh.
"Anong problema at mukha may pinaglalamayan ata?" Napatayo ako sa gulat dahil biglang may nagsalita sa gilid ko tumingin ako dito at nginitian na lamang siya.
"Wala lang po ito sir." Mahina kong sabi kahit yong boses ko parang naiiyak na.
"C'mmon pwede kang magsabi saakin huwag kang mahiya ako lang to oh." Dahil doon napatingin ako dito at natawa ng bahagya hindi ko akalang si sir may pajokie jokie din pala sa katawan.
"Wala nga po sir a-ayos lang po ako." Tumawa pa ako para ipakita na ayos lang ako pero hindi pa rin ito naniwala lumapit ito saakin at hinawakan ang kamay ko pagtapos ay nilapat sa pisngi nito na-conscious naman ako kasi ang dumi ng kamay ko kaya hinila ko ito ng bahagyan pero mas hinigpitan lang nito iyon at diniin sa pisngi nito.
"I know something's bothering you maaari mo itong sabihin saakin okay?" Para pang nagsusumamo ang boses nito na sinabayan ng mga mata nitong nakaka-hypnotist nahiya naman ako dahil ako pa may ganang gumanito.
arte mo!
wala ka kasing hiya!
kesa naman sayo pabebe!
Napailing na lang ako at tiningnan siya na ganon pa rin ang itsura tinitigan ko ang mata nito gustong gusto ko talaga ang mga mata nito napaka-ganda.
BINABASA MO ANG
Affair with the Maid
Romance"I never give people a chance to explain what does love means until i met you, You didn't even explain it..."