Isabella's POV
"Bella, apo ikaw nga muna ang magpunta sa palengke para bilihin itong mga rekados." Utos saakin ni lola tinanguan ko naman ito at sinabing opo. Inabot nito saakin ang may kahabaang listahang papel kung saan nakalagay ang mga kailangan mabili. Siya nga pala kahapon ng madaling araw dumating sina lola, kuya nardo at lorry kaya medyo napagaan ang loob ko napatungo na lang ako ng ulo ng maalala ang nangyari nung gabing iyon kinabukasan kasi ng gabing iyon paggising ko wala na si...sir theo kaya nagtaka ako dahil ang pasok sa trabaho nito at kadalasan umaalis ng bahay ito kapag alas nuwebe ng umaga pero alas syiete ng gising ko tawag ako ng tawag mula sa taas wala pa ring bumababa.
Pang limang araw na niyang hindi umuuwi kaya nagaalala na rin ako sakaniya sa loob ng limang araw na iyon hindi ako makatulog ng maayos to the point na sinabi ko kay lola na itanong niya kay sir theo kung ayos lang ba ito dahil ko naman kayang magtext sakaniya nakakahiya iyon at isa pa wala akong numero nito.
"Oh bili bili na kayo dito oh mura lang mura lang!"
"Dito kayo bumili mas mapapamura pa kayo."
"Ate magkano po ang isang supot ng sibuyas?" Tanong ko sa may katabaang babae na kaharap ko.
"Trenta'y singko lang iyan ineng mura na yan." Sabi nito tinawaran ko naman ito ng trenta pero ayaw niya pa rin akmang lilipat na ako sa kabila ng mapa-oo ito at natatawang napapailing.
Naglibot libot pa ako sa palengke habang dala dala ang mga plastic na nakaangkla sa braso ko. Habang nagtitingin tingin ako ng ukay ukay may biglang nahagip ang paningin ko na pamilyar na bulto nagtago ako sa isa sa mga damit na nakahanger sa taas kaya medyo natatakpan ako sumilip ako at tinitigan pa ng mas taimtim ang bulto na iyon nang humarap ito nahigit ko ang hininga ko bigla tiningnan nito ang katabi nitong babae atsaka nagangat ng tingin nilibot nito ang paningin itatakip ko pa sana ang damit na nasa harap ko dahil sa kabang baka makita ako nito ng magtama ang mga mata namin.
Nanlaki ang mata ko at nagkunwaring nay hinahanap na bagay sa mga nakakalat na tela na nasa harap ko halos marinig ko na ang pagkalabog ng dibdib ko dahil sa kaba sumilip ulit ako kaya nakita kong saktong hinawakan ng babae ang pisngi niya at nilapit ang mukha dito bago pa mangyari ang inaasahan kong gagawin nito umiwas na ako ng tingin at nagmamadaling umalis roon. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko ng maramdaman kong biglang kumirot ito para akong sinasaksak roon aminin ko man sa hindi may gusto na talaga ako sa amo ko simula nang makita at matitigan ko ang magkaibang mata nito napailing na lang ako at pinunasan ang luhang bigla na kang bumagsak.
Pagdating ko sa bahay ay binigay ko agad kay lola ang mga pinamili ko at nanakbo papasok sa kwarto ko. Nakatihaya ako habang nakatingin sa kisami at iniisip ang nangyari kanina lang.
hindi niya kaya ako napansin?
o
hindi niya talaga ako pinansin?
Iyan ang ilan sa tanong na nasa isipan ko huminga ako ng malalim at pinakalma pa lalo ang sarili ko at lumabas na sa kwarto upang tumulong sa kung anong ginagawa nila.
"Nakow, eh kumusta naman daw si rita ngayon?" Nagaalalang tanong ni lola nang ikwento ko dito ang nangyari noong isang linggo sinabi ko na ayos na at napakalma na ito ni yesha napailing iling na lang ito at sinabing tatawagan niya si yesha mamaya pagkatapos ng mga gawain. Nabanggit saakin ni lola na uuwi raw si sir theo ngayon kasama ang mga barkada nito kaya daw maraming niluto sa araw na ito.
"Siya ba yong sinasabi ni lorry the hito na bagong prenny niya?"
"I don't know sizs pero siya lang naman ang nababago ang mukha dito ngayon kaya baka-"
"Siya na nga!" Sabay pa nilang sabi nagbubulong-bulungan sila habang inaayos ko ang mga pagkain sa mesa wala si lola nasa itaas ito at inaayos ang mga gamit roon si lorry naman nasa hardin inaayos ang mga upuan si kuya nardo naman ay nasa garahe ewan ko ba roon. Nakatayo ang wannabe-kambal na to sa pinto bago pumasok ng kusina nagbubulungan pa na akala mo hindi ko naririnig hindi ko na lang pinansin ito at tinuloy ang ginagawa ko at ewan ko riyan sa dalawang iyan imbes na magtrabaho nag chichismisan.
Nakarinig ako ng sunod sunod na busina mula sa labas ng bahay kaya nagmamadali kong inayos ang mga pagkain sa mesa at ang wannabe-kambal naman ay nanakbo palabas ng bahay napailing na ako nang matapos ko na itong gawin hinugasan ko ang kamay ko sa lababo at papunta na sana sa kwarto ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Isabella." Maikli pero may ng bahid talim ang boses na iyon inangat ko ang paningin ko at there standing in the middle side of the table ang lalaking labis akong pinag-alala dahil hindi umuwi ng limang araw at wala man lang paalala, There standing in the middle side of the table ang lalaking nagdulot ng pagkakulang ko sa tulog and there standing in the middle side of the table ang lalaking dahilan ng pagkirot ng puso ko pero may kahawak kamay na iba...
A/N:
Short update lang 'to guys d ako makapag-focus. My step-grandfather died 3 days ago without us knowing it.😭
BINABASA MO ANG
Affair with the Maid
Romance"I never give people a chance to explain what does love means until i met you, You didn't even explain it..."